BTG 5: Clingy nerd

17.5K 440 29
                                    


"Gusto mo  nito?" Alok ni Akihiro sabay turo ng fishball.  Remember yung nerdy boy kahapon.

Umiling lang ako.

"Eh eto?" sabay turo sa  banana que.

Umiling ulit ako.

"Itong kwek kwek?"

Tsk ang kulit.

Seriously, naiinis na ako sa pagiging makulit nya. Simula nung nagusap kami kahapon, naging clingy na siya sakin. Feeling Close!

Kaninang break time nga namin, lagi siyang nakabuntot sakin.

Hanggang ngayong uwian ba naman?

Kasalukuyan kase kaming nasa labas ng school at halos lahat ata ng tinitinda iniaalok niya sa'kin. Mukha siyang tindero pfft.

"Try mo tong isaw! Masarap to!"

For the nth umiling ulit ako.

"Ahh! Itong Kakanin?"

"No thanks, busog pa talaga  ako, sige uuwi na ako"  kinuha ko ang bag ni Knite sa kanya at nagbabye gesture na ako sabay talikod.

Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang hinawakan niya ako sa braso.

"Teka teka, san ka pupunta?"

" ahmm Uuwi na?"

"Ihahatid na kita"  nakangiti niyang sabi.

"Err w..wag na, Nakakahiya"

"Nukaba! Simula ngayon magkaibigan na tayo kaya wag ka nang mahiya"

Really friends?

Wala sa vocabulary ko ang salitang yan.  Wala din sa plano ko ang makipagkaibigan habang nagaaral dito, gusto ko lang matapos ang two years para makuha ang mana ko then babalik din ako sa States. No more, no less.

"Nope hindi pa tayo friends, kahapon lang tayo nagkilala remember?"

Biglang lumungkot ang mukha niya.

"Pe...pero--" I cut him off.

"Sanay na akong magisa kaya hindi ko na kailangan ng kaibigan, bumalik ka na lang sa mga kaibigan mo. Wala kang maasahang friendship sakin" 

Maglalakad na sana ako paalis pero agad akong huminto  nang mapansin kong naiiyak na siya.

Hala...

"Gaya mo wala din akong kaibigan. Syempre nerd kaya laging loner. Kaya nga nung nalaman kong may bago akong classmate na kagaya ko. Sobrang natuwa ako, akala ko sa wakas magkakaroon na ako ng kaibigan pero hindi pala."

Napanganga na lang ako sa biglaan niyang pagdradrama.

Tinanggal niya ang salamin niya at pinunasan ang imaginary tears sa  singkit niyang mata. "Sige, hindi na kita ihahatid. tutal ayaw mo naman pala akong kaibigan. Babalik na lang ako sa Dati. Magisa, walang kaibigan, walang kausap school. Okay lang okay lang talaga ako huhu" sabay madramang nagwalk out.

Bullshit At nangonsensya pa ha?

Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinabol ko siya.

"Aki!" sigaw ko kaya humarap siya sa'kin.

"Ano?"

"O..oo na payag na akong ihatid mo ko"

Argh! Ano ba tong pinagsasabi ko.

Biglang lumiwanag ang mukha niya. " Talaga? Payag ka na kase..?"

"Kase.."

"Kase ano?!" mukhang excited siya sa sasabihin ko. Para siyang bata

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon