Kabanata 2: Bato

20 0 0
                                    

Bakit pa tayo nakikinig kung hindi din naman natin isasapuso? Bakit salita ng salita kung wala naman nakikinig sayo? Bakit, bakit nagsisimula na naman ako ng mga tanong na bakit? Hay. Kung masamang estudyante ako, natulog na siguro ako. Pero dahil mabait ako, nagtatanong na lang ako sa isip ko.

"Class, get one worksheet now. We'll have your first quiz. As third year college students, I expect a lot from you," sabi ni Mrs. Muelle. Puro daing naman ang mga kaklase ko, sino nga ba ang gusto ng suprised quiz? Tax pa.

Kada tanong ni Mrs.Muelle, puro angal ang naririnig ko. Malamang, hindi nila alam ang sagot. May ibang tumitipa sa calculator, mga mapagpanggap, hindi din naman alam ang sagot. Ako? May sagot ako. Hindi ko lang alam kung tama.

Natapos ang quiz, mukhang stressed ang lahat. Inisip ko na lang uwian na pagkatapos nito, 6pm na din kasi. Friday pa.

"Grabe Az, nararamdaman ko ng zero ako dun," daing sa akin ni Jae habang papunta kaming car park.

"Hindi ka kasi nakikinig." Sagot ko naman.

"Ikaw? Nakikinig ka ba? Hindi din naman," sabay irap niya sa akin.

"Atleast may sagot ako, hindi katulad ng papel mo, dalawa na nga lang sagot, mali pa. 50,000 ang personal exemption at 25,000 naman kada qualified dependent. Baliktad sagot mo di ba?," pang-aasar ko sa kanya.

"Waaaaah! Yun ba yun? Wala! Zero talaga ako," sabi niya habang lukot na lukot ang mukha. Bakit ba siya magpapaapekto dun? Quiz pa lang naman yun.

"Girls! Hi!," bati sa amin ni Lea. Siya na naman ang sumundo sa amin.

"Hi tita! Are we going out tonight? I'm excited!," sabi ni Jae. Ang bilis naman niya makalimutan ang zero exam niya.

"Yup. Di ba princess?," tanong niya sa akin. Tumango na lang ako. Sumakay na kami at dumiretso sa mall. Buffet ang gusto kainan nung dalawa, wala naman ako magawa kung hindi sumama sa kanila.

"Tita grabe, ang sarap lahat ng food dito! Kuha lang ako dun sa side na yun ah, wait." Wala talaga manners tong si Jae. Don't eat when your mouh is full nga di ba.

"So how's your day princess?"

"It's okay," sagot ko kay Lea.

"Kamusta school? I have a friend, yung anak niya accountancy student as well, super stressed daw lagi. Kaya nga I wonder bakit ikaw hindi naman."

"Time management," sabi ko sabay subo ng shrimp.

"Well, and besides , you got my intelligence," sabi niya sabay wink sa akin. Totoo ba 'to? Alam naman ng lahat ng sa tatay ko ang nagmana ng katalinuhan. What a conceited mother.

Maya-maya ay bumalik na si Jae, dala dala ang marami pang pagkain. Patay gutom ba siya?

"The food here is superb. Paguwi ni mom, let's eat here again tita." Sabj ni jae. Tumango naman si Lea at ngiting-ngiti sa kanya.

"I'll go to the restroom," umalis ako agad pagkasabi ko. Sanay na sila dun.

Bakit sa mga kwentong ganito uso ang nagkakabungguan, pati tuloy ako napapagaya. "Ouch!," sigaw ng isang matandang babae. Sa totoo lang nasaktan din ako, di na lang ako nagreact baka masapawan ko siya eh. Ang laki niya kaya. Tinitigan niya ako, tinitigan ko din siya.

"Are you not going to say sorry to me?," sabi niya sa akin.

"Eh kayo po hindi din po ba kayo hihingi ng paumanhin sa akin?," sagot ko naman.

Kumunot ang noo niya at halatang halata mo na galit na siya.

"What's wrong here?," singit naman ng isang babae. Mukhang kasing edad ko lang siya.

BakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon