Sabi sabi

135 1 0
                                    

Ginising si Lando ng Malakas na boses ng kanyang ina "Lintik kang bata ka, tanghali na bumangon ka na dyan pupunta ka pa sa bukid, batugan ka talagang bata ka!". Umuunat~unat at nagmumuta pa ng tumayo sa higaan si Lando. Kumain ng agahan at naligo si Lando para gumayak papuntang bukid para magtabas sa kanilang kubo. "Lando! Nandito na si Teming, bilisan mo, huwag mong paghintayin si Teming",  malakas na sigaw ng nanay ni Lando. "Oh! Teming, siguraduhin nyo lang na matapos kayo bago maghapon", wika ng tatay ni Landokay Teming "Opo!", tugon naman nito. "Naku! baka naman puro kayo lakwatsa doon", singit ng ina ni Lando. "Hindi, naman po" dinampot ni Lando ang kanyang baunan sa mesa at dirediretsong lumabas na tila nagdadabog. "Tara na, Teming", malakasa na wika nito.

Mahigit kalahating oras naglakad sina Lando papasok ng bukid, pagkarating doon ay nagsimula na si Teming magtabas pero natulog muna si Lando sa kubo dahil inaantok pa daw sya. Pagkaraan ng ilang oras ay tumayo si Lando at nagpaalam muna kay Teming para bumili ng yosi sa labas. Pagkarating sa tindahan "Dalawang stick nga", napatingin si Lando sa isang grupo ng mga bata na nakatambay sa tindahan habang nakikinig sa isang matanda. "Pagsapit ng gabi, ay lumalabas ang kanyang pakpak at humihiwalay ang katawan nito sa bewang habang naghahanap ng biktima", napangiti si Lando sa kanyang narinig. Mukhang magsasaka din ang pananamit ng matanda at hindi naman mahaba ang bigote at balbas na parang ermetanyo. Tumagal pa si Lando sa tindahan para makinig sa matanda. "Nananakit po ba ang kapre", tanong ng isang bata sa matanda. "Hindi naman, pero hindi ka makakalabas sa kanyang bahay sa loob ng maraming taon", napunta pa sa dwende, tikbalang, tyanak, ang kwento ng matanda, hindi na natiis ni Lando ang sarili at sumingit na sya sa ussapan. "Naku! Naniniwala naman kayo sa matandang yan", napatingin ang mga bata at ang matanda kay Lando. "Alam nyo! Tinatakot lang kayo nyan para hindi na kayo makagala sa kalsada paggabi", wika ni Lando sa mga bata, napatingin lang ang mga ito sa binata. "Walang mawawala sayo kung maniniwala ka", wika ng matanda, sabay tawa ni Lando. "Katulad mo na isang binata, kailangan mong mag~ingat sa mga nakikita mo", seryosong nakatitig ang matanda kay Lando. "Saan? Sa bampira? Sa taong lobo? Syokoy?" natatawang wika ni Lando. "Ang mga engkanto ay mahilig magbalat kayo na makakaakit sa mga taong katulad mo", wika ng matanda. "Ah! Alam ko na, chicks siguro yan", biro ni Lando. "Dudurugin nya ang inyong buto, pupunitin ang iyong laman at sisipsipin ang iyong dugo hanggang sa maglaho ka", naging seryoso si Lando sa sinabi ng matanda, biglang bumaling sa mga bata si Lando. "Alam nyo ba may isang matanda ang gumagala sa ating baryo", napatingin ang mga bata kay Lando para makinig sa kanyang sasabihin. "Biglang hahaba ang kanyang kuko at itutusok sayong laman hanggang sa hindi ka na makakilos, namumula ang mga mata nito at lalaki ang kanyang bunganga hanggang sa magkasya ang buong ulo mo at dudurugin ito ng kanyang mga matatalas na ngipin", natakot ang mga bata sa kwento ni Lando. Pagkatapos ay umalis na sa tindahan ang binata, masama ang tingin ng matanda kay Lando na tila nagalit.

Pagdating ni Lando sa kubo ay tinulungan nito si Teming sa pagtatabas. Pagkatanghali ay kumain na ang dalawa at nagpahinga bago bumalik ulit sa trabaho. May napansin si Lando na anino mula sa malayo, sinundan ito ng binata. Nakita ni Lando ang isang magandang dalaga na nakaputi habang nakaupo sa ilalim ng punong mangga. Nahumaling agad si Lando sa kagandahan ng dalaga "At ano naman ginagawa ng isang magandang binbini dito sa aming bukid", wika ni Lando. Tumayo ang dalaga at lumapit kay Lando, nakangiting hinaplos nito ang pisngi ng binata. Lalong kinilig si Lando at tuluyang nahulog ang loob nito sa dalaga, pagkatapos ay tumakbo papalayo ang dalaga. Natulala si Lando at hindi na nakakibo nang bumalik uli ang kanyang wisyo, nagulat nalang siya nang biglang nawala ang dalaga. Binalikan ni Lando si Teming na patuloy na nagtatabas. Sumapit ang hapon na naglalaro parin sa isipan ni Lando ang magandang binibini na kanyang nakilala "Sayang hindi ko man lang, natanong ang kanyang pangalan", bulong nito sa sarili. Nagligpit na si Teming ng kanilang mga gamit para gumayak na pauwi. Biglang napansin ni Lando ang dalaga na tumatakbo papasok ng gubat, at agad naman niya itong sinundan. Nang tumigil ang dalaga ay agad na nilapitan ito ni Lando. "Ay miss! tatanungin ko lang sana yung pangalan mo", nakangiting wika ng binata. Lumapat ang labi ng dalaga kay Lando at hinalikan ito ng isa. Biglang kinilig si Lando, mahigpit na niyakap siya ng dalaga. Tuluyang nahulog ang loob ni Lando sa dalaga, ngunit hindi niya alam na ito na ang kanyang huling segundo ng kanyang buhay.

Habang maligayang-maligaya si Lando ay hindi niya namalayan na nagpapalit-anyo na ang dalaga. Namula ang mga mata nito, humaba ang buhok na umabot hanggang sa lupa at nagsihaba nga kanyang mga kuko. Tinusok ng halimaw ang likod ni Lando ng kanyang mga matutulis na kuko. "Aaahhhh" malakas na sigaw ng biktima. Gumapang ang mahabang buhok ng halimaw sa buong katawan ni Lando, parang isang ahas na pumulupot sa kanyang biktima. Binali nito ang mga buto ni Lando, hanggang sa tuluyan siyang hindi nakagalaw. Pumasok ang mga hibla ng buhok ng halimaw sa mata, tenga, ilong at bibig ng biktima, umagos ang dugo ng biktima sa kanyang buong katawan. Mula sa isang mayabang na binata, ay isang malamig na bangkay nalang si Lando. Nang maramdaman ng halimaw na di na kumikilos ang kanyang biktima ay sinispsip na nito ang dugo at dinukot ang puso. Hindi alam ng halimaw na kanina pa pala nanunuod si Teming sa malagim na sinapit ng kanyang kaibigan. Nang lumingon ang halimaw ay mabilis na tumakbo si Temingpapalayo, bigla siyang hinabol nito. Tila isang ninja ang halimaw na patalon-talon sa mga puno, para mabilis na mahabol si Teming. Hanggang sa nakarating si Teming sa kubo at dito ito nagtago. Hinihingal na nagtago si Teming sa isang sulok ng kubo. Nagulat ang binata nang biglang dumilim ang loob ng kubo, natakpan ang mga butas ng silong at dingding ng mga buhok ng halimaw kaya dumilim ito, agad na hinugot ni Teming ang kanyang itak at winasak nito ang pader para siya'y makalabas. Bago masakop ng mahiwagang buhok ang kubo ay nakalabas si Teming at agad naman itong tumakbo. Nang makalayo-layo na ang binata ay lumingon ito sa kanyang likuran, nang makita niyang wala nang sumusunod sa kanya ay nagpahinga ito sa isang puno ng langka. Nanginginig na nanalangin ang binata, iniisip din nito kung ano ang ipapaliwanag sa mga magulang ng kaibigan. Nang unti-unting kumalma si Teming ay bigalng sumulpot sa kanyang harapan ang halimaw. Bumalik ang panginginig ng binata at hindi na nagawa pang tumakbo. Pumlupot ang buhok sa buong katawan, binali ng halimaw ang mga buto ng binata hanggang sa hindi na ito makakilos, tinusok ng mga matutulis na kuko ang dibdib ng binata para dukutin ang puso nito. Hindi na tuluyang nakapalag ang binata pero malakas na nakasigaw ito. Bago dukutin ang puso nito gumapang sa ulo ni Teming ang mga hibla ng buhok para pumasok sa kanyang bibig, tenga, mata at ilong, habng unti-unting nararamdaman niTeming ang sakit ay may biglang dumating para iligtas siya. malakas na tinaga ng matanda na kanina'y nagkukwento ang ulo ng halimaw ng kanyang itak. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa madurog ang ulo ng halimaw, kumalat ang dugo sa halimaw at tuluyan itong nakalaya sa malupit na kamay ng isang halimaw, naging abo ito hanggang sa naglaho ito sa hangin. " OK ka lang ba?", tanong ng matanda, agad na nilapitan ng matanda si Teming paara tulungan ito. Isinandal ng matanda si Teming sa isang puno. "Buti nalng po at narinig niyo ang sigaw ko", mahinahon na sagot ni Teming, unti-unti nang naghihina si Teming. "Huwag ka magalala, ililigtas kita mula sa sakit", wika ng matanda, nagulantang si Teming sa kanyang nakita. Namula ang mga mata ng matanda at humaba din ang mga kuko nito, bigla ding lumaki ang bibig ng matanda at pilit na ipinasok ang ulo ni Teming, hindi na nakasigaw ang binata, dinurog ng mga matutulis na ngipin ng matanda ang bungo nito hanggang sa maging manipis ito hanggang sa tuluyang nilunok nito ang buong katawan ng binata na parang ahas. Dito na nga tuluyang natapos ang paghihirap ni Teming.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sabi sabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon