PROPERTY OF ReadySetLove
(c) All rights reserved November 2013
********************
Hi po sa lahat ng naka basa ng When my stomach's tied in knots, thank you po ng marami. Ito po yung first one shot story ko sana magustuhan niyo. Dedicated ito sa isang close friend ko si evilsmiley. Sana po suportahan niyo ang mga story ko po. ARIGATOU~ \*0*/
Count to ten to make a wish
Naniniwala ba kayo na ang buhay natin ay tinadhana? Ginawa mo na bang tingnan ang enertainment section ng dyaryo kung saan nakalagay ang horoscope mo ? Nagdadasal ka ba ng mataimtim na sana makakuha ka ng perfect score sa exam? Sinabi mo ba sa sarili mo na balang araw, uunlad din ng Pilipinas? At itong huli....
Naranasan mo na bang mag-wish na sana maging kayo ni crush? Aaminin niyo, ginawa niyo din to. Kasi ako, oo. Ginawa ko yun lahat pero alam ko na sa bandang huli, lahat ng bagay dito sa mundo ay dapat pagsikapan ng mabuti.
Ako nga pala si Nikki Lopez, 16. Isang senior high school. First honorable mention ako sa batch namin, hindi kami mayaman, ang mama ko ay walang trabaho at ang tatay ko naman ay isang tricycle drayber. Nakapasok ako sa isang private school dahil sa scholarship. Ang tanging ipagyayabang ko lang ay..
isang pad ang papel.
" Uy, Nikki. Malapit na ang prom. Anong isusuot mo? " tanong ng bestfriend ko na si Janine
" Um.. hindi ako sasali sa prom eh. Wala kasi akong damit na isusuot, wala din naman kaming pera pambili ng bago " sabi ko naman sa kanya
" Ano ka ba! Para yun lang, ako bahala sayo " -Janine
" Talaga? Manghihiram ka ng damit para sa akin? " hinawakan ko ang kamay niya
" Hindi, bibilhan kita " -Janine
" Thank you, best " -Nikki
" Ano ka ba, wala yun " -Janine
Nagbell na kaya pumunta na kami sa classroom namin. Nag homeroom muna kami bago nag start ang first subject namin na science.
" Ok class, get 1/2 crosswise and we will start our surprise test, number 1 " sabi ni teacher
Kumuha ako ng isang pad ng papel at alam niyo na kung anong susunod na mangyayari
" Nikki, pengeng isa " sabi ni churva no.1
" Nikki, pengeng dalawa para sa kanya at sa akin " sabi ni churva no.2
Wow, hindi ko alam na buy-one-take-one na pala ang papel ngayon at yung isa naman nahiya pa. WATDAPAK!~
" Nikki, penge pa ng isa, nagkamali kasi ako ng spelling ng pangalan ko " sabinichurva no.1
Pati pangalan nagkamali pa rin, eh kung bumalik ka na lang sa pre-school, dun tuturuan ka pa ng mabuti. O look, supplier na pala ako ng papel. Bukas, ako na naman yung manghihingi kasi nauubos na ang supply ko na papel. Narinig ko na lang yung lalaki sa gilid na may sinasabi
" Hoy! Tama na yan. Para naman kayong pulubi sa daan. Bumili na kayo ng sarili niyong papel " sabi ni crush
Sa tuwing may papel ako at maraming mga kamay sa paligid, siya lang ang palaging nagliligtas sa akin
" Psst. Nikki, may nagsabing if you have a talent, don't do it for free " sabi ni Neil a.k.a. crush
" Ano naman yung talent ko? At sino may sabi? " - Nikki
" Yung talent mung pamimigay ng papel at ako yung may sabi " sabi niya sabay smile. Wahhh para akong hihimatayin sa pamatay ngiti niya
" Hala, na san yung papel ko, bat nawala " bigla naman niyang sinabi habang hanap hanap niya yung papel sa sahig
BINABASA MO ANG
Count to ten to make a wish ( one shot )
Teen FictionSometimes, the easiest way to achieve your goals is to wish. ..Just count to ten to make your wish