Adventures at the Devil's Mountain

860 11 2
                                    


Alas diyes pa lamang ng umaga ay nakatirik na ang haring araw at ramdam na ang tig init sa buwan ng abril. Simula na rin ang bakasyon sa mga eskwela maliban sa ilang kolehiyo na tatlong beses ang semester sa isang taon. Sa pinapasukan universidad ni raphie at ng guardians ay tri sem din ang pasukan.


"Ang init!" Sigaw ni raphie habang naglalakad papasok ng campus samantalang naiwan ang apat na sina kisune, yujia, shin at light para ipwesto ang mga sasakyan sa parking lot na may kalayuan mula sa main campus. Kakalabas ko palang ng kotse pero tagaktak na pawis ko. Maya maya ay nasa tabi na niya at kasabay maglakad ang apat. Ang bilis talaga nila kumilos. Napailing na lamang si raphie sa naisip niya.Subalit may napansin si raphie sa apat na kalalakihan na kasabay niya. Hindi man lang pinagpapawisan ang apat, ang cool parin ng lakad, stable breath at ni wala man lang namumuong pawis. "Paanong di kayo apektado ng init?"tanong ni raphie sa apat.


"Is it wierd?" Balik na tanong ni light.


"When you learn high martial arts you will know, raphie" nakangiting sagot ni yujia kay raphie.


Napatango na lamang si raphie at napaisip na kailangan niya rin yun matutunan di pa siya ganun ka bihasa katulad ng guardians niya.


At tulad ng dati eye catcher talaga ang apat na ugok isali mo pa si kyohei. Di pwedeng hindi sila nililingon ng mga estudyante rito kahit mga inosenteng freshmen walang ligtas.


Pagpasok sa loob ng silid ay nagkukumpulan ang mga kaklase niya at ang mga istura nito ay mga seryoso na parang takot? Anong meron?


Sabay na pagupo ng mga ito ay siyang dating rin ng kanilang professor at dali dali na naghiwalay at nagsiupo sa mga kanya kanyan upuan. Tinapik ni raphie ang kaibigan niya na si Anaver at pabulong na tinanong kung ano dahilan ng pagpupulong nila.


"Tungkol sa multo ang pinagkwekwentuhan nila" bulong na tugon ni anaver.


"Hindi pa naman Halloween para magtakutan"


"Ganito kasi yu--" naputol ang pagkwento nito dahil biglaan nagbigay ng exam ang prof nila.


Pauwi na sila ng biglang magsalita si yujia. "May naisip ako!" Sigaw ni yujia at ngiting ngiti sa naisip.


"Ano yun?"


"Since summer na ngayon, why dont we have a weekend vacation?"


"Saan naman?" Tanong ni raphie na mukhang ikinatuwa ang salitang bakasyon dahil ito ang magiging kauna unahan na kasama niya ang guardians niya sa pagbakasyon. Walang misyon, babantayan, lecture, practice basta magsasaya lang sila. "Mamundok" simple at buong buo na sagot ni yujia.


Sa bilis ng pangyayari at kilos ni kisune at light nakita na lamang ni raphie na sabay binigyan ng magkabilaang sampal (o suntok) sa pisngi si yujia habang pigil naman ang tawa ni shin.


"What's that for?!" Gulat na tanong ni yujia. Di man lang ininda ang sakit sa pisngi (immune na, alam na XD ).


"Tsk."sabay tingin ng matalim kay yujia ni light.


"Pffft." Lalong pagpipigil ni shin tumawa dahil sa inakto ni Yujia sabay kunot noo nito.


Nakita ni Yujia ang pagpigil tawa ni shin at sinabing "Itawa mo yan shin"


"Hahhaha!" Sabay na tawa ni shin at Raphie.


"Pambihira ka Yujia, bakit bundok eh di ba dapat mag swmming dahil mainit." Tugon ni Kisune. Napasukan ata ng init ang utak ng isang to.


"Eh hindi pa kasi ako tapos mayroon naman mga falls doon hindi ba tska ilog mas refreshing pa." Buong sigla na sagot ni yujia.


"Ayusin mo kasi, lulusot ka pa eh haha" sabat ni shin.

Not So Ordinary Daily LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon