Chapter 40: Missing

436 16 0
                                    

Teo's POV

Nag-angat ako ng tingin nang may maglapag ng kung anong envelope sa ibabaw ng binabasa kong libro. Naikunot ko ang noo ko nang makita ko si Gabby na nakangiti sa akin.

"Ano ito?" Tanong ko habang tinitingnan ko ang envelope na inilapag niya.

"It's an invitation." Sagot niya. Naupo siya sa tabi ko at seryoso akong tiningnan.

"Invitation?" Ibinaba ko muna ang librong binabasa ko at tiningnan ko nang mabuti ang envelope.

"Yeah. Naaalala mo ba ang kasal ni ate?" Napaisip ako sandali.

"Oh!!" Binuksan ko ang envelope at binasa ang nakasulat sa invitation.

Naaalala ko na sinabi ni Gabby last month na wedding nga ng ate niya kaya hindi siya makakasali sa pageant. The same reason kung bakit ako na lang ang sumabak sa pageant.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"Next friday ang wedding niya, I hope you can come."

"Next Friday?"

Ang akala ko ba ay kasabay ng pageant ang wedding ng ate niya? Namove ang pageant ng one week ahead kaya dapat ngayong linggo na ito ang kasal ng ate niya.

"Diba dapat this week ang kasal niya? Anong nangyari?"

"Yeah. Pero namove ang kasal nila dahil sa tatay ni kuya Ralph. Next week pa kasi siya uuwi kaya minove nila ang wedding date."

Ah!

Napatango ako. Binasa ko ulit ang nakasulat sa invitation.

"So, ano? Pupunta ka?" Tiningnan niya ako nang mabuti. He's waiting for me to give him an answer.

Napangiti ako.

I guess I don't have any plans for next week. Wala din naman kaming balak ni Rhaeca next week, kaya okay lang naman sigurong pumunta ako sa wedding ng ate ni Gabby. Pero, okay lang ba na pumunta ako?

"Gab, okay lang ba na pumunta ako sa wedding ng ate mo? Hindi naman kami magkakilala eh?"

"Oo naman. Don't worry. Tsaka, they asked me to bring some of my friends, kaya ininvite kita at sina Rhaeca."

Oh!! So invited din pala sina Rhaeca?

"Natanong ko na sina Rhaeca at Gelou, and they agreed to come, so...?"

"Okay. Wala naman akong lakad next week. Ang foundation day ng Newman na inaabangan namin ay next month pa so wala akong appointment." I said while smiling.

Ngumiti si Gabby at inakbayan ako.

"Salamat pre. Hindi na ako mabobored doon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko doon for two days kung hindi kayo pumayag na sumama."

"Two days? What are you talking about?" Natigilan si Gabby at agad akong tiningnan.

"Oo. Two days. Kailangan nating pumunta doon a day ahead. The venue of the wedding is a beach resort, and it takes hours to travel. With the preparation and other stuffs, kailangan talaga nating pumunta doon nang mas maaga."

"Yeah, I guess you are right." Ibinalik ko na ulit ang invitation card sa envelope at inipit ito sa pagitan ng mga pahina ng librong binabasa ko.

"Uhm...by the way, I'm also inviting Arcel. Okay lang? I already asked Rhaeca, and she's okay with it. But still, I need to ask you."

I didn't hesitate at agad akong tumango.

"Of course!"

Kahit na may issue kami nina Arcel, wala naman akong problema kung makasama ko siya. After all, I consider her as a very important friend.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon