#Fear 38: von Einsiedel's Mansion

3.2K 94 9
                                    

#Fear 38: von Einsiedel's Mansion


Xenzel's POV


"I, Shannon de Valence of Ybragon."


"I, Soki de Valence of Ybragon."


"I, Shuyin de Valence of Ybragon."


"And I, Sire Rixx de Valence of Ybragon and the reigning king of Hifrit."


Hinawakan ni Prince Sire Rixx yung seal matrix. Humawak naman si Prince Shannon sa kaliwang balikat niya, si Prince Shuyin sa kanang balikat niya, at si Prince Soki sa ilalim ng batok niya.

Kaharap namin sila. Tanging ang mahabang mesa lang ang nakapagitan sa'min. Magkatabi kami ni Zypher at nasa likuran namin ang mga magulang naming dalawa.

Nagsalita ulit si Prince Sire Rixx. Siya ang pinakamatanda sa kanilang apat kaya siya ang nangunguna sa kanila.


"Witnessed the engagement of Jeirel Xevian von Einsiedel and Xenzel Crusiano, day 14 of August, year XXXX. We have read the signed contract of the two families and we give our blessings and the permission requested, so that the arrangements shall be done." Iniangat ni Prince Sire Rixx yung seal matrix at sabay-sabay silang nagdeklara. "We, in behalf of all the royalties, seal this contract. May you live in humility, in happiness and in love. Congratulations!"

At tuluyan na nilang idinikit sa seal liquid na kulay ginto yung seal matrix at yun na ang naging katapusan ng pagiging single ko.


ENGAGED NA AKO! JUSKOOOO!


"Pwede niyo nang isuot sa isa't isa ang mga singsing na 'to." Nakangiting iniabot sa'kin ni Prince Soki yung pilak na singsing na para kay Zypher at si Prince Shuyin naman yung nagbigay ng singsing ko kay Zypher.


Putek, ang guguwapo naman ng mga prinsipeng 'to! Huhu! Kung magka-edad lang sana kami, hindi ako magdadalawang-isip na magpapansin sa kanila!


"I promise to be a good fiance." Nauna nang isinuot ni Zypher yung singsing sa kaliwang ring finger ko.

Para akong kinuryente nung hinawakan niya yung kamay ko.

"I...promise to be a good fiancee too..." Mahina kong sagot sabay suot din ng singsing sa left ring finger niya.


Can I fulfill my promise? Shet, andaming witnesses!



"Xen? Are you done?"

Napukaw ako ng boses ni daddy. Nakapasok na pala siya sa kwarto ko.

Napalingon ako sa kanya at yun na ang naging katapusan ng pagmumuni-muni ko sa mga nangyari kagabi.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon