Kabanata 4: Daya

11 0 0
                                    

"Az, pinagisipan ko mabuti ang tanong ko sayo ha. Sagutin mo naman ng maayos this time."

Sa kasamaang palad, nangungulit na naman si Jae. Parang wala kaming klase eh.

"Gaano na kayo katagal?" Seryosong tanong niya. Yan pala ang pinagisipang mabuti.

"Almost a year...."

"What?! Ganun na katagal! Az! Ano ba pumasok sa isipan mo at sya pa! Alam niya ba?"

"Miss Jaera! What's the problem?!" Sigaw ng prof namin.

"Nothing po."

"Next time, if you don't want to listen, you're free to go!"

"Sorry po" nahihiyang sabi ni Jae.

Pagkaupo tumingin agad sa akin si Jae na parang hindi siya napagalitan at nagaabang pa rin ng kwento ko.

"Jaera, one question one answer per day. Save that for tomorrow or other days."

Pero kilala niyo naman si jae. Nangulit pa din. Pasaway.

***

6:30pm | University of St.Matthew

"Hay nako az, feeling ko talaga wala na akong pag-asa sa subject na yun. Mukhang hindi na tayo magiging classmates next sem. Huhuhuhu"

Paano pagkatapos ng class. Pina-stay yung mga mabababa ang grades sa midterm. At kasama dun si Jae. Finals na lang ang pagasa. Yun nga lang, bad shot pa sya sa prof na yun. Kawawang jae.

"Tatahimik na din ang buhay ko,"

"Sobra ka az. Teka asan na ba si manong tolayts. Wala pa siya dito sa car park"

"Intayin mo na dito, alis na ako"

"Uy teka. Sabay na tayo umuwi. Magtext na lang ako na nauna na tayo. Tara?"

"Jae.... May pupuntahan ako"

Tinignan naman niya ako ng kakaiba.

"Bakit?"

"...one question per day jae..."

"Anak ng...napakadaya talaga! Pero az, gabi na oh, san ka ba pupunta, samahan na kita. Sa malayo ako. Promise"

"Wag na. Kaya ko sarili ko. Umuwi ka na. Sabihin mo kay ate mabel dumaan lang akong bookstore saglit."

"Sige na nga. Ingat ka. Magtext ka ha."

Tumango na lang ako sakanya at umalis na.

"Manong, Christ the King Memorial."

Ito na ang ikatlong sinadya na kita namin pero kung bibilangin lahat, mga sinadya at hindi. Yung tipong ako lang ang nakakakita sa kanya... Madami dami na din, ata.

7:02| CTKM

Wala pa siya dito. Dati rati siya ang nauuna pagnagkikita kami.

Napatingin naman ako sa puntod ni Lola pacing. Nanay ng tatay ko.

'Hi lola. Kamusta na kayo? Pasensya na kung dito kami lagi nagkikita. Pasensya na po talaga. Naiintindihan niyo naman ako di ba?'

Kakausapin ko pa sana si lola ng biglang may yumakap sa akin patalikod. Kahit matagal kaming hindi nagkakasama. Kapag andyan siya, alam na alam ko na agad. Pagmamahal siguro no?

"Sorry i'm late..."

"Wala yun." Humarap na ako sakanya.

Ngiting-ngiti siya ngayon. Ang sarap niya tignan. Paano nga ba dumating ang isang prinsipe sa buhay ko?

"Aren't you happy i'm here? Miss kita. Sobra."

"Masaya ako drei."

"Kahit kailan talaga hindi mo ko tinatawag na prince kapag kaharap mo ako"

"Maiba naman."

Tinitigan niya lang ulit ako at niyakap.

"You don't know how much this means to me, az. Can we stay like this forever?"

"Walang forever drei." Umalis na ako sa yakap niya.

"Why do you want us to meet? Are there any problems?" Tanong ko.

Hinawakan niya ako sa kamay. "Wala.. Gusto ko lang talaga na makita ka habang nasa pilipinas pa ako. Umupo nga muna tayo. By the way, i brought you chocolates, here."

"Thank you. Nagdala ka pa, hindi naman ako mahilig dito"

"I told you, start to like chocolates.. Dahil bubusigin kita sa pagmamahal at chocolates"

"Korni na."

"Na-miss ko yang ngiti na yan. Can i see that smile always?"

"Limited edition"

"Just for me?"

Sa tuwing titingin siya sa akin at nakangiti, parang nahuhulog at nahuhulog ako palagi... Mahal ko nga talaga siya.

"Kamusta ang prinsesa ko?"

"I'm okay drei. Everything is fine.. Ikaw?"

"Everything is ok too. Galit ka pa ba sa akin dahil hindi ko nasabi na uuwi ako?"

"I'm not. I understand"

"Believe me, i wanted to surprise you but it went the other way around."

"Stop explaining, i seriousy get it okay?

"Okay" then he smiled. And then frowned... Anong meron?

"Az, i'm going back to the states anytime soon."

Babalik na pala agad siya. Sabagay ganun naman talaga lagi.

"What's new drei?"

"Tell me to stay, i'll stay..."

Sa tuwing sasabihin niya iyan. Madaming beses ko ng gustong sabihin na, drei...stay for me... But no. I can't do that.

Once in my life i chose to be selfish. My happiness over others... and still choosing to be selfish by being with him. Dadagdagan ko pa ba?

"It's okay drei. You can go back. " Sabay hawak ko sa pisngi niya.

"I'm going to miss you again..."

"Ganun talaga...."

I chose this set up right? Walang puwang sa pagrereklamo.

"One more thing az, can i finally meet your parents? Before i leave. Pati yung dad mo. Where is his grave?"

I stiffened. "Drei... You can't meet my mom. Magagalit siya."

"I have pure intentions here az. Kaya ko ipaglaban sa mom mo ang meron tayo"

Pero ako... Hindi ko kaya....

"I'm sorry drei.." Tumayo na ako at pormang aalis na.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Princess please..."

"Mahal kita, but sorry. I still need time." Gasgas na linya ko sa kwento naming dalawa.

He closed his eyes. Masakit makita na nasasaktan mo siya pero mas masakit lalo na ikaw ang dahilan kung ba't siya nasasaktan ng sobra.

Tumango tango siya at nagmulat ng mga mata. "It's okay princess. I understand."

Unti unti siyang lumapit. Pumikit na lang ako hanggang sa naramdaman ko na ang halik niya.

"Mahal kita." Sabi niya.

"I love you, andrei." Sabi ko.

Then he kissed me again. He deepened the kiss reassuring me how much love he has for me. Kahit alam ko naman.

Sa totoo lang tama ang sabi ni Jae, na madaya ako.

Kasi kahit kelan mukhang hindi ko pipiliin ang taong 'to na mahal na mahal ako. Kahit kelan hindi ko siya kayang mahalin ng higit pa sa pagmamahal niya sa akin.

Madaya ako, alam ko.

BakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon