author Tiff! hahahah.
kasi na-inspire na naman ako ng story mong 'Level Up',
idededicate ko na naman tong gawa ko sayo ^O^
sana po magustohan nyo ulit. HAHAHA.
| amBELLEsyosa © 2013 |
***
"hoy payatot!" tawag ko sa kanya.
"anong kailangan mo panget?!" sagot nya naman.
oh dibeh? ang sweet namin ng bespren ko? hahaha.
lumapit ako sa kinaroroonan nya at umupo na rin.
nandito kami ngayon sa aming munting tambayan sa school, vacant kasi.
"grabe naman to kung maka panget. akala mo kung sinong gwapo." at inirapan ko sya.
"aba! gwapo naman talaga ako" sabay pogi sign pa nya.
sinapak ko na, masyadong feeler eh. "kapal mo! hahaha"
at nag tawanan kami dun na parang mga baliw.
ganyan kami ng bespren ko, laging naglalaitan, nagkakasakitan, at kung ano ano pa.
yan kasi ang form ng panglalambing namin sa isa't isa. ang sweet no?
siya nga pala si Sebastian, Basti for short.
we've been friends for God knows how long.
simula yata ng mga sanggol pa lang kami eh magkadikit na ang mga bituka namin. chos!
mag bebestfriends kasi ang mga magulang namin kaya ayun, pati yung mga anak, magbebestfriends din.
ako naman si Charity, but my friends call me 'Chari' o 'Cha'.
oh, sya nga pala, ako ang dakilang bff nitong si Basti.
habang nagtatawanan kami, tumikhim sya at bigla naging seryoso.
"maiba ako Charity, sino pala yung lalaking kasama mo kanina ha?" tanong ya na with matching taas ng kilay pa.
"huh? sino? si Josh? classmate ko lang yun" naka kunot noo kong tanong.
"nang liligaw ba yun sayo? naku ha. Hindi mo man lang sinabi sakin. dapat dumaan muna sya sakin bago mo sya sagutin. alam na ba to nina Mommy Gigi, ha?" opo, Mommy rin po ang tawag nya sa mommy ko.
"yan!" at hinampas ko ang braso nya "kaya ako hindi nagkakaboyfriend eh. kasi natatakot sila sayo." sabi ko at humalukipkip.
"Bakit atat ka magka boyfriend? maghintay ka kasi sa tamang pagkakataon. 3rd year college ka pa lang oh."
aba! ako pa ngayon ang atat?
"HOY! ikaw yata ang atat! hindi ako!" sabi ko habang dinuroduro sya. "baka ikaw nga to ang may in a relationship status."
hinawakan nya naman ang kamay ko sabay sabing, "wala akong girlfriend, ok? pero ano ngayon kung may girlfriend ako? eh isang buwan na lang, gagraduate na ako." huminto sya sa pagsasalita at tinignan ako ng maigi. "teka? bakit? nagseselos ka?" pagkatapos nun ay ngumisi sya ng nakakakilabot.
tumayo na ako, "capital A-S-A. psh! dyan ka na nga, masyadong mahangin dito" sabi ko at iniwan na sya.
BINABASA MO ANG
UPGRADED (one-shot)
Teen Fictionwala akong ma ilagay na description eh. ^O^ basta, read nyo na lang. HAHAHA. thanks po :)