Alaala

27 1 1
                                    

Ipipikit ko ang mga mata ko at iisipin kita.
Ibabalik ang mga alaala na sinabi mo'y kalimutan ko na.
Itutuloy ang mga kanta at tulang nabitin,
Iisa-isahin ang mga pangako mo sakin.

Paulit-ulit kong papanoorin ang nakaraan
Na parang isang pelikulang sa mata ko'y nagdadaan.
Hihimayin ang bawat oras, minuto, segundo na nakasama kita
Mananalanging ang mga itong maibabalik ko pa.

Para akong isang trumpong walang tigil sa pag-ikot.
Isang umiiyak na batang hindi mapatahan.
Paano nga ba matatapos ang sakit at kirot
Kung ang puso ko'y sa iyo pa din nananahan?

Babalikan ang lahat ng ating mga alaala.
Ulit-ulitin hangga't sa kaya ko pa.
Kapag naubos na ang luha ay magpapahinga muna
At pag kaya ng muli ay babalik sa umpisa...

Ipipikit kung muli ang aking mga mata at iisipin kita.

*****
Wrote this a few months ago; I think I posted this on Twitter. Just wanted to post some stuff now here too.

SnippetsWhere stories live. Discover now