Just Another Maid Story (with a hardcourt twist)

160 3 1
                                    

Alex’s POV

“Alexandra, it’s not that bad. What’s four years when compared to a lifetime of lecture?”

 “Geo, four years of my life na hindi ko naman magagamit. I don’t want to go into business. I’m an artist…a free spirit. Can you imagine me behind a desk? That’s torture.” Inabot ko ang bote ng beer na nasa harapan ko at kinalahati agad.

“Pero Alex, you already did two years of part time work. Don’t you think ikaw naman dapat ang give way sa mom mo? At hindi ka mapapakain ng mga painting mo.”

After high school, I was undecided what course to take so I bummed around for half a year. Don’t get me wrong. I took up those college entrance tests and I passed. I just didn’t want to go into something na pagsisisihan ko eventually.  I felt like a complete failure. Every time a family friend would ask what school I’m in or what I’m taking up my mom would smile politely and answer in a whisper. I’ve disgraced my family.

After a while humanap na rin ako ng trabaho para walang masabi sa bahay. I got my own place na rin para ipakita sa kanila na kaya kong mabuhay nang hindi umaasa sa pera nila. Luckily, I got hired as a trainee barista sa isang family owned coffee shop. After half a year of training, naging full time barista na ako.

Pero ito na nga lang ba ang gagawin ko habang buhay? Ang gumawa ng kape ng ibang tao?

Yung mga painting ko naman, tama si Geo, ay hindi enough para pakainin ako.

“Alex! Alex, mag call center ka na lang kaya? I refer kita gusto mo? Mas malaki suweldo doon, may perks pa. Kahit wala kang college degree magagawan ko yan ng paraan.”

Matagal na akong inaaya ni Geo pero iniisip ko pa lang ang buhay ng isang call center agent ay umaayaw na ako.

“Eh kung ayaw mo, lunukin mo na lang ang pride mo at sa company niyo ka na lang magtrabaho. Sasabihin ko kay Tita gumawa ng bagong posisyon. Ikaw ang tiga gawa ng sosyal na kape ng mga workers niyo.”

My family owns an import and export business and ako at ang little brother ko ang inaasahang magmanage nito in the future. Ako? No thanks.

“Geo, ayaw kong maging puppet na susunod sa bawat utos ng parents ko.”

“Alex, just think about it. Okay? Future mo ang nakasalalay dito.”

Kinuha ko uli ang bote ng beer at inubos ang natitira nitong laman.

“Let’s go. Maaga pa ang pasok ko bukas.”

Please tell me this isn’t happening.

Nandito ako ngayon sa harap ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko at hindi ako makapasok dahil according sa BIR notice na kaka paskil lang sa may bintana ay hindi pa nagbabayad ng buwis ang mga may ari at ito ay closed until further notice.

“Sir? Pano ho ito? Kailan po ulit ako makakapasok?” tanong ko dun sa alagad ng BIR.

“Pasensya na ma’am. Hindi ko pa po alam dahil ang balita ko ay nagtatago ang may ari. Marami pa kasi silang ibang negosyo na hindi nababayaran ang buwis.”

“Ho? Eh paano na po ang sweldo ko?” aba sweldo na next week.

“Pasensya na po talaga ma’am pero isang linggo na po namin sinusubukan tawagan ang mga may-ari pero wala po talaga. Pati po sa bahay pinuntahan na pero wala talaga.”

Tinapik na lang ako sa balikat ni Manong at umalis na siya.

Wala na akong trabaho.

OH MY GOD.

Nagtatakbo ako papunta sa pinakamalapit na ATM at tiningnan ang natitirang laman ng bank account ko.

Twenty thousand.

Bayaran na ng upa, kuryente at tubig next week. Kapag hindi pa ako nakahanap ng ibang trabaho ay siguradong hindi ako tatagal ng isang buwan.

Jeric’s POV

“Jeron! Saan mo tinago yung controller ng ps3? Bilis maglalaro kami ngayon.”

“What? Iniwan ko lang diyan kagabi pagkatapos kong maglaro. Hindi ko yan ginagalaw.”

“Bilis, tulungan mo akong maghanap.”

Hindi naman tumayo si Jeron kundi tumagilid lang at tumingin sa ilalim ng kama.

“Yuck, kuya, medyas mo ba ‘to?”

Tiningnan ko yung binato niya sa akin na medyas at akin nga yun. Last week ko pa to hinahanap ah.

“Uy, thanks. Matagal ko na tong hinahanap.”

“Bakit may nabubulok na burger sa ilalim ng bed natin kuya?” tumingin sa akin si Jeron at parang ako ang sinisisi.

“Aba, bakit ako tinitingnan mo, ikaw yata ang umorder ng burger two weeks ago. Chicken ang kinain ko.”

“Anong ako? Diba naubos ko yung burger na yun. Baka umorder ka uli ng hindi man lang nagsasabi sa akin?”

“Hindi ah. Pustahan sayo yang burger na yan.” Sabi ko sa kanya sabay bato ng medyas ko na tumama sa mukha niya.

“Yuck. Pwe! Pwe! Kadiri ka kuya.” Kinuha naman niya yung burger na nabubulok na at binato naman sa akin. Buti na lang at magaling akong umilag kaya sa may closet tumama bago nahulog at kumalat sa sahig.

“Ikaw maglinis niyan ah.”

“Bakit ako? Eh burger mo yan.”

“Mommy!!! Si Jeron.”

“Ugh. Sumbungero mo talaga ahia.”

Bumukas naman ang pinto at sumilip si Mommy.

“Ano nanaman ang…bakit ang baho?”

“Burger niya”

“Burger niya”

Haaaaay. Bakit ba kasi kailangan pang umuwi ni Manang.

“Ma, we need a maid.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Another Maid Story (with a hardcourt twist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon