ILUSYON (astig na tula!)

207 3 1
                                    

Hindi naman ako macho tulad ni Batman

Hindi rin guwapo tulad ni Superman

Lalong di matalino tulad ni Einstein

Maski nga yaman wala ako niyan

Isa lang akong hamak na nilalang

Na nabighani sa iyong kagandahan

Hindi ka man kasing sexy ni Lana Lang

Para sa akin walang wala si Wonder Woman

Hindi ka man kasing ganda ni Isabella Swan

Pag ngumiti ka ng tuluyan

Pati si Darna mai-insecure niyan

Alam kong wala akong maipagma-mayabang

Kaya damdamin kailangan pigilan

Alam kong di ako karapat-dapat kailanman

Hahayaang maging ilusyon nalang

Hindi ako si Brad Pitt o si Prince William

Ang pangarapin ka'y isang kabaliwan

Pagkat di kita kayang buhayin ng maalwan

Ang bagay sayo ay isang kaharian

Na punong-puno ng kaligayahan

Juan Mario

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ILUSYON (astig na tula!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon