Ikaw ang alon at ako ang dalampasigang nakaabang,
Ang unang patak ng ulan sa lupa kong tigang
Ikaw ang malamig na simoy ng hangin sa araw na mainit,
Ikaw ang unang ngiti pagkatapos ng mahabang pagluha't pasakit.Ako ang maaaring liwanag ng buwan sa iyong gabing madilim
Handang maging librong maglalaman ng lahat ng iyong lihim
Tila isang gamot na papawi ng lahat ng iyong paghihirap at galit
Ang tunay na pag-ibig na yayakap sayo ng mahigpit.Ikaw man ngayon ay isang bituin sa kabilang dulo ng kalangitan
Ako'y maglalakbay, maghihintay, sayo'y mag-aabang
Ang aking buong ako sa iyo ay ilalaan
Kapalit ng pagkakataong puso mo ay mahawakan.
YOU ARE READING
Snippets
RandomCompilation of notes written on table napkins, back of food receipts, post-its or edges of my work notebook.