Chapter 1 (19.04.06)

8.8K 177 62
                                    

Copyright © Night_Rielle, 2019

CHAPTER ONE:

"Ayusin mo ah."

"'Wag ka kasing malikot."

Nilukot ko ang ilong ko bago siya hampasin ng malakas sa binti. "Nako Boks, 'pag 'yan nagmukhang pugad ng ibon. Sinasabi ko sa 'yo. Tatamaan sa 'kin 'yang ibon mo-"

"Sssshh! Kulit mo Boks," turan niya na may bahid ng inis. Kanina ko pa kasi pinapakialaman 'yung gawa niya.

Tumahimik na lang muna ako at hinayaan na lang siyang tapusin ang pagbe-braid sa buhok ko.

Maya maya lang ay tinapik na niya ang balikat ko senyales na tapos na siya. Hay salamat. Natapos na rin siya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig at sinamaan siya ng tingin. "Kapag ito talaga-" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay ginamit niya ang kanyang kanang kamay at mabilis na tinakpan ang bibig ko. "Mmm! Mm!" pagpupumiglas ko.

Iminwestra niya ako sa salamin habang nakanguso. "Tingnan mo muna kasi. Dakdak ka pa ng dakdak diyan eh," sabi niya bago humalukipkip.

Pinunasan ko muna ang bibig ko bago siya irapan saka dumiretso sa tapat ng salamin. Tiningnan ko ang pagkaka-braid niya sa akin sa pamamagitan ng pagpaling ulo ko. May hawak ding maliit na salamin si Taehyung sa likod ko para mas maayos kong makita lahat.

Ayos ah. Pulidong pulido.

"Oh ano? Ganda 'di ba? Sabi sa 'yo eh. Wala ka kasing tiwala sa best friend mo eh," aniya sabay higa sa kama ko. Masyado ring feel at home 'tong si singkit eh.

Lumapit ako sa kanya at pineymawangan siya. "Nagtataka na ako sa 'yo Boks. Bakla ka ba at sanay na sanay kang mag-braid?" Tanong ko habang may nag-uusig na tingin.

Umupo ulit siya saka inilapit ang mukha niya sa akin kaya naman bahagya akong napaatras.

Kinamot niya ang sentido niya bago nagsalita. "Hanggang ngayon ba naman pinagduduhan mo pa rin gender preference ko? Sa mukha kong 'to? Seryoso?" aniya na may hindi makapaniwalang tono habang nakasundot ang isang daliri sa pagitan ng dalawang butas ng kanyang ilong. Kadiri naman kung sa loob talaga ng ilong 'di ba? Pero kainis lang! Ang pogi pa rin kasi eh. 'Pag ako gumawa niyan, for sure, magmumukha akong biik na nakabraid.

"Nakakapagtaka lang kasi eh," katwiran ko habang kinakamot ang aking ilong.

Simula kasi nung 5 years old kami (first encounter namin sa isa't isa), napagkamalan ko talaga siyang bading slash bakla slash beki slash bayut. 'Yung mga gestures niya kasi, parang babae dinaig pa ako. Mahilig pang ngumuso habang nakapikit at mag-pose ng peace sign sa harap ng camera. Tapos nung medyo lumaki na kami, 2nd year high school ata, mas lalong na-develop 'yung lips niya. Huta! 'Kala ko nga ninanakawan ako ng lip gloss eh. 'Yun pala, natural pala 'yon. Tapos merong time nun na sinuotan ko siya ng wig dahil sa play namin sa isang subject, taena! 'Di ko nakilala. Ilang minuto yata akong natulala at nakatitig lang sa kanya, iniisip kung sino ba 'yung nasa harapan ko.

"Si Yumi kasi eh," sabi niya habang napapakamot sa ulo. "Sabi niya pag-aralan ko raw para raw hindi ka na mahirapan sa pagbe-braid sa sarili mo na mukha namang kinalahig ng sampung manok.

"Aba't! Sinabi talaga ng kapatid mo 'yon?"

Tumawa siya dahilan para mas sumingkit pa lalo ang kanyang mga mata. "Oo. Pero 'yung part na kinalahig ng manok, ako na ang nagsabi," sagot niya habang unti-unting sumisilay ang mapang-asar na ngiti sa mga labi niya.

Umusok agad ang tenga at ilong ko sa sinabi niya. Ang galing talaga idegrade ang skills ko sa pagbebraid. Porke't nakakalamang lang ng isang porsyento ng kagandahan sa 'kin eh. Hmp.

Owned by a Jerk || Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon