The Story of Her (Oneshot)

117 7 2
                                    

Nagwawala. Sumisigaw. Hindi mawala sa isipan. Laging binabalikan ang nakaraan. Nakaraan na gusto niyang kalimutan pero hindi niya magawa. Hindi niya alam dahil sa nakaraan na 'yan, binabaliw niya ang sarili niya.

Standing in a dark, four cornered room --- alone. Nobody wants her. Nobody loves her. 'Yan ang akala niya. Pero kahit kailan hindi niya pinoproblema kung may kakampi siya o wala.

Ang problemaa niya ay...

"Andiyan na siya! Tulungan niyo ako! Papatayin niya ako! Papatayin niya ako!"

Pilit na kumakawala sa isang malinis na kwarto na akala niya ay isang maduming kulungan. Sinasaktan ang sarili na akala niya ay mawawala ang sakit na nararamdaman. Sumisigaw na akala niya ay makakalimutan niya ang lahat ng nangyari noon.

But no. She still, can't stop thinking about what happened from her past. Because until now, she still can't accept that it's all her fault.

"Miss! Tulungan niyo ako! Papatayin niya ako! Andito na siya!" Dali-daling pumasok ang nurse para pakalmahin siya. Sa lahat ng nurse siya lang ang gusto niya. Siya lang ang bukod tanging nagpapa kalma sa kanya. Nasasaktan at umiiyak din siya sa tuwing nagwawala ito --- na unti-unti na itong nababaliw. Because after all...it is still her own sister.

"Rina...tama na. Nandito na ang ate Lina. Wala na siya, kaya 'wag ka ng matakot."

Masakit para sa kanya na pinupunasan ang luha ng sarili niyang kapatid. Mahirap kasi wala siyang magawa para tulungan ito. Nahihirapan din siyang nakikitang nagkaka ganito ito.

Kung hindi lang sana nangyari 'yun...

"Pero Ma! Ayoko sa kanya. Hindi...hindi siya si Papa." Halos pasigaw na sabi ni Rina sa Mama niya.

"Rina. Matagal na tayong iniwan ng Papa mo..." Umiling si Rina sa sinabi ng kanyang Mama. Hindi niya gusto ang kanyang mga narinig.

"May iba na siyang pamilya, Rina! Pinabayaan na niya tayo. Pinabayaan na niya ako, si ate Lina, at pati ikaw, Rina!"

Tinakpan ni Rina ang kanyang sariling tenga, pumikit at umiiling.

"Hindi totoo 'yan! Siguro ikaw lang ang pinabayaan niya pero kami ni ate Lina hindi! Siguro hindi ka na niya mahal pero kami ni ate mahal niya parin! Siguro kinalimutan ka na niya pero kami ni ate wala!"

Hindi na alam ni Rina kung sino ang kausap niya. Hindi na niya naiintindihan ang mga nangyayari. Parang wala na siya kakilala, pati ang sarili niya ay hindi na niya kilala. Unti-unting nawawala --- lumalabo.

Dahil sa matinding emosyon hindi sinasadyang nasampal si Rina ng kanyang Mama. Lahat sila natigilan. Natulak siya ni Rina at tumakbo pero agad ding natigilang dahil sa kotseng paparating.

PEEEP!

Hindi si Rina ang nasagasaan kundi ang Mama niya. Napatingin siya sa lalaking pinalit ng Mama niya sa kanyang Papa.

At makikita niya sa mukha nito ang galit. Na para bang papatayin siya.

"Matulog ka na Rina ha..." Inalalayan siyang humiga ng kanyang ate at pinatulog. Pero nang lumabas ito ay tila nakalimutang i-lock ang pintuan. Napansin ito ni Rina kaya dahan-dahan siyang tumayo.

Maybe now is the right time.

Maybe it really is her fault.

Tahimik siyang lumabas at dahan-dahang naglakad palayo. Gabi na at walang tao kaya walang nakakita sa kanya.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay nakita niya ang isang security guard na natutulog.

Tumingala siya para tingnan ang langit. Nandun kaya siya? Ang Mama niya. Gusto niyang humingi ng tawad. Gusto niya ulit ito makasama.

Napapagod na siya. Nahihirapan. Hindi niya na maintindihan ang sarili niya. Wala na siyang magawa.

Maybe there is no more reason to live anymore.

Maybe it's time to forget everything.

Gusto niyang mamuhay ulit ng normal. Gusto niyang makasama ulit ang pamilya niya. But she can't puzzle anymore the shattered pieces. Hindi na ulit ito mabubuo kasi may kulang. Maraming nawala at nagbago.

Maybe it's time to let go of what happened from the past.

Maybe it's time to ease all the pain.

Naisip niya parang naka-wala siya sa isang kalungan kung saan doon naiwan lahat ng problema niya pati ang kanyang nakaraan na matagal niyang gustong makalimutan.

"Ma patawarin niyo ako..." sambit niya.

She's not complete anymore. Yes, she's broken. And the only way to be okay is to rest. Not only her but also her life.

She then grab thesecurity's gun that is placed at the table. Tinutok niya ang baril sa sarili niya.

"Rina, 'wag!" Napalingon siya sa babaeng sumigaw.

"Ate...pagod na ako."

Pumikit siya, "Sorry ate. Gusto ko ng magpahinga."

She pull the trigger and,

BANG!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story of Her (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon