Nakita ni Lea na pababa ng hagdan si Rachel.
"Hi. Good morning, Rach! Breakfast is ready. Kain na."
"Thanks. Tara. Sabay na tayo."
"Tulog pa si Frankie?"
"Oo e."
"I see. Ayy Rach. Aalis pala ako mamaya ha? May aasikasuhin kasi ako sa shop. Kelangan daw nila ako dun. Pero may ipapabili ka ba?"
Di sumagot si Rachel. May malalim na iniisip.
"Uy Rach? Kanina pa ako nagsasalita di mo ko pinapansin."
"Ay. ano? Sorry, Lei."
"Sabi ko aalis ako at kung may ipapabili ka ba? Ano bang iniisip mo?"
"Ah sige. A-ano kasi... si Frankie kasi."
"Anong meron kay Frankie?"
"Nagtatanong na siya, Lei. Kagabi bago matulog tinanong yung daddy niya."
"E anong sabi mo?"
"Sabi ko di pa pwedeng umuwi daddy niya kasi nagtatrabaho. Pinakwento pa nga yung istorya namin ng daddy niya e."
"And? Kinwento mo?"
"Oo. Wala naman akong magawa e."
"Hmm... di kaya mahal mo pa ang tatay ng anak mo?"
"What? Anong klaseng tanong ba yan Lea? Hindi no. Matapos ang lahat ng ginawa niya, wala na kong natirang pagmamahal sa kanya."
"Ok. Sige na. Tahimik na ako. Baka barilin mo pa ako. *laughs* O siya. Aalis na ako. Nagtext na yung secretary ko e."
"Ok. Ingat!"
Naiwang mag-isa si Rachel. Inisip niya ang sinabi ni Lea.
(Hindi. Hindi ko na siya mahal. Hindi pwede. Mas pinili niya ang iba kaysa sa amin)
"Mommy?"
Natigil siya sa pag-iisip ng bumaba ang anak niya.
"Hey. Good morning, sweety. Come."
She kissed his son's forehead.
"Good morning mommy!"
"Kain ka na. Oh sit here. You want this? Kain lang ng kain ha."
Hindi niya mapigilang tumitig sa anak niya at mapangiti na lang. Hinimas niya ang buhok ng anak niya.
(You're the best thing that happened to me.)
Iniisip niya ito habang may namumuong luha sa mga mata niya.