Ito po ay kabalbalan ko lang. XD Ginawa ko ito nung mga panahong nagluluksa ako sa tablet kong sira. At sabaw to. Promise!
Dedicated kay @sarcasticweirdo ! Siya ang first ever wattpad friend ko! Hi Prey! Sorry kung pangit to. ^______^
- - -
"Manong, dalawa nga pong ice cream yung chocolate po." sabi ko kay manong na nagtitinda ng ice cream. Inabot ko yung bayad kay manong tapos inabot naman niya sakin yung 2 cone ng ice cream.
"Salamat po!" tapos ngumiti ako sa kanya.
Naglakad ako patungo sa direksyon kung nasan si Alisson .Inabot ko sa kanya ang isang cone ng ice cream.
"Salamat." tapos ngumiti siya sakin at kinuha yung ice cream.
Umupo kami sa malalaking bato na malapit sa dalampasigan. Mula sa katayuan namin matatanaw mo ang napakagandang asul na dagat. At sa di kalayuan ay makikita mo ang isang isla.
"Aly, kami na ni Prince." sabi niya sakin habang nakatingin sa dagat. Parang sinaksak ang puso ko sa sobrang sakit. Akala ko kasi ako, siya pala. "Hindi ka naman galit di ba?" tanong niya.
"Ha-haha. Patawa ka. Kaibigan lang tingin namin sa isa't isa . Kaya wag kang magalala." At binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti. Tumingin na lang ako sa dagat.
Nagsinungaling na naman ako. Pinaniwala ko na naman ang isang tao. Pinaniwala ko sa mga kasinungalingan ko.
Si Prince, siya ang prinsipe ng buhay ko. Corny mang pangkikingan pero totoo ang sinabi ko. Oo, importante siya sa buhay ko. At dahil sa kanya nasasaktan ako.
Akala ko ako yung tinutukoy niya, siya pala.
2nd year high school nung una kaming nagkakilala. Transferee siya nung mga panahong yun at nagkataon pang magkatabi kami ng upuan. Lagi kaming magkausap kahit may teacher. Lagi kaming masaya. Nagtatanong nga yung iba kung kami daw. Sana nga kami, pero hindi eh.
Minsan habang naglalakad ako pauwi bigla na lang may umakbay sakin.
"Hi Seatmate." Masaya niyang bati sakin.
"Oh problema mo?" Mataray kong sagot sa kanya.
"Seatmate, may crush na ko!" Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit,pero parang biglang gusto kong malaman kung sino.
"Ta-talaga? Sino naman?" Bigla na lang akong nabulol sa harap niya.
"Secret muna. Pero magbibigay ako ng clue sayo." Ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko. "Nasa section natin. Magaling kumanta. May pagka-chinita. Tapos mas maliit ng konti sakin. At sa letter A nagsisimula ang pangalan."tapos bigla na lang siyang huminto. Kaya napahinto din ako. "Sige Aly! Bye! See you tomorrow." At pumasok na siya sa bahay nila.
Letter a? Tatlo lang kaming nagsisimula ang pangalan sa A. Ako, si Alisson at si Angela. Pero mas matangkad si Angela kay Prince. So, kami na lang ni Alisson. Pero parehas kaming kasali sa choir ng school at mas maliit kami kaysa kay Prince. May pagka-chinita kami parehas.
Sa puntong yun dun ko nalamaan ang salitang "umasa". Umaasa akong ako yung tinutukoy niya. Umaasang ako yung gusto niya at hindi si Alisson. At sa punto ding iyon,napagtanto kong may gusto na pala ako sa kanya.
Habang nag titingin ako ng notifications sa facebook, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Kasi nakita ko na ni-like niya yung picture ko, pero pagka-bukas ko nung picture naglaho lahat ng kilig ko nawala. Kasi hindi lang pala ako ang nasa litratong iyon, kasama ko si Alisson.
Pero lahat ng pagalinlangan nawala ng bigla siyang nagchat. Pero habang binabasa ko yun hindi ko mapigilang maiyak. Kasi nagtapat na si Prince.
'Hi Kate! Matagal ko ng gustong sabihin sayo na gusto kita. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Na-love at first sight ata ako sayo. Pero sana payagan mo kong ligawan kita.'
Nanginginig pa ko habang tina-type ang mga katagang 'Gusto din kita at pinapayagan kitang ligawan mo ko.'
Napakalas ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay ko ang reply niya. At ng nagreply siya, duon na ko sobrang nasaktan. Duon na ko nawalan ng pag-asa. 'Para kay Alisson yan.' yan ang nireply niya. Ang tanga ko talaga. Ang sinagot ko sa kanya ay 'Haha. Kunwari ako si Ate.'
Nakalimutan ko atang sabihing ka-kambal ko si Alisson. Bata pa lang kami , siya na lagi. Siya lagi ang magaling. Siya lagi ang maganda. Pero kahit ganun, hindi ko magawang magalit sa kanya. Kasi hindi siya katulad ng ibang kapatid. Lagi niya kong inaalagaan. Lagi siyang nasa tabi ko.
Ako ang naging dahilan kung bakit naging sila. Laging humihingi ng tulong sakin si Prince. Noon ngang nagtapat siya kay Ate para akong tangang umíiyak habang inaayos yung venue.
"Aly,oh bat umiiyak ang future kapatid ko?" Kapatid? Sakit lang.
"Haha. Dapat na ba kitang tawaging kuya? Wala naiiyak ako kasi may nagmamahal kay Ate na katulad mo."
Hindi lang pala 'gusto' ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko na siya. Kasi kung hindi ko siya mahal hindi ako masasaktan ng ganito.
"Kate!" Boses iyon ng isang lalaki. Boses ng mahal ko. Boses na kahit kailan hindi ko maririnig ang mga katagang 'mahal kita'. Boses ng lalaking hindi mapapasakin.
Akala ko ako ang tinawag niya, siya pala.
Umasa na naman ako.
Nag assume na naman ako.
Nasaktan na naman ako.
Akala ko kasi ako, siya pala.