After 4 years
Nagkikislapan ang mga suot ko nang dahil sa mga flash ng camera, sa isang tingin ay aakalain mong nagkikidlatan dito sa loob ng kwartong ito dahil sa madaming ilaw na nakatutok sa akin, at kapag nandito ako sa pwesto kong ito ay para akong puppet na susundin ang anumang sasabihin nila sa akin
"Next pose!" Sinunod ko naman agad ang sinasabi nung manager ko
Ipinasok ako ng tito ko sa kumpanya niya bilang modelo, nung una pa nga ay ayaw ko dahil naaalala ko lang yung kumag kong ex at yung babae niyang haliparot pero kalaunan ay umoo na din ako dahil walang araw na hindi niya ako kinukulit, hindi ko nga alam kung ano ang nakita niya sa akin para gawin akong modelo niya
Madami na ding nagbago sa akin, natuto na akong magsuot ng highheels, hindi na ako naiilang magsuot ng bistida, at natuto na din akong magkolorete sa mukha at ayusin ang buhok ko
Dito sa States ko na rin tinapos pag-aaral ko, hindi ko natuloy yung kurso ko nung nasa Pilipinas pa ako ,fine arts ang tinapos ko.
Sa susunod din na linggo ang flight ko sa Pilipinas dahil nandoon yung susunod na makakapartner ko para sa damit na iaadvertise namin.
"Thank you for all your hardwork! See you in the next shoot!" Sabi naman nung manager ko pagkatapos ng shoot namin, nagsi empake kami at nagpaalam sa isa't isa, ito na kasi ang huling shoot ko dito sa States dahil napagdesisyunan ko na ding manirahan doon sa Pilipinas ng permanente
"Thank you also manager! See you next week in the Philippines!" masiglang sabi ko sa manager ko at saka niyakap siya, oo close kami nyan! Sayang nga lang bakling! kung hindi lang yan bading,ako na mismo ang manliligaw sa kanya. eh sayang naman si manager eh ang gwapo! Naalala ko rin kasi sakanya si Jonathan!
"Okay babye!" sabi ni direct sabay halik sa pisngi ko, sanay na ako dahil normal lamang iyon sa kanila dito sa States
Hindi sa pagmamayabang pero patok ang pangalan ko sa larangan ng pagmomodelo dito sa North at South America, at ilang bansa sa Asia tulad ng Taiwan, Thailand, China, at unti unti na din akong nagkakaroon ng pangalan sa Pilipinas
Pumunta na ako sa parking lot para kunin ang kotse ko,umuwi na ako ng bahay para magimpake,nakita ko naman si Kuya Chase dala niya ang baby ko!
"hello baby!how are you?"sabi ko sa baby ko habang pinipisil ang pisngi nito,oo may pamangkin na ako,anak ni kuya Chase ,nung kadadating ko nga lang dito sa States nalaman na kinasal na pala si kuya Chase, Nakakatampo nga dahil hindi man lang ako nasabihan , ang ganda nga ng naging asawa niya si ate Hesed, chinita siya singkit kaya ang cute din ng anak nila, sabi nga nila mama na kamukha ko daw si Heizer noong bata pa ako
"Am gwud!" sabi ng pamangkin ko at saka ipinakita sa akin ang maliit niyang thumb, ang cute talaga ng bubwit!
"Ready na ba gamit niya kuya?" sabi ko kay kuya habang nakikipaglaro pa din sa bubwit na ito
"Excited ka bro? I mean sis? Sa susunod na linggo pa ang flight niyo ah" sabi ni kuya Chase habang tumatawa
"Pake mo ba, eh mas mabuti nang nakahanda lahat ng maaga" pagsusungit ko sa kuya ko
Makalipas ang ilang saglit ay , pumunta na ako sa taas para makapagpahinga ng matapos akong makipagkulitan sa kapatid at pamangkin ko
---
"Zoe!gising!mag-ayos ka na 2:41 na" sabi nung kumakatok sa labas ng pinto napakamot naman ako ng ulo habang humihikab
"Sandali" sabi ko pabalik ,oo nga pala nakalimutan ko 4:00 nga pala flight,ko papuntang Pilipinas bumangon na ako sa aking higaan at nag-ayos sa sarili
BINABASA MO ANG
Ang Boyish Kong Girlfriend
Ficção AdolescenteAll Rights Reserved 2016 ©Im_sorry_im_cute