Praktis Lang! (one-shot)

238 13 0
                                    

"Hey, how was your day?"

Agad akong napangiti ng mabasa ko ang text sakin ni Sam,ang crush ko. Lagi naman niya akong tinatanong niyan kapag nakauwi na ako kasi lagi din naman kami magkatext. Walang araw ang lumipas na hindi kami magkatext. Minsan pa nga simula pagkagising ko hangga't sa makatulog ako siya ang kausap ko.

Anyways, bago ang lahat magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Janine Alcantara 18 years old. Simple lang akong babae. Masayahin at mabait. "Go with the flow" lang lagi ang peg ko kahit pa sa anong laban yan pero kahit ganon alam ko kung pano mgcontrol. Kung hindi ako marunong magcontrol edi sana matagal ng alam ni Sam na crush ko siya. Hihihi.

Si Sam kasi ang kaklase ko na member ng badminton team. Hindi ako actually mahilig sa badminton dahil sa totoo lang volleyball ang sport ko pero ng dahil sa kanya eh nagustuhan ko na din ang sport na yun.

Nakita ko siyang naglalaro sa gym noong first year pa lang kami at simula noon naging interested na ako sa kaniya at ngayon nga feeling ko ganon na din siya sakin.

Start ng school year ng makuha namin ang number ng isa't isa dahil group mates kami sa isang subject. Nagsimula doon ang pagpapalitan namin ng mga mensahe hanggang sa hindi namin napansin na kung ano ano na pala ang mga napaguusapan namin.

We'll just talk for hours na wala naman sense talaga ang pinaguusapan namin. We could talk for an hour at halos lalagpas na sa sampo ang threads ng pinaguusapan namin. I never get bored whenever we were talking to each other. Kapag siya kasi ang kausap ko chill lang. No pressure. Yung ganon na feeling. And by no pressure meaning hindi ko kailangan pagisipan ang mga dapat kong sabihin sa tao. I can honestly speak up my mind kung siya ang kausap ko.

Nagreply na ako sa text niya.

"Okay lang naman. Medjo bored lang kaninang lectures no? Haha!"

*ting ting*

"Oo nga eh. Buti na lang hindi nakakabored yung ginawa ko kanina."

Huh? Ginawa? May ginawa siya kanina? Parang wala naman akong napansin.

"Bakit? Ano ginawa mo?" Tanong ko sa kaniya.

*ting ting*

"Edi pinagmasdan ka! :))"

Halos magtatalon na ako sa sobrang kilig! Sabi na eh! May gusto na din sakin to eh. Damn! Feeling ko dinaig ko pa ang may sakit kasi alam kong namumula ako at nagiinit yung pisngi ko. Laking pasasalamat ko na lang din na hindi ko siya kaharap ngayon kasi baka mangisay ako sa tuwa sa harap niya.

"Sira! Kaya pala feeling ko kanina may nakamasid sakin. Akala ko may nagpapapatay na sakin eh."

Siyempre pakipot muna ako. Mahirap na baka isipin niya easy-to-get ako.

"Sinusubukan ko lang kasi baka matunaw ka at least pwede na kitang maibulsa."

SHIT!DAMN!DAMN! Super kinikilig na talaga ako! Wag kang ganyan Sam! Iiiiiiih!

"Baliw! Gutom ka no? Hahaha!" Reply ko ulit sa kanya.

"Oo! Gutom ako sa attention mo. Pansinin mo din kasi ako."

HUTAENA! Ano ba Sam! Wag kasi! Dinaig ko pa yung kamatis na binili ni mama kanina sa palengke sa sobrang pula ko ngayon.

Eto na ba yung araw na aamin na siyang gusto niya din ako?

"Makabanat dre ah? May pinaghuhugutan? Hahaha!"

"Meron. Haha. Sandali! Tawag ako ah?"

Maya maya pa ay bagriring na ang phone ko. Buset to! Hindi man lang ako bingyan ng chance i-compose ang sarili ko. Haha! Pero hindi ko na din pinatagal at sinagot ko na ang tawag niya.

Praktis Lang!  (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon