Chapter 4: Monkey Boy

166 1 1
                                    

(Recess)

Eto na naman ako mag-isa sa isang sulok. Haaaay... ganto nalang ba lagi?

"Hey! Psst! Monkey Booooy!"

"Hoy! Monkey Boy!"

Peste! Sino ba yun? She's blowing over my morning! Parang nakangata ng mikropono yung babaeng yun ah?!

"Monkey Boy!"

Ayoko naman lumingon kasi di naman ako mukhang unggoy. Sa gwapo kong ito?

*PLAK!!!*

"ARAY KO! PUTA--" sigaw ko nang may biglang tumamang matigas sa ulo ko. Parang bato. Anglakas ng pagkakatama. Lumingon ako sa gilid at nakita ko ang sapatos na pambabae.

Lumingon ako. Medyo inis na. Ikaw ba nama batuhin ng sapatos ng walang rason ee, di ka mainis?

Nilapitan ko yung nagger na pokpok na-- ay shet. Siya pala. Yung babae sa room.

*gasp*

Kalma, Ian, kalma.

Tumuloy ako sa paglalakad.

"Ano bang problema mo ha?!"

"Wala lang!" sabay ngiti, yung pa-cute na ngiti, at sabay karipas ng takbo.

Anglakas ng trip takte. Ano ba pangalan nun? Sigurado akong siya yung nanlambot sa abs ko ee (well, ako naman nanlambot sa ganda nya... -_-), pero....

Hayst.

Kalma. Nagpa-palpitate na ako. Bakit ganun? Ngayon lang ako nakadama ng ganto?

--music--

"say what you mean,

tell me I'm right,

and let the sun rain down on me.

Give me a sign,

I want to believe!"

Soundtrip habang pauwi galing school.

Nakasilip ako sa bintana ng taxi (wow, yaman ah?), nagninilay sa mga nangyari ngayong araw.

Buti naman at walang masyadong umeepal sakin ngayon... except for one.

---flashback---

"ARAY KO! PUTA--"

"Ano bang problemamo ha?!"

"Walalang!"

-end of flashback-

(angiklinung flashback no?)

Kainis. Ano ba tong nararamdaman ko?

"monkey boy!"

"monkey boy!"

"monkey boy!"

"monkey boy!"

"monkey boy!"

"monkey boy!"

Naknamfuuuu! Bakit paulit-ulit tong nasa utak koooo!

Haaayst....

...ano kaya pangalan nya?...

Nababaliw na yata ako. Kung ano ano pumapasok sa utak ko ee. Nandyan yung makipagkilala ng maayos. Nandito nmn yung gumawa ng super nakakahiyang stunt sa harap nya para mapansin niya ako.

--imagination--

Chapter 1 - Pagpapakilala

With matching fireworks (ehem) and romantic music.

*have I found youuuu???!!! Flightless bird????...*

Me: "Uhm, miss, alam kong kamakaylan lang tayo nagkakilala... uhm, pero, gusto ko lang sana..... gusto ko lang sana na...

...

...

...

...

...

...

...

...

Girl: Peste ano ba yun?

Me: Ay, uhm, gusto ko lng sana mag-hi. Sige. Babay! *takbo ng mabilis sa kawalan*

Chapter 2 - Super Stunts

Tenententenen tenten! (chug chuguchug chuguchug)

Tenententenen tenten! Tenenenenen... Tenenenenen...

(voltes v theme song po yan)

*tumbling*

Hyaah!

*super punch*

Hwayah!

*super jabs*

Hawooo!

*and finally the super duper mega ass-kicking kick*

Hay-YAAAAH!

*titig sila lahat saken, specially yung girl*

H--Hi... ?

Sabay karipas ng takbo.

-end of imagination--

Tangina puro kabaliwan naiisip ko ee.

Hmm, ano kaya magpadala ako ng letter?

---------------------------------------------

Hi,

Kung nababasa mo na 'tong message na to, ibig sabihin ay naibigay na ng super corny kong friend sayo to, at marahil iniisip mo kung sino yun, tapos matatandaan mo at sasabihin mong "Aaaah, sya pala yun" at maiisip mo ding napaka-baduy at napaka-walang kwentang letter naman neto at probably may maliit na boses jan sa utak mo na binabasa to at iniisip mo na din kung bakit tuluy-tuloy ka pa sa pagbabasa pero ayaw mo ding tigilan dahil sa curiosity mo. Gusto lang sana mag-hi. Yun lang.

Sincerely yours,

unknown.

---------------------------------------------

Angpanget. Puro kabaliwan.

Haaayst...

Diary ng GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon