*sniff* "Bakit? Ano bang ginawa kong mali? *sniff* naging mabait naman ako sayo ah? good girlfriend! kapag *sniff* hindi mo natapos yung trabaho mo, ako na ang gumagawa. *sniff* pinagluluto pa kita. araw-araw may baon ka sa office. *sniff* Hindi na nga ako nagagalit sayo *sniff* sa tuwing hindi ka nakakarating sa usapan. Iniintindi kita. *sniff* Bakit mas pinili mo siya? *sniff* ganun na lang ba ang 2 taon nating pinagsamahan? *sniff* 1 araw lang, wala na?" patuloy na iyak ko sa playground. walang hiya siya!
iniisip niyo siguro ang drama ko no? na baliw ako na kumakausap sa sahig. eh kayo kaya! 2 years kami! mantakin niyo yon??? 2 years!! tapos isang araw pa lang niyang nakikilala yung babaeng yon, gusto na agad niya?! at pinagpalit na agad ako! the hell-
"eh kasi girlfriend ang kailangan niya hindi yaya." napaangat bigla ang ulo ko sa taong nagsalita..
"La-nce?!"
"iyakin ka pala Myka. buti kilala mo pa ako." sabi niya sabay umupo sa tabi ko.
"hindi pa naman ako siguro ganung katanda para kalimutan ang mga kaklase ko nung high school diba? tsaka hello president ka kaya. mas nakakapagtaka pa nga na kilala mo pa ko eh. teka nga, bakit ka ba nandito? pinapakialaman mo pa ko. lakad! uwi na! kitang nagsesenti eh!"
"Sigurado ka bang paaalisin mo na ko? Sa tingin mo ba macocomfort ka niyang sahig na kanina mo pang kausap? yayakapin ka ba nyan? papatahanin? okay sige. Good night!" tumayo na siya at akmang maglalakad palayo nang hinawakan ko ung dulo ng t-shirt niya
"ahmm.. Sandali. oo na. sige. dito ka muna."
"good girl." sabi niya sabay pat sa ulo ko. umupo na ulit siya sa tabi ko pagkatapos niya akong gawing aso. =__=
tahimik lang kami nun.. mga 3 minutes.. tapos humarap siya sakin at niyakap ako.
"Sige na. ituloy mo na yung iyak mo kanina. Basta last na to ha? Di maganda pag umiiyak ang mga babae eh. Kala niyo cute kayong tingnan na may uhog na lumalabas sa ilong niyo? idagdag niyo pa yang mugto niyong mata na parang kinagat ng ipis sa kaiiyak niyo. Mas maganda kayo pagnakangiti." pinalo ko nga sa braso. ayun na eh! okay na kelangan pang sabihin yon?
"Kelangan ba talaga sabihin pa yo-"
"Sssh. tama na. sasabat ka pa. alam kong gusto mo ng ilabas yan."
pagkasabi niya nun.. umiyak na lang ako. ganun pa rin siya. hindi talaga nagbago. sa tuwing may problema ang isa sa kaklase namin dati, nandun siya lagi para icomfort sila. sanay na kami sa kanya kaya wala ng malisya yung mga pinaggagawa niya.
hindi ko alam pero kumportable akong umiyak sa harap niya. siguro dahil alam kong mabait na tao siya kahit ganyan yang sobrang straight to the point kung magsalita at kung minsan below the belt na.
ayoko talaga ng may makakakita saking umiiyak kaya sobrang dalang ko umiyak. at kung iiyak ako, wala talagang makakaalam. ngayon nga lang ako umiyak ng bulgaran eh. masarap pala yung feeling ng may nagcocomfort sayo no?
-----------------------------------------------------
Hi, ako si Myka Gonzales. 25 years old. 2 years na nakipagrelasyon sa isang gago na ipinagpalit ako sa isang malanding babae na isang araw pa lang silang magkakilala eh nasulot na agad sakin. Wag niyo ng alamina gn pangalan. nababadtrip lang ako. SI Lance Rivera? classmate ko nung 4th year high school.. hmm.. siguro 9 years ago na yon. ngayon ko na lang ulit siya nakita. after kasi ng graduation, medyo nagkahiwa-hiwalay na kaming magkakaklase. Wala kong masyadong contact sakanila kasi ako yung "wallflower" samin dati. medyo hindi nila alam na nag-eexist pa ko. =__=
hey... gusto niyong makarinig ng secret? well... crush ko si Lance. SECRET LANG HA. ;)
----------------------------------------------------
Pagkatapos siguro ng mga 20minutes na pag-iyak. >:)< tumigil na ko. sakit na ng mata ko eh.
"*sniff* okay na ko. thank you Lance!" sabi ko habang kumakawala sa yakap niya.
"hindi pa tayo tapos." sabi niya.. tapos pinunasan niya yung mga luha ko
"hindi pa?"
"hindi pa. inhale Myka.." uminhale nga naman ako.. ops uto-uto here. haha
".. exhale." at umexhale din naman. mga 5 times namin ginawa yan.
"oh. taas mo yung right hand mo.." nu ba yan. nagiging uto-uto na ko nito eh.
"Gayahin mo mga sasabihin ko ha."
"okay?"
"I..."
"I"
"Myka Gonzales..."
"Myka Gonzales"
"starting today, November 7, 20XX..."
"starting today, November 7, 20XX"
"promise to forgive the jerk who broke my heart."
"sandali naman Lance! di ko pa-"
"promise to forgive the jerk who broke my heart." ulit niya with matching maniwala-ka-sakin-at-sabihin-mo-na-lang-look
"promise to forgive the jerk who broke my heart" =____=
"and that today will be the last time I will cry because of him..." o yeah? alam ko magtatagal pa to..
"and that today will be the last time I will cry because of him"
"I will keep in mind that..." daming echos nito ah
"I will keep in mind that"
"he is not worth the tears i shed..." ......
"he is not worth the tears i shed"
"because there is someone more suitable for me..." yeah right..
"because there is someone more suitable for me"
"someone who will not make me cry..." hope so.
"someone who will not make me cry"
"someone who will make me happy..." may ganyan ba talaga??
"someone who will make me happy"
"someone who will be there for me in sickness and in health..." ano ito?? KASALAN? HAHAHA
"someone who will be there for me in sickness and in health"
"someone who loves me more than himself..." hmmm... my dad?
"someone who loves me more than himself"
"someone with the name of Lance Rivera."
"someone with the name of- WHAT?!" napababa ko yung kamay ko nang marealize ko yung sinabi niya
"Hi Myka! Ako si Lance. 4th year pa lang crush na kita. Ngayon lang kita nakitang umiyak kaya ngayon ko lang nasabi sayo. Ngayon lang kasi ako nagkalakas loob eh. Alam mo naman ako si Mr. Comforter diba? balak ko talaga na magtapat pag ikaw naman ang kinomfort ko eh. Ang tagal din nun. Ang tapang mo. You're the strongest person I've met in my entire life. biruin mo, after 9 years, tsaka ka lang nangailangan ng Comforting powers ko? :) At para sabihin ko sayo, kung dati crush lang kita, ngayon hindi na. Myka, mahal kita."
boom.. I just died.
----------------------------------------------
waaaa sobrang salamat sa pagbabasa ah! :D
try niyo yung ibang one-shots ko?
nasa external link yung REJOICE.
tapos nasa profile ko yung iba. :D
THANK YOU! <3
BINABASA MO ANG
I Just Died (One-shot)
Romancewhen Mr. comforter comforts me, I die. *cover photo is from the manga Last Game