#Fear 37-Pt.2: Masquerade Ball
✙ Xenzel's POV ✙
Napahigpit ang kapit namin sa isa't isa... Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung sino siya. Pero hinahalikan niya'ko...at hinahayaan ko naman siya...
Hindi tama 'to...
Bago pa man ako kumawala at tumakbo palayo ay nauna na siyang bumitaw sa'kin. Idinilat ko ang mga mata ko at agad na nagtama ang paningin namin.
Xen... Kumalma ka nga... Bakit mo ba nararamdaman yan? Hindi dapat ganyan!
"S-Sino ka..? B-Bakit mo'ko—"
Ibinalot niya ang mga braso't kamay niya sa'kin. Mahigpit niya akong niyakap na para bang ayaw na niya'kong pakawalan.
"Bakit mo...ginagawa sa'kin 'to..?" Tulala akong napatitig sa kawalan.
Ano 'tong pakiramdam na 'to? Bakit ganito? Bakit parang...kakaiba. Sobrang...weird...
Tahimik siyang kumawala sa'kin at marahan niyang hinaplos yung kanang pisngi ko gamit ang mga daliri ng kaliwang kamay niya.
Namuo ang isang pilit na ngiti sa mga labi niya at pagkatapos nun ay unti-unti na siyang humakbang paatras...
"T-Teka..." I muttered and stepped my feet to his direction pero mabilis siyang tumakbo palayo hanggang sa naharangan na ng mga sumasayaw yung daan.
Huminto na lang ako at napabuntong-hininga.
A guy just asked me for a dance, kissed me, hugged me, and then left...without even letting me know his name...
"Who the hell is he..?" Bulong ko habang naguguluhan pa rin sa mga nangyari... "Where the hell did he go..?"
Parang tanga kong hinawakan ang mga labi kong hinalikan niya. Tandang-tanda ko pa rin yung pakiramdam ko nung nagkadikit yung mga labi namin...
Bago pa man ako tuluyang nabaliw ay may umagaw sa atensiyon ko. May tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako.
"Miss Crusiano?" Nakangiting tanong ng lalaking nakamask. Mukhang ito na yung sinasabi ni dad na maga-assist sa'kin.
"Yes."
"Sumunod na lang po kayo sa'kin. Naghihintay na po yung daddy niyo sa taas." Sabi niya sabay lakad.
"Mabuti naman at nahanap mo'ko. Hinintay mo pa talagang matapos yung mga kababalaghan bago mo'ko nilapitan." Nakaangil kong parinig sa kanya pero wala siyang pakialam.
TSK! HINDI TALAGA AKO MAKAMOVE ON SA NANGYARI!
Laylay-balikat akong sumunod sa hinayupak na lalaki. Dumaan kami sa sangkatutak na mga tao bago kami nakaakyat sa mataas na hagdan.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romans"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...