KAGAGALING ko lamang sa huling subject ko ngayong hapon.
Nang makarinig ako ng talbog ng mga bola sa may likuran ko mabilis akong napabaling roon, kitang-kita ko ang pagtatawanan ng mga kateam mate ni Alden.
Lalo pa akong nagtaka ng tapunan ako ng mga ito ng tingin at sabay na nagtawanan, dahil doon mabilis kong iginala ang tingin ko sa paligid. tiniyak ko muna kong may ibang tao bukod sa akin.
Ngunit wala akong nakita kaya agad kong hinarap ang mga ito, ang pinakaayaw ko eh pinagtatawanan ako ng hindi ko alam ang dahilan!
"Hoy ba't niyo ako pinagtatawanan?" Galit na talaga ako at tila uusok na pati bunbunan ng ulo ko.
"Eh kong sasabihin ba namin mapagbibigyan mo ba kami?" Pagyayabang ng maitim na kasama ng mga ito.
"Oo nga balitang-balita rito na pasado na sa iyo basta ba pasok sa standard mo, ano bang rate mo Ms. Maine Sanchez pasok ba kami?" Isa pa itong bisugong matangkad na kasama nila, akala mo guwapo tinadtad naman ng tighiyawat!
Kainis ang kakapal ng mga mukha akala mo may maipagmamayabang na. Halata namang mga freshman pa lamang ang mga 'to.
"Hoy! magdahan-dahan kayo sa mga sinasabi niyo kung ayaw niyong. . ." Ngunit hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay hinawakan na nila ang kamay ko, iyong isa ay pumunta pa sa likuran ko.
Kahit playgirl ako ayaw ko namang pa-rape, lalo na sa mga ganitong klaseng pagmumukha.
"How daire you to touch me, let go of my hands you assholes!" Todo-sigaw ko, para kung may makarinig man eh matulungan ako, kung may makakarinig pa sa akin.
Tila nag-siuwi na yata lahat ng estudyante dito sa Villafuerte, lalo akong kinilabutan ng bigla na lamang binubulungan ng isang estudyanteng na nasa likuran ang tainga ko.
Dahil sa ginawa nito tila nanindig lahat ng buhok ko sa katawan ko, mariin kong tinapakan ang paa ng estudyanteng nasa likuran ko.
Napa-aray siya sa sakit, dahil sa ginawa ko. Sino ba naman ang hindi masasaktan eh napakatigas kaya ng takong ng suot kong sapatos.
Binitiwan narin ako ng mga kasama niya. Natakot yatang pagsisipain ko rin ang mga ito, nang makarinig kami ng papalapit na yabag ng sapatos.
Laking tuwa ko ng makita kong sina Alden ang papalabas sa gym, mabilis sana akong lalapit sa mga ito ng mahigpit akong sinaklit ng estudyanteng tinapakan ko sa paa.
"Saan ka sa tingin mo pupunta huh babae!" Bulyaw niya sa akin napangiwi pa ako ng maamoy ko ang mabahong hininga niya.
WTH! mahihimatay ako sa nakakasukang amoy na hininga niya, nagpupumiglas na ako. Agad namang lumapit ang grupo nina Alden. Bigla naman akong binitiwan ng estudyanteng namumuwersa sa akin, natakot yata sa presensiya nina Alden ngayon tila mga asong bahag ang buntot kung makaakto ang mga ito ngayon!
"Hey mga freshman ano pang ginagawa niyo rito hindi ba kanina pa kayo pinauwi ni Soujhiro?!" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Alden sa mga ito.
Nanatili namang tahimik ang mga ito, mabilis akong binalingan ni Alden. "Maine may ginawa ba sila sa'yo?"
Matigas kong tinitigan ang mga estudyanteng nambastos sa akin, ang babata pa ng mga ito pero ganoon na kadudumi mga isip ng mga 'to.
"Kasi Alden binastos nila ako at gusto nilang mak*"$- ..," nabulol ko pang sabi sa huling katagang sinabi ko, bigla ang pagsasalubong ng mga kilay niyang nagkadikit na ng tuluyan.
Mabilis niyang sinunggaban ang isa sa mga freshman na nangbastos sa akin. Gulat na gulat ako dahil first time kong makitang galit talaga ito at tila makakapatay ng tao ang itsura niya ngayon.
Agad na inawat nina Clem at Cuzhniel si Alden habang si Soujhiro naman eh inutusan ng umuwi ang mga freshman.
Ilang minuto rin bago kumalma si Alden bahagya pang tinapik siya ni Soujhiro.
"It's alright Den mga bata lamang mga iyon so don't mind them okay?" Inis siyang binalingan ni Alden.
"Mga bata? Hindi na mga bata ang mga iyon dapat sa kanila binibigyan ng leksiyon. Dapat hindi niyo sila pinaalis, binastos nila si Maine!" Nanggagalaiti na talagang sabi ni Alden, ewan ko ba kanina pa kumakabog ng pagkalakas-lakas ang puso ko tila tinatambol ng drum.
"Anong gusto mong gawin Alden sapakin sila, bugbugin? Hindi kita maintindihan Pare hindi ka naman ganiyan dati na basta-basta nalang mananapak dahil sa simpleng bagay." takang sabi ni Soujhiro tila hindi niya alintana ang galit ni Alden. Nanatili namang tahimik na nakatingin ang dalawang kasama nila.
Bigla ay nagulat ako sa mga sumunod na sinabi ni Alden.
"Simpleng bagay? That's not a simple matter pare, binastos nila si Maine and that's a god damn big deal to me! hindi ko papayagang bastusin si Maine ng kung sino man!"
"Bakit ano mo ba siya? Your not his man remind that Den." pagkasabi ni Soujhiro niyon ay napapailing na agad umalis si Alden nang hindi umimik. Pero ramdam kong may iba sa kaniya.
Kaming apat nalang ang natira rito, maiksi lamang akong tinapunan ni Soujhiro.
"Narinig mo naman ang mga sinabi ni Alden Maine at kahit hindi man niya sabihin ng diretsahan sa'yo eh tiyak kong may gusto na sa'yo ang kaibigan namin."
"Pwedi 'wag ka ng umaaligid sa kaniya hindi kayo nababagay ni Alden. Langit siya lupa ka, bagong luto siya habang ikaw tirang ulam na. Kaya mahiya ka naman kung ano man ang plinaplano mo itigil mo na iyan. Dahil hindi ka pa nag-uumpisa eh naisakatuparan mo na ang gusto mo, masaya kana ba Maine?!" Mahabang litanya ni Clem na agad na sumabad matapos magsalita si Soujhiro, sapol ako sa mga sinabi niya. Pero totoo naman ang mga iyon.
Muli nagsalita ang pinakatahimik sa kanila si Cuzhniel.
"Sundin mo na lamang ang sinasabi ng mga kasama ko Ms. Sanchez para parehas na hindi kayo masaktan ni Alden, we give you an option. So beat it and don't say anything just leave."
Nanatili lang akong nakatingin sa mga ito hanggang sa umalis na nga sila.
"Damn one day palang sira na agad ang plano ko. But I don't care kong masaktan man ang Alden na iyan dahil ako? Never akong mafa-fall dito, siya ang kusang pumasok sa patibong ko kaya titiyakin kong siya rin ang kusang bibitaw. He will regret falling from me tiyak mag-eenjoy ako sa mga susunod na araw," bulong ko na lamang sa aking sarili at ipinagpatuloy na ang paglalakad pauwi sa aming bahay.

BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
Lãng mạnForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...