TDS10D : 06

656 28 1
                                    

Grace’s POV

Habang patuloy kami sa pag-eensayo, nagawi ang tingin ko sa direksyon kung nasaan si Kathleen. Kanina pa ito wala sa pokus at panaka-naka rin ang pagmamasid nito sa paligid.

“Kathleen, may problema ka ba? Pwede mong sabihin ‘yan sa amin.” Panghihikayat ko rito. Umiling lang ito.

“Guys, ano’ng nangyayari diyan? We need to perfect our steps now.” Sabi ni Martha sa amin habang nakangiwi, siguro’y pagod na ito.

Hindi na namin pinansin si Martha, sabay-sabay kaming huminto para kausapin si Kathleen, “Kath, kung may bumabagabag sa ‘yo, sabihin mo na sa amin.” A ni Francheska.

“A-ayos lang ako, ano ba. Magpatuloy na kayo sa sayaw, puyat lang ‘to.” Saka ito nagbigay ng isang ngiti, ngunit alam kong iyon ay hindi makatotohanan. Tumango silang lahat, ngunit hindi pa rin ako kumbinsido.

May masama na naman akong kutob, agad kong nilapitan ito, “Let’s have a short conversation after this practice, Kath.” Bulong ko sa kaniya.

* * *

4:00 PM nang matapos ang practice, maayos na ang lahat. So far, wala namang nagyayaring kakaiba, bukod sa pagiging matamlay ni Kathleen.

“Kathleen, ano ba talaga ang problema? Huwag mong gawing dahilan ang puyat, ha? Kilala kita, hindi ka mahilig magpuyat, at isa pa, hindi ka hahayaang magpuyat ni Ian.” Tinignan ko nang masinsinan si Kathleen, namamaga ang mga mata nito.

Huminga muna siya ng malalim. “Nitong mga nakaraang araw, sunod-sunod ang death threats na natatanggap ko, walang palya. Umaga, hapon, gabi.”

Bakit ba ganito ka-desperado, o ka-desperada ang killer? Isa siyang baliw. Kahit ang mga inosenteng buhay ay idinadamay niya.

“Can I see your phone?” Inilahad ko ang aking palad sa harapan niya, agad naman nitong ibinigay ang kaniyang telepono. Nagulat ako sa threads na aking nabasa.

“Bid a farewell to your loved-ones, Kathleen. Xoxo.”

“It’s almost time.”

“I will be your ‘Fairy God-Killer’. Hahaha! What a brilliant idea, right? Be ready, baka mamaya o bukas lang, hawak-hawak ko na ang puso mong tumitibok-tibok pa.”

“Nuh-uh, you can never escape this crap, Dear."

Nangilabot ako sa mga mensaheng nabasa ko. The killer must be so insane! First of all, sino nga ba naman ang matinong taong gagawa ng kahayupan sa mga itinuring nitong kaibigan?

Nagulat ako nang biglaang tumunog at nag-vibrate ang phone ni Kathleen, mayroon na namang panibagong message.

Aww, pakialamera ka talaga, ano, Grace? Alam mo? Itong keyboard ko, ang hilig ma-typo. Grace to Grave. Hmm? Is it just coincidental?”

Well, huwag kang mag-alala, ihuhuli kita, since we’ve been best buddies. Kathleen first. Mwaps.” Narinig ko ang mahinang paghikbi ni Kath, niyakap ko na lang siya, dahil wala rin naman akong maisip na paraan, ako man ay natatakot.

Best buddy? Kung ganoon, paano niya nagagawa ‘to? Mayroon ba siyang problema sa amin? Sana’y sinabi na lang niya, para hindi na siya nakapaminsala pa.

Sino nga ba ang walang hiyang patuloy na nagtra-traydor sa amin? Si Jillian? Seatiel? Beatrice? Erica? Gwyneth? Bella? Martha? Joseph? Zarmin? Lester? Angelo? For Pete’s sake! I’m too tired of these issues!

“Grace, una na ‘ko, ha?” Pagpapaalam ni Kathleen sa akin. Aalis na sana ito nang bigla kong hawakan ang balikat niya.

“Stay! Sabay tayong uuwi, Kathleen!” Saka ko hinawakan ang kamay niya, natatakot ako para sa kaniya.

“G-Grace, kaya ko nam—” Hihirit pa sana ito, ngunit agad na ‘kong tumutol.

“Kathleen, natatakot ako para sa ‘yo, naging malapit din naman tayo sa isa’t isa. Hindi ko hahayaang pati ikaw ay saktan niya.” Saad ko, tumango na lamang siya.

Nang makasakay kami sa service ko, agad ko siyang tinanong, “Alam ba ito ni Ian?” Umiling ito.

“Why? Say it to him habang hindi pa malala ang lahat!” Nakikita ko ang pangingilid ng luha niya, kung ako’y natatakot, papaano pa kaya siya, hindi ba?

“Grace, ayokong malaman ni Ian ‘to. Ayokong mag-alala si Kuya, lahat na lang, ginawa niya para protektahan ako, pati buhay niya’y handa niyang isakripisyo para lang sa akin.” Tuluyan nang bumuhos ang mga luha niya.

“Ako na mismo ang magsasabi kay Ian.” Matigas kong sambit.

“Naiisip mo ba ito, Kathleen? Sa oras na mawala ka, sisisihin ni Ian ang sarili niya, dahil hindi ka niya na-protektahan bilang nakababata niyang kapatid.”

“But, Grace–”, “No more buts, Kath. Wether you like it or not, makararating pa rin ‘to kay Ian.” Yumuko na lang ito’t umiling.

* * *

“Grace, please?” Tawag niya sa akin nang makapasok na kami sa bahay nila, “Yes?” Sagot ko naman.

“Huwag na nating ipaalam kay Kuya ‘to.” Hanggang ngayo’y nangingilid pa rin ang mga luha ni Kathleen. 

“Seriously, Kathleen?” Saka ko itinaas ang isa kong kilay.

Nang makapasok na kami sa sala, agad bumungad sa amin ang isang Ian na nagbabasa ng isang nobela, seryosong-seryoso ito. “Ian-ah!” Tawag ni Kathleen sa kaniya.

“Ne?”, “Oh! How are you, Grace–noona?” Pang-aasar nito sa akin.

“Hmm. I’m alright. E, kayong dalawa nitong si Kathleen?” Saka ko tinitigan ang katabi ko.

“Ian, protect your sister. She has been receiving death threats these past few days.” Seryoso kong pahayag.

“What?! Ano ‘to, ha, Kathleen? Bakit hindi mo agad sinabi?” Halos sumabog na sa galit si Ian dahil sa nalaman.

“S-sorry, K-Kuya.” Naiyak na lamang si Ian, saka niyakap ang kapatid nito.

“I have to go now, Kath and Ian.” Tumalikod na ako’t tuluyan nang bumuhos ang luha ko.

Ano ba’ng nagawa namin, upang kami’y ituring bilang mga hayop? Kailan ba matatapos ‘tong sumpang ito?

###

The Death Section : 10-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon