Dear Deo,
Hi. Kamusta ka na? Sana nasa maayos ka na kalagayan ngayon. Ako? Ayos lang naman though hindi pa rin talaga kita nakakalimutan. Pero parang hindi na talaga kita makakalimutan. Ewan ko naging ganito yung epekto mo sa akin, na sobra sobra kitang minahal. Oo, hindi pa rin ako nakakamove on sayo kahit na 2 years na ang nakalipas, peste ka kasi.
Madalas pa rin kita naaalala pati sa panaginip ko hindi mo ako tinatantanan. Naaalala ko noong nakakilala tayo sa isang group chat sa facebook, ang sungit mo pa noon hindi ka masyadong namamansin pero nagpaparticipate ka naman sa mga games.
Lahat ng members ng gc ay ka-close ko na puwera na lang sayo kaya pinaandar ko yung pagiging makulit ko sayo kasi nahihiwagaan talaga ako sayo.
Nagsend ako sayo ng private message pero nainis ako sayo kasi yung reply mo lang ay isang poker face emoticon.
Nakakabadtrip ka pero dahil curious talaga ako at try and try until I succeed ang motto ko kaya pinagpatuloy ko ang pagchachat sayo. Mabuti na lang at nag improve ka kahit minsan pilosopo ka kung sumagot hanggang sa nakasanayan ko na kachat ka palagi.
Natuwa ako noon dahil nagsimula ka na ring mag open up sa akin ng mga kwento mo kaya nalaman ko kung bakit parang pasan mo palagi ang mundo. Dahil dun naging mas malapit tayo. Minsan nakakalimutan ko ng magchat sa gc dahil magkachat tayo.
Hindi ko rin nakakalimutan yung unang araw na nagvideo call tayo. Nahihiya ako noon kasi nacoconcious ako sa mukha ko, hehe alam mo na medyo may pagtingin n ako sayo noong time na yun. Ayun nga unang bungad mo pa lang ang bangs ko kaagad ang napuna mo, walang hiya ka tinukso mo pa ako na DORA. HAHAHA.
Marami tayong mga napagusapang bagay most of them are really nonsense. Minsan hindi tayo nagkakasundo na mga bagay bagay pero kahit na ganun ay nagclick pa rin tayo. Hanggang sa nasanay na ako araw araw kita kachat minsan katawagan o di kaya video call.
Nagulat na lang talaga ako isang araw na nagsend ka ng good bye message mo, 3am mo sinend pagkatapos nun nagdeactivate ka eh 8am na ako nagising. Nakakainis ka talaga hindi mo man lang ako hinintay na magising. Nagalit talaga ako noon, ma pa "PS. Kilala mo si Gracie? Crush ko yun" ka pa na nalalaman. Matapos mong sabihin na crush mo ako ay bigla bigla ka na lang mawawala, ayos ka din eh no?!
Mahigit dalawang linggong hindi ka nagparamdam sa akin. Pati yung mga comembers natin sa gc nagaalala dahil hindi kana raw nagchachat though hindi ko sinabi sa kanila yung tungkol sa last message mo sa akin. Ni hindi kita macontact sa cp number mo. Naisipan kong tawagan yung isang bestfriend mo, sanabi niya na umalis ka daw sa bahay niyo hindi niya alam kung bakit. Hinala niya ay may misunderstanding kayo ng parents mo. Sobrong nag alala ako sayo noon kasi hindi ka mahagilap. Tinadtad kita ng text at tawag ng tawag ako sayo pero parating out of coverage, kainis ka.
Lumipas pa ang ilang araw bago ako nakatanggap ng isang message galing sayo. Agad kitang tinawagan nun kaya lang nakalimutan ko pa lang wala na akong pangcall kaya tinext na lang kita. Humingi ka ng tawad sa akin at nagconfess ka ng feelings mo sa akin. Inaamin ko kinikilig na ako nun noong sinabi mong manliligaw ka sa akin kahit na nung time na yun sa chat at call lang tayo nagkakausap. Hindi na kita tinanong kung anong nangyari bakit ka umalis kasi gusto ko na ikaw ang mag open up sa akin.
July 8 noong naging tayo kahit na hanggang chat, text, at video call lang tayo. Love truly knows no distance. Mahal na rin kasi kita. Nakikita ko yung efforts mo na kahit pareho tayong busy sa school ay hindi ka pa rin nawawalan ng time kamustahin at pakiligin ako. Nung sinabi ko na gusto ko yung lalaking kakantahan ako with gitara, nag effort ka pa talaga magpaturo maggitara para dun. Bilib nga ako sayo kasi fast learner ka. Yung first time na kinantahan mo ako ng fav song ko, kinikilig talaga ako. Kaya nagpapasalamat talaga ako ka God kasi nakilala kita. Matangkad, gwapo, matalino, masungit minsan, ikaw na talaga ang ideal man ko. Natatandaan ko dati ayaw mong tinatawag na cute kasi pangbata yun kaya gwapo na lang, hahaha childish ka rin pala noh.