Chapter 25

1.9K 51 5
                                    


Xander pov!

Tiningnan ko muna si Mike na ngayon ay may binubulong sa katabi niya bago ako awtomatikong napatakbo palabas ng hall. Tinatawag ako ng mga katable namin pero wala na akong oras. Kailangan kong maabutan si Lory.

Dahil sa puno ng table ang hall nahihirapan akong makalabas kaagad.

"Have you seen the girl with me?" tanong ko sa babae na nakabantay.

"Yes sir. Kakalabas niya pa lang po pero hinabol siya ng mga reporter."

Tinanguan ko na lang siya at tumakbo ulit. May pinagkakaguluhan nga ang mga taga media kagaya ng sabi ng receptionist pero umaaksyon na ang mga guard ng hotel. Dahil sa dami ng nagkukumpulan hindi ko nakikita si Lory.

Tumakbo ako patungo sa kanila pero hinarang ako ng isang guard.

"Pasensiya na po sir pero hanggang dito na lang po kayo." pigil sakin ng isang guard. Nakikipagsiksikan na din kasi ako sa mga media.

"I'm not belong to them. I'm with her."

"Pasensiya na po talaga pero hindi po ako naniniwala."

Lintik naman oh! Hindi ba nila ako natatandaan? Sila din kasi yung tumulong samin kanina.

"What the! She need me. She's my girlfriend!"

Natahimik ang nagsisiksikan dahil sa sinabi ko. Don't get me wrong. Sinabi ko lang yun para makaalis dito at mahabol ko si Lory.

"What?" tanong ko dahil lahat sila nakatingin sakin.

"Siyanga yung kasama ni mam kanina. Padaanin niyo na si sir."
suhistyon ng isa.

Bigla na namang nagingay ang tao sa paligid dahil sa mga iba.iba nilang tanong nila sakin tungkol samin ni Lory pero wala na silang magagawa dahil nakadaan na ako.

Dinoble ko pa ang bilis sa pagtakbo para maabutan siya. Hindi ko na kasi siya naabutan sa lobby ng hotel kaya tumakbo na ako palabas and I saw her na sumakay sa isang taxi.

Hindi na ako nagsayang ng oras. Pumasok na ako at sinundan ang taxi na sinasakyan niya.

"Saan ba kasi siya pupunta? Ano naman ang kinalaman niya sa sinabi ng Mike na yun kanina? Teka.. Bakit mo ba kasi siya sinusundan? She is your personal assistant at kapag may nangyari sa kanyang masama ikaw ang mananagot dahil ikaw ang kasama niya kanina. Yun lang yun. Hayyy... Nababaliw na ata ako."

Ilang minuto pa ang lumipas tumigil na rin ang taxi at lumabas na siya. Sa harap ng isang bar na madalas naming tambayan nila Jake at Andrew. Ano naman ang gagawin niya sa bar? Hinubad ko muna ang coat ko bago lumabas. Ang init kaya sa loob ng bar dahil sa dami  ng tao.

"Lory."

Tawag ko sa kanya pagkababa niya pero hindi niya ako pinansin kahit nasa likod niya lang ako. Impossible naman na hindi niya ako narinig.

"Blast kapag tumawag sayo sina dad sabihin mo kasama mo ako dahil tinawagan ko na sila at sinabi ko na ikaw ang kasama ko...." may kausap pala siya sa phone. "Basta yun na lang ang sabihin mo...." nababasag na ang boses niya. "Bas..basta sabihin mo na lang yun sa kanila. Please Blast. Ngayon lang to at para din naman ito sa kaibigan mo.. Huwag kang mag.alala kasama ko ang boss ko." tiningnan niya ako pagkasabi ng 'boss'. Does it mean that she trust me? Hope so.

Sinilid niya ang phone niya sa bag niya at naglakad na ito. Hindi niya ba ako nakikita?
Hinawakan ko ang braso niya pero isang maitim na titig ang natanggap ko.

"Where do you think you're going?"

"Wala ka na dun." inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Don't turn your back if I'm talking with you." hinablot ko ang pulso niya.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon