CHAPTER NINE

86 6 3
                                    

NANG matapos ang nakakapagod but worth it namang laro namin kasi kami ulit ang champion sa district ng campus ngayong taon.

Matapos ibigay ng mga opisyales ng school namin ang tropeo at certificate eh nagkaroon muna ng maiksing picture taking.

Pagkatapos kong pagbigyan ang mga estudyanteng gustong makapagpapicture sa akin ay agad na akong lumapit kina Maine.

"Hai by the way congrats sa team niyo Alden," agad niyang sabi at mahigpit lamang naman niya akong niyakap. Tila lumukso naman sa kabiglaan at naroon na rin siguro ang saya.

"T-Thanks Maine pasensiya na pawisan pa ako," sagot ko sa kaniya, ngunit 'di naman mawala-wala ang ngiti na kababakasan ng magkabilang biloy ko. Agad akong napatingin sa dalawang kasama niya ng magsalita ang beking katabi ni Maine.

"Ayos lang iyan papa Alden guwapo ka pa rin at mabangong-mabango ka sa paningin namin, lalo na kay Maine!" Maharot na sabi niya, napatapik nalang ako sa braso nito na lalo namang itong nangisay sa kilig.

"Ano ka ba Charlott ilaglag ba naman ako." sabay kurot naman ni Maine sa tagiliran nito. Tila nahihiya nga't namumula pa siya.

"Siya nga pala sina Angel Santillan at Charlie Aka Charlott Manansalang Alden mga kablockmate ko at close friend narin." pakilala ni Maine sa dalawa. Nakipagkamay naman ako sa mga ito.

"Kung wala kayong pupuntahan can I envite the three of you to join us, small party lang naman sa villa namin. Maybe a pool party can be dahil sa pagkapanalo ng team namin this year, if you don't mind guys?" Pang-aalok ko sa kanila, tutal iimbitahin ko na rin si Maine ay sinali ko ang mga friend niya para may kasama siya.

Nagtinginan muna ang mga ito. "Yes! Yes! puweding-puwedi Papa Alden basta ba ipakilala mo ako kay papa Clem at si Angel kay Papa Cuzhniel, please!" Nagtatalon na pakiusap ni Charlie aka Charlott raw, nagbeautiful eyes pa ito.

"Yes, sure basta ba sasama si Maine my loves." I chuckled pero may kalakip namang tense sa huling pangungusap, kinakabahan ako baka kasi hindi pa sumama si Maine.

"O-okay I will go Alden, pool party will be a good idea in this kind of weather," nakangiti niyang sabi, dahil sa kabiglaan ko nabuhat ko pa siya at inikot-ikot.

Nagtitili naman siya at natatawa. "Thanks Maine! Akala ko tatanggian mo na naman ako." malapad kong ngiti na sabi sa kaniya.

Agad ko na siyang ibinaba, dahil nakakaagaw na kami ng pansin. Pati sina Angel at Charlott ay mistulang nanunuod ng pelikula dahil kinikilig na rin ang mga ito.

Napalingon ako ng bahagya akong tapikin ni Soujhiro sa balikat ko. Kasunod niya sina Clem at Cuzhniel pati ang buong team Basketball player ng Villafuerte Academy.

"Ready na kayo pare? Tara na sa villa nalang ako magsha-shower by the way guys nakilala niyo naman na siguro si Maine Sanchez. I invited her and her two friend kung okay lang sa inyo?" Agara kong tanong sa team.

"No problem pre." si Soujhiro.

"Same here." Cuzhniel

"basta ba wear some sexy swim suit mga girls!" si Clem na excited na.

Tumango lamang ang mga iba pang kasama namin.

"Allright tara na!" Nagdidiwang kong sigaw habang mabilis at mahigpit naman hinawakan ko ang palad ni Maine.

Lalong nagdiwang ang puso ko nang hinayaan lang ni Maine ang ginawa ko. Si Clem ang nagdrive ng sasakyan, nagkakantahan ang buong team habang kaming apat nina Maine ay napapangiti lang at napapatawa nalang kapag nagbibiruan ang mga kasama namin sa sasakyan.

Nang makarating nga kami sa harap ng gate ng bahay namin ay agad kong binuksan ang side window ng sasakyan na katabi ko, sinabihan ko ang guwardiyang pagbuksan kami.

Agad naman nitong binuksan ang gate, namamanghang mga mata ang nabungaran ko kay Maine pati ang dalawang kasama niya ay ganoon rin ang reaction.

"Wow! alam kong mayaman kayo Alden pero hindi ko aakalaing as in ganito kayo kayaman." si Maine na inililibot pa ang mga mata niya sa malawak naming lawn.

"Oo nga girl jackpot ka talaga kay Alden guwapo na nga napakayaman pa!" Kinikilig na sabi naman ni Charlott.

"Hoy bakla maghunos-dili ka! Baka isipin ni Alden na mukhang pera si Maine o iyon lang ang habol niya," babalang sabi ni Angel sabay yugyog sa balikat ni Charlott.

Napapailing na lamang ako sa kadaldalan ng mga kasama ni Maine ng bigla kong marinig ang seryusong boses niya.

"Yes, tama sila. Never na sumagi sa isip ko na pera lamang ang habol ko kay Alden. . ." Tila may kakaiba sa mga tingin niya. Ang misteryusong nakapaloob sa kaniyang mga mapupulang labi.

AT LAST muli akong nakapasok sa malaking villa nina Alden.

Tama kayo ng iniisip nanggaling na ako dito DATI.

Sa ngayon hindi ko pa maikukuwento sa inyo kung paano at kailan nangyari iyon, pero promise ikukuwento ko ito sa TAMANG PANAHON.

So back to topic, ito nga wala talaga akong pakialam sa yaman nila, ang gusto ko lamang ay makaganti!

"May problema Maine?" Seryusong tanong na ni Alden.

"Ah, wala naman Alden. Excited na kasi akong maligo, alam mo na minsan lang makaligo sa pangmayamang pool." Nangingiti kong sagot dito, agad namang bumalik ang masiglang ngiti at biloy nitong parang kabute kong magsulputan.

"Kaya lang Alden, wala kaming maisusuot nina Angel hindi kasi kami nakapagdala eh." kunwaring nalulungkot kong sabi.

"Don't worry may mga nakatabi namang swim suit roon na tiyak kasya sa inyo ni Angel," biglang sabi ni Alden.

Iyon nga narito na kami sa pool side, anglaki talaga ng pool nila kahit ilan eh puweding sabay-sabay na maligo dito. Meron din silang jacuzzi.

Napatigil ako sa pagmumuni ng magsalita si Angel sa tabi ko. "Ahmm Maine masyado atang bulgar itong mga suot natin?"

Napalingon ako dito pero nanatiling nakapaskil pa rin sa mukha ko ang malapad na ngiti, "Don't worry girl kaya natin irampa iyan, hindi naman kita hahayang malapa girl ng mga hunks dito. Ayaw mo niyon baka diyan sa suot mo eh pansinin ka na ni papa Cuzh mo."

"Ah ganoon ba girl kung iyan ang paraan para mapansin ako ni Cuzhniel eh 'di go."

"Iyan ang spirit girl tignan mo si Charlott naroon na kina Clem ang bilis talaga ng kamandag!" Tatawa-tawa kong saad habang sumisimsim ng punch drink na ibinibigay sa party.

Madami rin palang bisita ang mga ito hindi lang pala kami, nang mapansin ko ang isang babaeng naglalakad sa kabilang side ng pool.

Wearing that two piece red bikini swim suit on her was totally sexy, pero I had my own asset. Mabilis kong inalis ang robang suot ko, ang ilan sa mga kalalakihang nasa pool eh napasipol pa.

I just wearing a two piece black swim suit, kitang-kita ang likod kong napakakinis ang mga biyas kong mahahaba. ang dib-dib kong halos lumuwa na sa pagkakafit ng bikini ko at ang napakatambok kong puwet na halos humahakab na sa suot kong swim wear.

"Angel maiwan mona kita kay Cuzhniel at lalapitan ko muna si Alden." seduction filled my voice hindi ko na hinintay makapagsalita ito, bahagya ko pa itong itinulak dahil saktong nasa likuran na niya si Cuzhniel.

Nahihiya pa ang bhezzy ko, hindi lang yata ako ang magkakalove life rito pati rin  si Angel lalong-lalo na si Charlott ang maharot kong beking kaibigan.

✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon