Chapter 55
[Marjorie's POV]
"Uhm, anong meron?" painosenteng tanong nya.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan? Anong meron Lorraine? Ano talagang meron sa inyo ni Tristan?" tanong ko at nanlaki lang ang mata nya.
"H-ha? What do you mean?" tanong nya at parang kinakabahan na sya.
"I mean... These." sagot ko at pinakita ko yung picture na nakita ko sa account ni Tristan na nakahalik sya sa pisngi. At yung screenshot ng profile ni Tristan na puro post nya.
"Uhm..." hindi na sya makasagot at napayuko na lang.
"Hmmm? Ano?"
"I don't think I need to explain these things to you. Hindi ka naman involve dito." kaswal na sagot nya.
"Hindi involved? Sa inyo ni Tristan, oo. Hindi ako kasali sa kung anong meron kayo. Pero dito, siguro naman may karapatan na akong malaman?" sabi ko at pinakita ko yung picture nung scandal. Nakuha ko yung copy nun sa fan page ni John.
"A-ah... Ano bang gusto mong malaman??"
"Lahat. Gusto kong malaman lahat. Ikaw... Ikaw ba ang kumuha ng picture na to?? Dahil sa mga members ng TTC, ikaw lang naman ang may kung anong connection kay Tristan. Hindi ko alam kung anong motibo nyo para gawin to. Lalo na ikaw dahil boyfriend mo si John. Pero ano ba talagang meron sa inyo ni Tristan?? Niloloko mo ba si John?? O si Tristan ang niloloko mo??"
"Tama na!" sigaw nya at napapikit sya at humawak sa ulo nya.
"Oo ako ang kumuha ng picture na yan! Oo may connection kami ni Tristan! Mahal ko sya okay?! At oo niloloko ko lang si John!" napatakip ako ng bibig sa sinabi nya.
Mahal nya si Tristan at niloloko nya lang si John?!
"T-teka... b-bakit..."
"Bakit ko ginawa iyon? Simple, dahil nga mahal ko si Tristan! Sinabi nya lang lahat iyan at sinunod ko dahil gusto nyang masira si John!"
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Fiksi RemajaMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...