"Sandy, tara na! mag-picture taking na daw tayo." nagising ako sa katotohanan nang tawagin ako ng kaklase ko.
Hindi ko alam kung paano napunta dun yung iniisip ko. Nakita ko lang magkasama sina mama at papa at kung paano nila ako pinalaki, naisip ko na siya. Hah!
Von...
iniisip ko na naman siya.
"Sandy! Uy! ano? 'di ka sasama? dali na, bago natin ibalik yung toga!" bumalik na naman ako sa realidad.
"oo, sige! tara." makalapit na nga sa kanila, kanina ko pa siya iniisip.
Nang matapos na ang graduation ceremony naming mga k12, at halos lahat na ng mga tao ay nagsisialisan na sa grad venue, nag-aya na ang mama ko na umalis at kumain sa labas. At habang nasa sasakyan kami, hindi ko mapigilang isipin siya. Si Von.
Naisip ko nung una ko siyang nakita.
[flashback]
"Sandy, si Karl" pagpapakilala sa akin ng kaklase ko sa pinsan niya. Gusto niya daw akong ireto sa pinsan niya. Pareho naman daw kaming single. Ayoko talagang magpareto kaso birthday ng kaklase ko at inimbitahan ako kaya sumama na lang ako. Hindi na ako makatanggi dahil lagi na niyang pinapaalala sa'kin at ipinaalam niya pa ako kina mama at papa.
"ah! Hi, Karl. Sandy nga pala." Gwapo naman yung pinsan niya kaso parang hindi naman interesado din. Parang dun siya sa isa kong kaklase nakatingin kanina pa.
Iniwan kami ng kaklase ko para makapagusap daw kami. Masyadong awkward at walang nagsasalita sa amin, kaya kinausap ko na siya.
"So, ilang taon ka na?"
"16" mas matanda siya sa'kin ng isang taon.
"ah.. Sa'n ka nagaaral?"
"Sa Immaculate" hindi ko alam kung saan yun.
"close kayo ni Moore?" si Moore yung kaklase kong gustong magreto sa aming dalawa.
"ah, oo"
"..............." hindi talaga siya interesado. Isang tanong, isang sagot. Ayoko namang kumausap ng ganitong klase ng tao. Parang ang boring kasama.
"Karl! Nakuha ko na yung pangalan, Misha da-" biglang tinakpan ni Karl yung bibig ng tumawag sa kaniya na lalaki.
"sh! gagu, ang ingay mo" Sabi na eh, si Misha talaga ang tinitignan niya kanina pa. Pero 'di ko pa sigurado kanina kase masyadong tahimik si Misha, mahinhin at mahiyain siya.
Napatingin sa'kin yung lalaking kausap ni Karl.
"ay, sorry. Ikaw nga pala yung nirereto ni Moore kay Karl noh. Pasensya na." ah alam din niya. "...kaso..." napatingin siya direksyon ni Misha "parang mas gusto ni Karl dun sa isa mong kaklase eh." parang uminit yung mukha ko. Tinatapik-tapik na ni Karl yung braso nung lalaki pero 'di pa rin siya tumitigil. "iba kase gusto neto, 'di siya interested sa katulad mo." GRABE! nakakainis! nakakahiya!
"Uy, Von! gagu ka talaga." Sabay tapik ni Karl sa balikat ng tinawag niyang Von. "...sorry ah, kung anu-ano pinagsasasabi neto ni Von." nakakahiya siyempre. Nakakahiya na ipangalandakan niyang hindi interesado sa akin si Karl. Alam ko naman yun kaso para namang pinagmukha niya akong tanga, parang sinabi niyng ang pangit ko at ayaw ni Karl sa akin, not that I like him. Parang nayabangan tuloy ako sa Von na to.