Chapter Four

162 2 0
                                    

Chapter Four

Derick's POV

"Hello Airies" sabi ko sa cellphone siyempre kausap ko ngayon ang manager slash best friend ko.

"Wui DJ nagparamdam ka na. Ayos ah. Bilis makamove on? eh dati dati inaabot ka ng isang linggo na hindi magpaparamdam after natin bumisita sa Watty Memorial Park. Oh bakit ka napatawag?"

Tignan mo tong babaeng to ang haba haba ng sinabi, hindi ba pwedeng yung last sentence na lang. Kahit kailan talaga to kung hindi ko lang to best friend nagpalit na ako ng manager.

"I'm going to Yoo International University, do you wanna come with me?"

"uhuh. Don't want to. Busy ako inaayos mga nag-ooffer ng guesting mo. Tatawagan ko na lang si Dae para masahan ka. Since pagmamay-ari nila yung school madali ka na makakapasok dun"

"Ahmm. Alam mo naman na medyo inis ako dun sa babaeng yun eh."

"DJ wala kang magagawa. Siya ang founder ng fans club mo. Kaya pagpasensyahan mo na. Wag mo ipakita sa kanya na naiinis ka dahil baka patalsikin ka non sa school nila"

Haist. Eto na naman kung makapagsermon akala mo nanay ko. Eh sa naiinis nga ako sa babaeng yun anong magagawa ko. Ayoko sa mga babaeng patay  na patay sa akin.

"Okay fine. Sige na mag-aasikaso na ako para makapunta na doon sa YIU."

"Okidoki, Byie DJ!!"

I ended the call. Nag-asikaso na ako at pumunta sa YIU.

Akala ko wala ng masyadong estudyante kasi uwian na pero mali ang inaakala ko. Pagpasok ko ng gate ang daming pang mga estudyante ang nasa school ground. Tanay ko iyon mula sa gate. Binaba ko ang window ko and I ask the guard,

"Manong, san po dito yung Admission Office?"

Nakita ko ang gulat sa mukha nung Guard.

"Ah. Di ba ikaw yung sikat na artista?"

"ah. haha. Oho ko ho iyon."

"Ahhh. Ang admission office ay nandito lang sa ground floor. Lakad ka lang sa corridor ng Main Building makikita mo na yung Admin Office."

"Manong pwede ho bang magpasama? Alam niyo na po baka po kasi dumugin ako. Babayaran ko na lang po kayo"

"Ay naku wag mo na ako bayaran. Ipark mo muna yung sasakyan mo jan. Pre (reffering to the other Guard) ikaw muna dito ha."

Ipinark ko ang sasakyan ko sa malapit lang sa Gate. Sinabayan ako ni Manong na maglakad papuntang Admin Office.

Kitang kita sa mga mukha ng baae ang pagkakilig ng makita nila ako. Pero hindi sila pinapalapit ni Manong.

"Dito din mag-aaral si Derick!? Wow naman dalawa ng artista ang schoolmate natin" narinig kong sabi ng isang babae. Hmm. Sino kaya yung isang artista na sinasabi nila.

Nakarating din kami agad ni Manong sa Admin Office.

"Salamat po Manong"

"Walang anuman Iho :)"

Nginitian ko na lang si Manong at pumasok na ako sa loob ng Admin Office.

"Anong ginagawa mo dito Matthew?"

Andito si Matthew Chan

Ang mahigpit kong kalaban sa showbiz.

"Dito din ako mag-aaral? Bakit natatakot ka ba na matalo kita sa academics?"

"Huh! In your face"

Sabay kaming nag-enroll kahit na puro pagtatalo lang naman ang ginawa namin. Nagulat kami ng may pumasok sa loob ng Admin.

Si Dae ang pumasok at kitang kita sa mukha niya ang pagkabigla ng makita din si Matthew.

Ng mabawi niya yung pagkabigla niya,

"What are you doing here Mr. Matthew Chan?" -_^

Aba at mataray pala tong babaeng to.

Nagtalo pa sila. Hindi ko na inintindi mga pinagsasabi nila kasi hindi din naman ako interesado. Nakalimutan din ata nila na nandito ako kaya..

"ehem"

At tsaka pa lang nila naalala na nandito din ako.

"Oh. Derick I'm sorry"

"It's okay Dae :)"

Nginitian ko na lang siya. Sabi kasi ni Airies magpakabait ako sa kanya eh.

Tinanong nung Admin kung anong ginagawa ni Dae dito aba't sinagot lang ng pabalang. Tsk, nakakainis talaga siya. Hindi ko alam na pati sa mga mas nakakatanda sa kanya ganyan niya kausapin.

Nagpaalam na din si Matthew at sa tingin ko dapat na din na umalis ako.

Nagpaalam na ako sa kanila at talagang sasabayan pa ako ng nakakainis na to. Wala naman akong magawa kasi nga KAILANGAN KONG MAGPAKABAIT SA KANYA -_-

Sa wakas nakarating na din kami sa parking lot. Hay salamat naman at naghiwalay kami ng babaeng yun. Sana hindi ko siya kaklase kasi kung nagkataon araw araw lang akong maiinis at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapagsalitaan siya.

--Author's Note

Ayun ang tagal na nitong nakasave sa cp ko. mga one week, hindi ko pala napublish. hehe.

Best Friend or Lover? (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon