chapter 15:

9.4K 142 2
                                    


-Venus' POV-

         Nakangiting pinagmamasdan ko lang si Ice na nakahiga sa kama habang natutulog.

    Matapos kasi siyang mawalan ng malay dinala ko siya sa condo ko hindi ko naman alam kong saan lupalup ng mundo nakatira toh.

  Napatigil ako ng biglang nag-ring ang cellphone ni Ice kaya kinuha ko ito at napangisi nalang ako ng makita kung sino ang tumawag...Mars...

Nakangiti akong sinagot ito. "MABUTI NAMAN AT SINAGOT MO NA KANINA PA KITA TINATAWAGAN!!!"-nailayo ko ng kunti ang cellphone sa tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw ni Mars.

   Nilapit ko ulit ito na naramdaman kong tumigil na sa pagsigaw Mars.

  "Tapos kana?"-tanong ko kay Mars na kinatigil niya.

   "SINO TO??!! AT BAKIT NA SA'YO ANG CELLPHONE NG ASAWA KO----teka! Venus?!!"-napangisi ako sa naging reaksiyon ni Mars.

   "The one and only."-proud kong ani.

  "Hayop ka ve!! Akin na si Ice at----"-pinutol ko ang pagsasalita niya...

   "Ikaw ang hayop Mars at tsaka wag mo ngang akinin si Ice na parang bagay"-kalmang sambit ko.

"Akin na siya ve.. AKIN!"

  "wag mo ngang akinin ang isang bagay na hiniham mo lang. Tandaan mo una siyang naging akin. Tsaka wag kang mag-alala nasa mabuting kalagayan ngayon si Ice."-saad ko tsaka pinatay ang tawag. Binalik ko ang tingin kay Ice.

   Di ko inispect na hahantong kami ni Mars sa sitwasyon namin ngayon pero siya ang nag-simula nito nung pinatay niya ang anak ko at ako ang tatapus ng laban na to.

Napatigil ako ng biglang gumalaw sa kama si Ice kaya lumapit ako sa kanya tsaka tumayo sa gilid niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaupo lang siya habang menamasahe ang sintido nito.

"Good morning."-napalingon siya sakin at halatang nagulat ito. "V-ve?"-takang tawag nito sakin.

  Ngumisi ako. "The one and only darling"-proud kong sagot sa kanya sabay talikod sa kanya.

Naramdaman kong sumusunod siya sakin. "A-anong nagyari?? Tsaka bakit iba na ang damit ko??"-napalingon ako sa kanya. "Wala namang nagyari kagabi.. Naglasing ka , at...."-nagdadalawang -isip ako kung sasabihin ko ba ang about sa halik na nangyari.

"At?"

"At... At sinukahan mo lang naman ako"-nakita kong naglaki ng mga mata niya sa sinabi ko. "S-seryoso??"-kinakabahan niyang sambit. "Mukha ba akong nag-bibiro???"-tanong ko sa kanya tsaka pumunta na sa kusina. Umupo na ako sa hapagkainin at magsisimula na sana akong kumain ng mapatingin ako kay Ice na ngayon nakatayo parin sa harap ko.

"Tatayo ka lang ba dyan??"-tanong ko sa kanya kaya natataranta itong napaupo sa harap ko.

Nagsimula na kaming kumain at nabuhay ang salitang katahimikan at ilang saking dalawa.

"Sorry"-basag ni Ice sa katahimikan na bumalot samin. Kaya napatigil ako sa pagkain.

"Kung about sa pagsuka mo sa-----"

"About everything"-putol ni Ice sa pagsasalita ko nagulat ako ng biglang hawakan ni Ice ang kamay ko.

"Sorry"-ulit na ani niya.

"Di kayang burahin ng simpleng sorry mo Ice ang mga nagyari sating nakaraan"-ani ko na napatanggal sa kamay ni Ice sa pagkakahawak sakin. Nagulat kami ng biglang may nagdoor bell kaya napatayo ako upang buksan ang pinto at na surpresa ako sa aking nakita.

"Mars."-nakangiting sambit ko pero hindi niya ako sinagot sapagkat pumasok lang ito sa loob ng condo ko.

"Alam mo bang trespassing yang ginagawa mo??"-nakangising tanong ka sa kanya dahilan para mapalingon siya sakin.

"Trespassing?? Hah! Alam mo pala ang salitang yun! Akala ko kasi hindi mo alam yun nung nag-tresspassing ka rin sa relasyon namin ng ASAWA ko"-nakangising sambit niya. Napatigil lang kami ng sumulpot si Ice.

"Mars?"-napalingon si Mars sa gawi ni Ice.

"Ice..."-kumurot ang puso ko habang tinitingnan sila ni Mars at Ice na magkayakap este si Mars lang pala ang yumayakap kay Ice habang ang mga mata ni Ice nakatingin lang sakin.

"Uwi na tayo."-walang emosyong ani ni Ice sabay hila kay Mars palabas ng condo pero bago sila tuluyang lumabas may pahabol pa ako.

"Dadalhin ko nalang sa opisina mo mamaya ang mga damit mo Ice"-napatigil sila sa sinabi ko na dahilan din upang mamula ang mukha ni Mars sa sobrang galit.

Tumango lang si Ice tsaka hinila na paalis ang nangamgalit na si Mars. Ganda naman ng simula ng araw ko....

~~~~~~

Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon