hiling...

292 14 9
                                    

Ayoko ng masaktan at maiwan
Bakit ba ako pinapahirapan?
Pagod na‘ng puso na maunawaan
Lahat ng sakit na nararamdaman

Sinabi sa sariling tama na
Panahon na para magpahinga
Ngunit sa’yo ako’y naintriga
Kaya heto at umaariba

Nakilala kita at naging katipan
Damdamin ko ay akin ng hinayaan
Kahit alam kong ‘di ito seryosohan
Ngunit minahal ka pa rin ng lubusan

Di ka na nawala sa isipan
Nagkakaron na nga ng selosan
Kaya pala tayo’y nasasaktan
Unti-unti ng nagmamahalan

Kasama kang bumuo ng pangarap
Dalangin lahat ito ay maganap
Hindi pumasok sa aking hinagap
Mawala pa sa’kin ang ‘yong paglingap

Away bati,lagi tayong ganyan
Aso’t pusa kung iyong titignan
Bakit ba di magkaunawaan?
Kaya nauuwi sa hiwalayan

Pambababae ay ‘yong dapat ng tigilan
Para pagbubunganga akin ng bawasan
Upang ating pag-aaway ay maiwasan
Pakabait ka ang tanging inaasahan

Wag sana t’wing tayo’y may pinag-aawayan
Baka bigla na lang tayong magkasawaan
Sayang naman ang lahat ng pinagsamahan
Kung mawawala ka sa akin ng tuluyan

Away natin ay ating pag-usapan
Lalo na kung ito’y simpleng tampuhan
Wag magbolahan,tayo’y magprangkahan
Upang relasyon wag mapabayaan

Sana nama’y kuntento ka na sa akin
Ako na lang sana ang pakaibigin
Utang na loob wag na’kong gagalitin
Tiwala ko sayo’y wag namang sirain

Temptasyon ay iyo namang pigilin
Pangako mo sakin ay wag limutin
Lumayo sa babaeng malalandi
Dahil ika’y aking pagmamay-ari

Wag sana akong lolokohin
Wag mo na sana pang tangkain
Subukan mo lang yan na gawin
Baka ika’y aking bitayin

Kung ikaw ay magbago ng pagtingin
Ikaw ay akin ng papalayain
Wag isipin kung aking dadamdamin
Yan ay akin na lamang tatanggapin

Magtagal tayo yan ang aking hiling
Sana’y ito din ang ‘yong panalangin
Tupdin sana ang ating dalangin
Nang kapalarang laan sana sa’tin

Malayo man tayo sa isa’t-isa
Di man nagkikita’t nagkakasama
Pangako na mamahalin ka sinta
Hanggang sa akin pang huling hininga

-021809

hiling...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon