DRAKE'S POV
Dalawang taon, isang buwan at tatlong araw akong nanatili dito sa US pero ngayong araw na 'to ang pagbabalik ko sa aking lupang sinilangan. Kung saan ako binuo at lumaki--Pilipinas.
Di ko akalaing nakaya kong tiisin ang mamuhay dito sa States. Walang barkada at walang rocket. Tch. 'Pag minamalas ka nga naman uh.
I can't wait to go back home. Namiss ko yung gawain ko dati--ang pagiging bad boy. Syempre pati ang mga tropa ko namiss ko rin yung mga ugok na yun kahit papano. Di magiging succesful ang kalokohan 'pag wala sila. LOL.
Sh*t ang hirap talagang magpaka-pormal.
--------
NAIA AIRPORT
Hoooo! Sa wakas nakatungtong ulit ako sa Pilipinas. Akala ko do'n nako habang buhay sa US.
Tiningnan ko ang wrist watch ko and it's 9:36AM.
"Drake!"
?_?
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yun. And there I saw an alien. -_-
"Long time no see, man. Miss me?" Sabi niya. Nawala lang ako ng matagal naging bakla na? Tch.
"You want me to punch your ugly face, Martino?" Sambit ko.
"HAHAHA whoaaa! Chillax man, mukhang jetlag ka ata. Buti nga sinundo pa kita at nag-effort talaga akong gawin 'to uh!" Sabi nya at itinaas ang dala nyang placard "WELCOME BACK DRAKE <3".
Seriously -_-. Anong nangyari sa gunggong na 'to. Nung huli kaming nagkita maayos-ayos pa naman pag-iisip nito. Tch! Baka kumalat ang aids sa utak. Napakababaero naman kasi.
Di tumulad sa'kin sobrang gwapo kahit bad boy pero matino.
"Kailan ka pa bumigay, Martino?" Tanong ko.
"Aba! Nakakalalaki ka brad ah. Ano upakan nalang!" Sigaw niya.
Tch. Wala pa rin palang pagbabago ang ugok na 'to siya pa rin yung dating Jacob Martino. Isa sa mga tropa ko.
Palabas na ako ng airport at diretsong sumakay sa black Kia car niya. Hanggang ngayon ba ito pa rin sasakyan niya?What the... Naghihirap na ba talaga 'tong si Martino? Tch. Kawawa.
Pumasok na siya at umupo sa driver's seat at ako naman sa passenger's seat. Ang bagahe ko? Safe na. LOL!
"Nakakaawa ka na pala ngayon, Martino? Tch." I said in a sad tone. Maasar nga 'to.
Nagsimula na syang mag-drive. Tumingin siya sa'kin na nakakunot ang noo. Tch. Ugly man. -__-
"What do you mean?" Nagtatakang tanong niya.
"Ah...nothing." Sagot ko nalang.
"Ang labo mo pre, nahawa ka na ba sa mga foreigners do'n?" Tawang-tawa niyang sabi.
"Tch. Wag ka mag-alala Martino reregaluhan nalang kita ng bagong kotse." Sabi ko.
Kita sa mukha niya ang pagtataka. Slow hands nitong ugok. Napatitig naman siya sa'kin bigla pero titig na galit. Nakuha na nya na siguro.
"Hoy pre! Nakaka-ilan ka na sa akin ah. Ulol.... syempre paborito ko 'tong kotse na 'to. Kaya di ko kayang palitan nalang ng basta-basta. Napakalaki ng value nito sa'kin. At isa pa napakatibay kasi di pipitsuging kotse lang 'to. Sobrang mahal kaya nito. Mahal pa kesa sa buhay mo." Litanya niya.
Masanay na kayo, ganito na kami mag-usap. Sanay din akong tawagin siya sa apilyedo niya kesa sa pangalan.
Ganon din ang iba kong tropa tinatawag ko sila sa apilyedo nila. Ang papanget kasi ng pangalan eh. Tch.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch
Teen FictionDalawang taong hindi magkasundo ano kaya ang kahahantungan ng kanilang alitan? Isang bitch na si Kaye Cassandra Martel at isang bad boy na nagngangalang Ethan Drake Lee.