A typical day for Belle and Vincent. Sabado ngayon at nasa bahay lang silang dalawa. They were both watching a movie habang nakasandal si Belle kay Vincent. It seemed so ordinary.
"What else do you want? May cravings ka ba ngayon?" Vincent asked. Habang lumilipas kasi ang bawat araw, patindi ng patindi ang paglilihi ni Belle. There comes a point na kahit disoras na ng gabi maghahanap pa sya ng gusto nyang kainin.
"Kuha mo na lang ako ng trolli. Yung sour gecko. Andon lang sa lagayan ng candy bar natin." She answered while chewing some popcorn.
"Pinagbigyan na kitang kumain ng popcorn kahit ang aga aga pa tapos maasim naman? Baka sikmurain ka?" Sweetly he said. Baka kasi mapikon na naman si Belle at awayin na naman sya. Ang sadista pa naman nya ngayon kapag naiinis. Akala mo hindi buntis kung makapanakit. Malayo sa Belle na parang napaka sopistikada at mabait.
"Para kasing nalalasahan ko yung maasim. Ayoko naman ng hilaw na mangga." Sagot pa nito na parang bata. Nakahinga naman ng maluwag si Vincent dahil hindi nagalit si Belle sa kanya kahit na pinagsabihan nya pa ito ng kaunti.
"Fine. I'll get some sour gecko. Pero dalawa lang ha. Di ka pa nakain ng matinong breakfast." He said as he stood up para magpunta sa kitchen.
"Samahan mo ng nutella ha! Gusto kong isawsaw yun sa nutella!" Belle shouted. Napangiwi si Vincent. What the hell? Sour gecko then nutella? Disgusting. Pero di nya sasabihin yon dahil baka mabatukan lang sya ng misis nya. Kailangan nya na din yatang masanay. Napaka weird kasi ng cravings ni Belle. Napapaisip tuloy sya kung nakakabuti pa ba sa magiging anak nila yung pinagkakakain ng asawa nya.
Kinuha na lang nya ang gusto ni Belle at ibinigay ito sa kanya pagkatapos ay bumalik sa kusina upang ihanda ang magiging agahan nilang dalawa. Kung tutuusin ay parang walang problema ang mag - asawa pero sa totoo lang ay maraming posibilidad ang nakaabang sa kanila. Hindi na lang ito sinasabi ni Vincent kay Belle dahil na rin sa matinding payo ng kanyang doktor na makakasama ang kahit na anong uri ng stress dito. Kahit nga sa gawaing bahay ay pinagbabawalan nya itong kumilos. Kahit pa ayaw nya, nag hire na rin sya ng tatlong katulong para wala ng choice si Belle kung hindi magpahinga. Tagasilbi din ng grupo nya ang mga katulong na ito dahil ayaw nyang magtiwala sa kung sino sino na lamang.
Mahirap na.
Lalo na kapag may mga pagkakataon na naalis sya ng gabi o di kaya ay madaling araw para sa meeting ng Fine Sanguinosa sa ibang lugar.
Pinahigpitan nya din ang seguridad sa paligid ng kanilang bahay. Halos lahat ng lugar ay may CCTV cameras at may bantay din ngunit sinisigurado nyang hindi iyon mahahalata ni Belle. Kahit nga sa simpleng pagpunta nito sa mall, madaming bodyguards ang nakasunod dito pero hindi nya alam yon.
"Belle let's eat." Sigaw nito sa asawa. Hindi naman ito sumagot ngunit nagtungo pa rin ito sa kusina at naupo na sa stool.
"May lakad ka ba ngayon?" Tanong ni Belle. Napatingin naman sa kanya si Vincent.
"Wala naman. Walang report sakin sa company and I have finished my tasks yesterday since ayaw mo na nagtratrabaho ako dito sa bahay. May gusto ka bang gawin o puntahan?"
"Hmm, para kasing gusto ko biglang bumili ng damit ni.. ano, ni baby." Nauutal nitong sabi. Di pa rin sya ganong kakomportable sa ideya na nagdadalang tao sya. "Gusto mo bang sumama?" Napangiti naman si Vincent. Mahigit 4 na buwan na kasing buntis si Belle. At sa loob ng panahon na iyon, napag - uusapan lang nila ang kanilang magiging anak kapag may check up ito sa OB o di kaya ay pag may pinaglilihian si Belle. Pansin nya kasi na ilang pa rin ito sa sitwasyon. Pero kapag di sya nakikita ng asawa, nakikita nya naman na kinakausap ni Belle ang medyo may kalakihan na nitong tyan. Sa ganong paraan, nababawasan ang kanyang pag aalala.
"Sure. After lunch perhaps? Pero dun tayo sa hindi masyadong matao na lugar." Suhwestyon nito.
"Pwede din naman. Pero kailangan bang may nakasunod talaga satin lagi?" Nanlaki naman ang mata ni Vincent kaya tinignan sya ni Belle sa mata. "Oh bakit? Sa tingin mo ba di ko ramdam na may nakasunod saking mga tao mo kahit san ako magpunta?"
"Look Belle-"
"Ano ka ba okay lang naman. Naiintindihan ko naman eh. After what happened during our last vacation, I won't take any big risks na wala akong kasamang bantay lalo na ngayon at nandito na 'to." Sabay himas sa tyan nito. Lumambot naman ang ekspresyon ni Vincent at hinawakan ang isang kamay ni Belle na nasa lamesa.
"I'm glad that you're not against this, wife. Lahat naman ng ginagawa ko para sa kaligtasan nyo ni baby eh."
"Alam ko naman yon. Basta ikaw din, ingatan mo din ang sarili mo. Ayaw kong palakihin 'tong anak natin ng walang ama kapag nadisgrasya ka, okay?" Natigilan si Vincent pero marahan syang tumango.
Pinauna nya ng maligo si Belle kaya nagtungo muna sya sa mini bar sa kanilang tahanan. Wala naman syang balak mag inom. Gusto nya lang mapag - isa saglit.
Napapaisip sya.
Paano kapag dumating ang punto na kailangan nyang umalis saglit para sa kanyang grupo? Maiintindihan pa ba sya ni Belle?
Baka hindi.
Magkakaanak na sila.
At yun ang mas dapat nyang pagtuunan ng pansin.
Pero anong magagawa nya?
Ang pagpapakasal nila ni Belle ay isang malaking pintuan para sa madami pang problema para sa Fine Sanguinosa. Daan ito para malutas nila ang ibang trabaho na matagal na nilang nais tapusin pero kasabay nito ang pag angat ng panibagong laban para sa kanila.
Ano ang gagawin nya sa oras na magkasabay ang responsibilidad nya sa pamilya at mga tauhan nya?
Hindi nya alam.
Nahihirapan sya.
Oo madaling sabihin na pamilya dapat ang uunahin sa lahat ng pagkakataon pero kapag ginawa nya yon, parang hinayaan nya na ring tahimik silang lusubin ng mga kanilang mga kalaban.
Hindi nya alam.
Bahala na.
Pero kung sakali mang dumating sya sa pagkakataong katulad ng ganon, sana malaman ni Belle na gagawin nya yon para sa kaligtasan ng kanilang pamilya.
At sana mapatawad sya nito.
***
1035 words. Sorry kung natagalan akong mag - update. Nahirapan lang talaga kong mag - isip ng paraan kung pano ko idudugtong ang simula at ang huli dahil alam ko naman kung pano ko tatapusin 'to, sadyang nahihirapan lang ako mag - isip ng scenes para ma fill yung gap. But still thank you sa mga naghihintay sa update ko.I tried my best to make this a little bit longer though feeling ko maiksi pa din sya.
And I might also have a big time lapse next chapter para masimulan na ang dapat masimulan.
Plug ko din twitter account ko: @dazzledeyez_
Please follow me 😉 (di yan personal acc ko)
Written by: dazzledeyez
BINABASA MO ANG
When a Gangster Becomes a Real One
Teen FictionAkala ko tapos na. Akala ko maayos na. Pero paano kung sa pagbubukas ng panibagong yugto ng buhay ko ay mas maging komplikado pa ang lahat? May dapat pa bang maungkat sa nakaraan o may mga bagay na mabubuksan pa dahil sa hinaharap? Maling maniwala s...