Prologue

5 0 0
                                    

Nakatago ako ngayon habang tinitingnan and taong mahal ko na may kasamang iba.

Palagi nalang bang ganito? Tinitignan ko siya sa malayo at masaya habang may kasama siyang iba habang heto ako nasasaktan.

Hindi ba pwedeng ako nalang ang kasama niya? Na ako ang dahilan kung bakit masaya siya? Pwede bang ako nalang ang mahalin niya?

Napabalik ako sa sarili ko ng may kung anong tumulo sa kamay ko.

Umulan ba? Tumingin ako sa taas pero wla namang ulan, napakataas ng sikat ng araw.

Bigla na namang may tumulo sa kamay ko kaya tinitigan ko ito at biglang napahawak ako sa pisngi ko.

Napangiti ako ng mapait at tiningnan sila muli tsaka tumalikod.

Umiiyak na naman ako. Hindi ba pwedeng time out na muna. Pagod na akong masaktan, pagod na akong Umasa na balang araw mamahalin niya rin ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Pero alam Kong hindi darating ang araw na iyon dahil Alam Kong may nagmamay ari na ng puso niya at hindi ako iyon.

Masakit man aminin pero iyon ang totoo , he will never see me the way I see him.

Heck! I'm in love with my best friend. Alam Kong cliche na ang pangyayaring ito pero masisisi niyo ba ako kung sa kanya tumibok itong puso ko, kung pwede lang sana diktahan ang puso ko na magmahal ng iba na iyong mamahalin din ako ay matagal ko na sanang ginawa pero hindi iyon madaling gawin.

Ewan ko ba kung bakit sa kanya pa ako nainlove, bakit sa kanya pa? Sa kadami daming tao dito sa mundo bakit sa kanya pa, na di ako kayang mahalin.

Naglakad lang ako ng lakad. Wla na akong pakialam kung saan ako dadalhin ng paa ko basta malayo sa kanila, sapat na iyon.

Sa paglalakad ko ay naiyak na naman ako. I want to stop this tears but it won't stop pouring kahit ano pa ang gawin ko. Wala na akong pakialam kung may nakakita sa akin na ganito ang sitwasyon ko basta mailabas ko lang lahat ng hinanakit ko dito sa dibdib ko.

Ang motto ko sa buhay ay Don't Give Up

Pero sa pagkakataong ito gusto ko ng sumuko dahil alam kong wala akong pinaglalaban dahil ako lang mag-isa ang lumalaban sa sitwasyon Kong ito.

Pain hurts... Big time


I love him but he don't love me back

Love...

Bakit kung nagmamahal ka ay palaging may kakambal na sakit.

Gusto ko siyang saktan dahil napakamanhid niya but I can't.

Can I just set this feeling free...
Can I just set him free...
Can I just myself free...

Cause this pain is too unbearable...

**************

" Don't wait until it's too late to tell someone
how much you love,
how much you care,
Beacause
when they're gone,
No matter how much you shout or cry
They won't hear you anymore"

WritersPhotography

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

H.O.P.E (Hold On Pain Ends)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon