Unexpected 21

1.9K 38 0
                                    

Azalea's POV

Kumalas na ako sa pagkakayakap at hinarap sya.

"sa canteen lang ako mag sstay kasama ko mga kaibigan ko" sabi ko at umupo na sa may bench.

"can i come?" nagulat ako sa sinabi nya.

"sure ka? so okay na sayo ba malaman ng ibang tao?" tanong ko sa kanya at bigla nalang syang napangisi.

"ba't ko naman ikakahiya tong pagmumukha na to?" tanong nya at hinawakan mukha ko.

"pshhh.. tayo na nga" sambit ko at hinila na sya. Papunta kami ng canteen ngayon at kasi sikat tong kasama ko so pinag titinginan kami ng mga estudyante. Yung tingin na gusto akong patayin kaya napahawak ako sa kamay ni Jack.

"don't mind them" sambut nya sabay smirk. Nandito na kami sa canteen kaya dumiretso na ako sa upuan namin. Pagkarating ko dun ay nakatingin lang saakin yung walo.

"guys kilala nyo naman siguro sya diba?" tanong ko kaya sabay sabay pa silang tumango. "pede bang sumabay sya saatin?" tanong ko naman at sabay sabay pa rin silang tumango. Problema ng mga to!?

Umupo na kami at walang imikan. Nakakabagot to ah! Nang biglang binasag ni Snow yung katahimikan.

"so magkakilala kayo?" tanong nya kaya tumango nalang ako.

"close?" dagdag ni Amethyst kaya tumango nanaman ako.

"ka ano ano mo sya?" tanong ni Nixon at sinamaan pa ako ng tingin.

"kai -- I'm her boyfriend" sasabihin ko na sana na kaibigan lang pero naunahan nya ako. Okay i'm doomed!

"WHATT!!??" sabay sabay nilang sambit. Nakakabingi!

"yah" simply kong sambit. Bigla Silang tumingin kay Vera kaya napatingin na lang din ako. Pero tong katabi ko deadma.

"cr muna ako" napalingiw nanaman ako kay Vera na papaalis.

"problema nun?" taning ko at nagpatuloy na sa pagkain at kumain na din sila.

"girls talk later" biglang sambit ni Suzette. Okay ako lang ang walang alam. Natapos na kaming kumain at wala pa ring nagsasalita. Nang siniko ako ng katabi ko. "ano?" tanong ko.

"labas tayo"

"anong labas? may klase pa ako" sambit ko. Sinusumpong nanaman ng katamadan to.

"sge pagkatapos ng klase sundo kita" sambit nya at kinindatan ako at umalis na.

"HOY SA'N KA PUPUNTA!? HINDI KA NANAMAN PAPASOK" sigaw ko kasi naman hindi nagpapa alam.

"time na" sambit nya sabay pakita sa relo. Ahhh.. napahiya ako dun ah! kaya nag approve sign nalang ako.

"kailan lang naging kayo?"

"ba't naging kayo?"

"ba't hindi mo sinabi saakin?

"ba't ikaw lang? kami din kaya" eto nanaman kami sa bayangan nina Nixon at Snow.

"hep hep okay mag eexplain na" sambit ko at pinagitnaan silang dalawa.

"so ano nga?" sambit ni Nini ko at tinaasan pa ako ng kilay.

"nagmamadali may lakad may lakad?" pag memelosopo ko kaya tumawa ako pero not knowing ako lang pala tumatawa.

"SO ANO NGA!?" sabay sabay nilang tanong. Aiishhh feeling ko mabibingi ako dito sa mga kaibigan ko.

"i think it's love at first sight" Sambit ko at bahagyang tumawa. "psshhhh"

"LOVE AT FIRST SIGHT!?" sabay sabay nilang tanong. Problema talaga ng mga to!?

"oo bakit ba?" tanong ko nag may halong pagka inis.

"uso pa ba yun?" nagtatakang tanong ni Suzette.

"oo naman. Ako nga na love at First sayo" ito nanaman ang panghihirit ni Reyvan. Kaya kina labasan ito si Suzette namumula sa kilig pshhh..

"so ano nga totoo? love at first talaga?" pag iiba ni nini ko. Tanga rin nito.

"Paulit ulit!?" sambit ni Snow sabay batok kay Nixon. Buti nga sayo!

"ano ka ba na pipi ka lang dahil sa pesteng pag ibig na yan?" naiiritang sambit ni Nixon. Ang OA din nitong maka react. Ang sarap kilitiin ng kutsilyo.

"ba't ba affected na affected ka dyan" sambit ni Snow at tinaasan pa ito ng kilay.

"someone's jealous here" singit ni Amethyst. Sino?

"sino?" ay shit! nasabi ko ba yun?

"ah wala, so ano nga?" pag iiba ni Reyvan sa tanong ko. Bahala nga kayo.

"so kailan namin makakabonding yung boyfriend mo?" tanong ni Sapphire na bakas sa mukha yung pagka excited.

"tatanongin ko muna sya, kasi alam nyo naman ugali nun" sambit ko kaya napatawa nalang sila. Pagka tingin ko sa gilid ko ay nakabusangot yung mukha niya na parang natalo sa lotto.

Kaya siniko ko sya at tumingin sya ng diretso saakin yung tingin na nakakamatay.

"oh ano naman problema mo?" tanong ko sa kanya at medyo hinampas sya ng mahina.

"diba sya yung nag bastos sayo?" naiinis nyang tanong kaya napatawa ako kasi yung mukha nya worried na worried.

"Oo pero dati yun, ok na kami ngayon" sambit ko sabay beautiful eyes na kinikilig pa.

At sorry kasi inlove na tita nyo hahaha.

"Hoy ba't hindi pa bumabalik si Vera? feeling ko kinain na sya ng bowl" sambit ko kaya napatawa sila "pero di nga ba't ang tagal nun at nag walk out pa?" dagdag ko kasi naman pag dating namin ay bigla nalang syang umuwi.

My Unexpected Wife (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon