Kabanata 1: Hindi Sapat

24 0 0
                                    

Bakit may mga taong tumatawa kahit nasasaktan na? Bakit kailangan pa magmahal kung masasaktan din lang naman? Bakit pa natin kailangan na mabuhay kung mamamatay din lang?

Ang dami na naman na tanong sa utak ko, mahirap talaga na hindi nakikinig sa professor mo.

"Az, labas tayo after class," bulong ng katabi ko. Sino nga ba 'to? Gab? Gerald? George? Ay ewan. Basta G, ata? "Sorry, busy ako," sagot ko sabay tingin sa libro. Mapagpanggap talaga ako minsan. "Sige na please. Tagal na kitang inaaya eh," pamimilit niya. Tinitigan ko siya, Bakit ko pa nga ba siya tinignan kahit alam ko naman na masisira ng mukha niya ang araw ko?

Tinaas ko ang kamay ko para maagaw ko ang atensyon ng prof ko pero mukhang buong klase naging interesado. "Yes, Ms. Andrade. Why are you raising your hand?," sabi ni Mrs. Muelle. "He told me he can't understand the lesson because you can't explain it well ma'am, i told him i understand it through your explanations but he insisted and he keeps on bugging me. I'm afraid, i will no longer understand our lesson if he keeps on doing what he's doing right now." Gulat ang nakita ko sa mga mukha nila. Bakit pa sila nagulat eh ilang bes ko na 'to nagawa?

"Mr.Macapagal transfer at the back, now!" Sigaw ni Mrs.Muelle. Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko. Panalo na naman ako. At dahil diyan iitutuloy ko na ulit ang pagmumuni-muni ko ng walang panggulo. Finally.

"Az, ano na naman yung pakulo mo kanina?," sabi sa akin ni Jae habang naglalakad kami papuntang car park. Favorite part of the day ko na kasi, uwian. "Ah yun ba? Wala yun, ayoko lang ng may kausap kanina." "Kailan mo ba ginusto na may kausap na ibang tao?," sabay irap niya sa akin. "Alam mo naman pala eh," sagot ko.

"Princess!! Oh god, i missed you!," sigaw niya sabay yakap sa akin. Teka, anong ginagawa niya dito? Humiwalay siya sa yakap nung naramdaman niyang hindi ko naman siya yayakapin.

"Tita lea!!!! Gosh! You look so young!! Kamusta Japan?," sigaw ni Jae. Nakakarindi, magkalapit lang naman nakasigaw pa.

"Ikaw talaga Jae, nambola pa. But, thank you. Hiyang yung beauty ko sa Japan. How are you girls? I missed you both!!!," niyakap niya ulit ako kasama na din sa pagyakap si Jae.

"Gusto ko na umuwi, let's go?" Sabi ko sabay lapit na sa kotse at pumasok sa loob. Sanay na sila sa akin kaya sumunod na lang din silang dalawa.

"By the way tita, bakit hindi niyo pa kasama si mom? She told me, she'll be home soon!," reklamo ni Jae. Bakit pa siya nagtanong eh alam din naman niya ang sagot. "Jae, she still have work to do there, but she'll be home sa makalawa"

"As always. Buti ka pa tita. Az, is so happy to see you tita," sabi ni Jae. Nagsinungaling na naman siya. Tinignan tuloy ako ni Lea.

"Kamusta araw mo anak?," tanong niya.

"Fine," tipid na sagot ko. Nagpatuloy pa sila ng paguusap. Paminsan-minsan sinasali nila ako sa usapan pero nakakatamad naman magsalita kaya panay tango o iling lang ang sagot ko. Sanay na naman sila.

Pagkarating sa bahay, bumaba agad ako ng sasakyan at diretso agad sa loob. "Hi azi, nakauwi ka na pala," bungad sa akin ni ate mabel. Kasambahay namin siya mga 4 taon na din. Tumango lang ako sa kanya at umakyat na sa kwarto ko.

"Ma'am lea!!!!!!!!!," sigaw ni ate mabel. Para namang ang tagal hindi nakauwi ni lea, eh 3 months lang naman siyang nawala.

Sinara ko na agad ang pintuan ng kwarto ko. Buti na lang naisipan ko ipa-sound proof 'to. Kahit papaano matatahimik ako.

Hindi pa ako nakakahiga sa kama, biglang may kumatok na. May respeto naman ako kahit papaano kaya binuksan ko, "bakit?," tanong ko. "Princess, sa labas tayo magdinner. Alam mo na parang welcome party ko," ngiting-ngiti niyang pahayag. "Kayo na lang magaaral ako," sagot ko naman. "Pero princess-" "Bukas na lang, gusto ko magpahinga ngayon," pagputol ko sa kanya. "Sige anak, pahinga ka na tapos bumaba ka na lang if gutom ka na. Yung mga-" "Alam ko, hindi ko kinakalimutan, sige na po," sabu ko sabay sara ng pinto. May respeto naman ako, minsan nga lang. Wag na kayo magtaka.

Akala ko makakapahinga na ako ng bigla naman na tumunog ang telepono sa tabi ko. "Oh bakit?," sabi ko sa kabilang linya. "Princess Azalea Corrine Sy Andrade, bakit mo na naman ginaganun ang nanay mo?" Kumunot naman ang noo ko, "Jaera Marie, ano na naman bang ginawa ko?," tanong ko.

Siya nga ang tumawag, magkatabing kwarto lang naman kami, pero dahil alam niya na ayoko ng istorbo sa kwarto kaya siguro hindi siya pumunta na lang, kahit na nanggugulo din naman siya. "Az, 3 months mo hindi nakita si tita lea, ano ba naman yung pumayag kang lumabas kayo ngayon?," Eto na naman siya nagingialam. "Ang sabi ko bukas na lang di ba?." "Eh bakit bukas pa kung pwede naman ngayon?," tanong niya. "Ang layo ng byahe niya, tapos sinundo niya pa tayo. Hindi ako masamang tao para hindi siya pagpahingahin, sige na. Bye." Kapag nga naman sila ang kasama mo sa bahay, ang hirap magkaroon ng peaceful mind.

Sinubukan kong pumikit at matulog, pero wala. Nawala na yung antok ko. Paano nga ba kami nagkasama-sama sa bahay na ito? At nawala ang munting katahimikan ng buhay ko? Ah oo, naaalala ko na. Bugbog sarado lagi noon si Jae at Tita Jes, nanay niya. Sino pa nga ba ang nambubugbog kung hindi ang tatay niya. Simula pagkabata, magkaklase na kami, matalik na magkaibigan kasi si Lea at Tita Jes. Naalala ko isang araw dumating na lang dito sa bahay si Tita Jes at jae, 10 years old na kami ni Jae nun. Narinig ko, hindi na daw kaya ni Tita Jes ang kasamaan ng asawa niya, kaya simula noon, magkakasama na kami sa iisang bahay. Noon kaming apat lang pero ng lumago ng lumago ang negosyo ng mga nanay namin, naghanap na sila ng makakatulong sa bahay kaya dumating si ate mabel. Yung tatay ni Jae alam ko namatay na. Yung tatay ko? Mahabang kwento.

Pinikit ko ulit ang mga mata ko at sinubukan ulit matulog, tumunog naman ang cellphone ko. Ayaw pa din akong patahimikin ni Jae, nako. Tinignan ko ang cellphone ko, mali pala ako. Si Andrei pala, boyfriend ko.

'Hi. How was your day? I just got home from our practice that's why i'm so tired. Hmmmm...how i wish i could you see you soon my princess'

Matagal ko tinitigan ang text message niya bago ko naisipan sumagot.

'Had a boring day prince. You better rest now, i'll be sleeping as well. Maybe, soon'

Walang nakakaalam na may relasyon kaming dalawa kung hindi kaming dalawa lang. Malapit na din mag-isang taon ang relasyon namin. Sa tagal na yun, 2 beses pa lang kami nagkikita. Yung naging kami at birthday naming dalawa.

Komplikado. Mahabang kwento. Ang daming hindi pwedeng makaalam. Maraming masasaktan. Mahal ko si Andrei, pero hindi pa sapat para mas piliin ko siya.

BakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon