Chapter 5
Still Ethan's POV
Hanggang malapit na kami sa classroom ni Natalie, wala pa rin nagsasalita saamin.
"Oh. Hi Lovebirds! Bakit hindi kayo nag-uusap? LQ?" bungad saamin ni Bea nang nakarating kami ni Natalie sa tapat ng classroom namin.
"Natalie. Pasok na tayo. Bayaan na lang natin siya." bulong ko kay Natalie. Nag-nod na lang siya at pumasok na kami.
At Classroom
"Wala pa yung apat oh." sabi ni Natalie nang makapasok na kami sa classroom.
"Oo nga. Baka malate sila." sagot ko.
"Wala daw si Ms. Alvarez may pinuntahan kaya free time daw natin." bigla naman nagsalita isa naming kaklase na nasa likod namin.
"Ah, ganun ba? Salamat." sagot ni Natalie. Ngumiti na lang ang kaklase namin.
"Tara Natalie. Hanapin natin sila." yaya ko sakanya.
"Sige, tara." sagot niya. Lumabas na kami sa classroom namin.
"Bati na agad kayo? Bilis ah." bungad ni Bea pagkalabas namin. tsk. Eh, hindi naman kami nag-away ni Natalie eh. -_____- Hay. Di na lang namin pinansin ni Natalie. Hinila ko na siya papuntang Garden. Baka andun lang yung apat.
At Garden
Tama nga ako, andito lang sila. Nagtatawanan lang naman sila. Lumapit kami ni Natalie.
"Andito lang pala kayo." sabi ko. Tumabi ako kay Miguel. Si Natalie naman sa tabi ni Claudia. Kaharap namin ngayon ang girls.
"Oh, Bro andito na pala kayo." sagot ni Miguel.
"Malamang Bro." tumawa ang barkada.
"Tsk. Hahaha!" sagot ni Miguel.
"So, ano topic natin?" tanong ni Claudia.
"Lovelife ni Natalie!" sigaw ni Ericka. Nanlaki naman mata ni Natalie. Nagulat eh.
"Oo nga, di ko alam lovelife mo eh." biglang sabi ni Gabriel.
"Huh? Bakit ako? Ako nanaman nakita niyo." sagot ni Natalie.
"Hm. Teka, lovelife na lang ni Ethan!" sigaw ni Claudia.
"Tsk. Wala.." sagot ko.
"Wala daw. Eh, katapat mo lang eh." syempre bulong lang ni Miguel yung huli.
"Oo nga. Teka, bakit saakin napunta? Kay Natalie kanina yan ah." sagot ko.
"Bakit Bro? Interesado kang malaman lovelife ni Natalie?" pang-aasar ni Gabriel.
"Tsk. Magtigil ka nga." sagot ko na lang.
"Sus. Hahahaha!" sagot ni Gabriel.
"Alam ko na! Truth or Dare na lang tayo." suggestion ni Ericka.
"Oo nga. Ayun, sakto may bottle oh." sagot ni Natalie.
"Game ba kayo boys?" tanong ni Claudia.
"Game!" sagot namin ng boys.
Inumpisahan na ikutin ni Ericka yung bottle at natapat kay Gabriel.
"Oh, Gabriel. Truth or Dare?" tanong ni Ericka.
"Dare." sagot niya.
"Hm. I dare you na batukan ng malakas si Miguel." sabi ni Ericka. Nagulat naman si Miguel dun.
"Bakit--" di na natuloy ni Miguel ang sasabihin niya dahil nabatukan na siya ni Gabriel. Tumawa lang kami except si Miguel ng mukhang naiinis.
"Sorry Bro. Dare eh." sabi ni Gabriel kay Miguel.
"Tsk." sagot na lang ni Miguel. Inumpisahan na ni Gabriel ikutin ang bottle at tumapat kay Natalie.
"Truth or Dare?" tanong ni Gabriel kay Natalie.
"Truth." sagot ni Natalie.
"Andito ba sa campus ang special someone mo?" tanong ni Gabriel.
"Ahm. Oo.." sagot ni Natalie. Edi andito lang sa campus 'special someone' nya? Sino kaya yun? Ako na lang sana yun..
"Sino?" tanong ulet ni Gabriel.
"Teka, isang tanong lang." sagot ni Natalie.
"Oo nga naman Bro." sabi ko. Inumpisahan na ikutin ni Natalie yung bottle. At tumapat sakin. O.o
"Oh, Ethan. Truth or Dare?" tanong niya.
"Dare." sagot ko. Ayoko mag truth. Baka ano pa itanong niya. Haha.
"I dare you na libre mo ako mamaya ng chocolates." sabi niya.
"Sige." sagot ko.
"Dare ba yun?" sabay tawa ni Gabriel.
"Oo. Chaka wag ka ngang makialam." sabay belat ni Natalie kay Gabriel.
"Oo nga Bro. Gusto niya yun eh." pagkatapos kong sabihin yun, inikot ko na yung bottle. At tumapat kay..
Miguel's POV
Inikot na ni Ethan yung bottle at tumapat saakin. O.o
"Oh. Miguel sayo tumapat. Truth or Dare?" tanong ni Ethan saakin.
"Dare." sagot ko. Ano kaya papagawa nito?
"I dare you na akbayan mo si Claudia ng 30 minutes.. I mean 30 seconds. Hahaha." sabay apir nila ni Natalie. tsk. Grabe. Baka mailang lang kami. Kahit na barkada ko si Claudia, hindi ko pa siya inakbayan.
"Dali na Bro! Pang barkada lang yan." sabi ni Ethan. Excited lang?
"Excited lang Bro?" tumayo na ako at umakbay kay Claudia.
Nag-umpisa na silang magbilang. tsk. Ambagal. Nakaka-ilang. Si Claudia, nakayuko na lang.
Hay, natapos din sila magbilang. Bumalik na ako sa upuan ko.
"Namumula si Claudia oh!" asar ni Gabriel. Napatingin ako kay Claudia. Oo nga, namumula siya.. >//<
"Tse!" sagot na lang niya.
"Tsk. Wag niyo ng asarin. Umpisahan na natin ulet." sabay ikot ko ng bottle at natapat kay Ericka.
"Truth or Dare?" tanong ko kay Ericka.
"Dare." sagot niya.
"Hm. Yakapin mo si Gabriel. Take note, friendly hug lang yun." sabi ko. Sabay apir namin ni Ethan.
"Tsk. Sige.." at ginawa nga niya. Si Gabriel naman namumula pati na rin si Ericka. Galing ko talaga. Hahaha.
"Si Claudia na lang no?" tanong ni Ericka. At inikot na ang bottle. Natapat kay Claudia. "Oh, sakto! Hahaha." sabi ni Ericka. "Truth or Dare?" tanong ni Ericka.
"Truth." sagot ni Claudia.
"Hm. May someone na ba dyan?" sabay turo ni Ericka sa puso ni Claudia.
"Ahm. Oo." sagot niya. Sino kaya yun? Ako na lang sana. Basta, Claudia. Malapit na kitang ligawan. Konting araw na lang.