The View From Here [One Shot]

386 16 6
                                    

       Natatandaan ko pa noong nasa akin ka. Ang saya-saya natin. Lagi mong sinasabi na wala ka nang mahihiling pa kasi nasa tabi mo na ako. Natatandaan mo pa ba?

     Mula noong magkahiwalay tayo lagi na kitang tinitignan. Binabantayan kita nang hindi mo alam. Feeling ko nga isa na lang akong hamak na stalker. Pero sa ayaw ko't sa gusto, totoo naman.

      Kapag tinitignan kita, lagi kang nakangiti. Lalo nga kitang nami-miss kapag nakikita ko 'yung mga ngiti mong 'yun. 'Yun kasi 'yung pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko. Pero 'yung mga ngiti mo ngayon, hindi na para sa'kin. Nakikita ko lang 'yung mga ngiti mong 'yun kapag kasama mo siya. 'Yung bagong nagpapasaya sa'yo. Bakit ba kasi iniwan kita?

     "James! Nandito ka lang pala!" Sabi mo sa kanya tapos ngingiti ka. Naaalala mo ba dati na sa akin mo sinasabi 'yan?

   "Warren nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh." Tapos ngingitian mo ako. Tapos sasabihin mo na-miss mo ako kasi nawala ako bigla. Ngayon kaya hinahanap mo parin ako? Kasi ako palagi kitang hinahanap.

    Tapos ang swerte ko na lang kapag napapatingin ka kung nasaan ako. Pero mabilis lang at bigla kang titingin sa ibang direksyon kasi hindi mo naman ako nakita. Kaya ang swerte ko kasi kahit papaano, napatingin ka sa kung saan nandun 'yung taong tinuring mong mundo, dati.

     Kung saan ka nagpupunta nandoon ako. Stalker mo nga ako 'diba? Tinitignan kita palagi kasi ayaw kitang mapahamak. Binabantayan kita kapag wala 'yung boyfriend mo. Pero hindi ako nagpapakita sa'yo kasi hindi ko kaya. At alam ko na iba na ang mahal mo. Pero sa tuwing tinitignan kita at ngumingiti ka, hindi ko rin mapigilang ngumiti. Alam ko kasi masaya ka.

      And everytime you stare at him, naalala ko na ganoon mo rin ako tignan dati. 'Yung tingin na galing sa mahal mo. Gustong gusto ko 'yung brown almond eyes mo na kung tumingin ay nakakalusaw. Para kasing mga bituin sa langit. Kaya siguro gustong gusto rin niyang tignan 'yang mga mata mo, katulad ko, dati.

      "I love you Janica..." Sasabihin niya sa'yo. Pero hindi ka sasagot. Hindi mo ba siya mahal? Hindi pa kita narinig na mag-I love you too sa kanya. Siguro sinasabi mo 'yun kapag hindi ako nakatingin. At siguro madalas pa. Siguro wala ka lang sa mood sumagot sa ngayon.

     "I love you Warren..." Nangiti na naman ako kasi naaalala ko na naman noong mga panahon na sinasabi mo 'yun sa'kin. 'Yung 'yung mga salitang paborito ko bukod sa pangalan mo.

      "I love you more..." 'Yan ang sinasagot ko sa'yo palagi. Natutuwa ka pa nga at mas doble ang kilig mo kasi imbis na too, more ang sinasabi ko. Totoo naman. Tignan mo ngayon, kahit hanggang tanaw na lang ako sa'yo mahal parin kita. Kahit iba na 'yung mahal mo, mahal parin kita.

      "James! kanina ka pa ba naghihintay?" Sabi mo sa kanya habang hinihingal ka.

      "Sorry traffic kasi." Sabi mo pa.

      "Okay lang! Tara na." Sasabihin niya naman.

     Naalala ko ganyan din tayo dati. Male-late ka kasi traffic. Pero para sa'kin okay lang. At least you came. Masaya na ko dun alam mo ba 'yun? At ako hanggang ngayon naghihintay parin sa'yo, sa pagdating mo ulit sa buhay ko.

The View From Here [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon