SORBETES (Ang pag-ibig ni Mark at Margarita)

90 1 0
                                    

I.

"Ma, alis na 'ko. Inaantay na 'ko ng mga kaklase ko." "Sige, Margarita, mag-iingat ka.."

Maaga akong umalis ng bahay, 10:00 pa naman ang klase 'ko, gusto ko lang kasi makita si Mark, janitor ng 2nd floor, pero bestfriend 'ko siya, umaalis siya sa skul ng saktong alas-otso ng umaga, uuwi sa bahay nila't pakakainin ang inang sa higaan na nakatira.

"Mark, Mark."

"Bakit Margarita? May maitutulong ba ako sa'yo?"

"Wala naman, heto oh." Iniabot ko ang isang supot kay Mark.

"Ano 'to?"

"Pansit at Lugaw. Pasalubong mo sa nanay mo. Yung pansit almusalin mo, alam ko naman hindi ka pa nag-aagahan."

Makalipas ang ilang araw, maaga parin akong pumasok, halos kahit puyat ako, pinipilit 'ko lang talaga, naawa talaga 'ko kay Mark at sa ina niya. Valedictorian 'to nung High School, nawalan na ng determinasyong mag patuloy sa college ng masunog ang bahay nila sa Amparo, tatlo ang kapatid niya nilamon ng apoy, pati ang tatay niya nasunog din. Kaya tanging ina lang nito ang naiwan sakanya, ang masaklap pa, hindi na ito nakakapag-salita dahil sa matinding takot at sakit sa nangyaring sunog at pagkamatay ng kanyang mga mahal sa buhay.

II.

"Gusto mo ng sorbetes, Margarita?"

"Ah, eh." Inalok ako ni Mark ng isang dirty ice cream, asa tapat kami ng Mcdo, sa may kahoy na narrang bagong putol ni manong kami nakaupo.

"Ayaw mo ba? Ayaw mo ata akong kasama. Inuubos 'ko lang ang oras mo, Margarita."

"Hindi!" sabay hawak sa kanyang braso't pilit na pinipigilan ang kanyang pag-alis.

"Mark, hindi sa inuubos mo ang oras ko. Nag-aalala lang ako sa'yo, alam ko namang gipit ka ngayon, nagawa mo pa 'kong alukin ng sorbetes."

"Sus, limang-piso lang yan, Margarita. Bakit ka ba ganyan? Ang baba pala ng tingin mo sakin, naawa ka lang sakin.Ganyan ka pala. Akala 'ko ikaw na yung taong araw-araw kong pinagdadasal na dumating sa buhay ko, pero hindi pala." Galit na wika nito sabay takbo at sakay ng jeep.

Hindi 'ko na alam ang gagawin 'ko, tila gumuho ang paligid at nadurog ang puso ko ng mga sandaling iyon. Nagpasya na lang akong sumadya sa bahay nila, wala pa daw doon si Mark sabi ng kapit-bahay nilang si Aling Nita.

III.

"Oh anak, bakit late ka na ata pumasok ngayon? 8 ang pasok mo di ba?"

"Hindi na muna 'ko papasok nay, masama po ang pakiramdam ko."

"Pumasok ka na, sayang 'tong pinabili mong pansit at lugaw."

"Nay, ayoko nga, di ba?" Napagsaraduhan ko ng pinto si mama. Hindi ko alam, ngayon 'ko lang nagawa yun. :(

"Margarita, Margarita! Buksan mo ang pinto ano bang nagyayari sa'yo?"

IV

"Ayy, sorry miss, sorry." Nahulog lahat ng mga dala 'kong libro pababa ng hagdan.

"Ah, sige, ok lang, ako na." Wari'y di ako inis sa nangyari, nagmamadali pa naman ako, late na 'ko.

"Hatid na kita sa klasrum niyo.  Ako nga pala si Dan."

"Ah, ok. Sige pasok na'ko, kaya ko na 'to."

"Nice meeting you, miss, anong pangalan mo?"

Sabay takbo ng mabilis.

"Miss, miss teka lang! Hindi ko pa nakukuha number mo."

"HAHAHAHAHAHA." Sabay tawa ako ng napaka lakas. Bahala siya sa buhay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SORBETES (Ang pag-ibig ni Mark at Margarita)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon