Chapter 53
Parehas busy si Yssah at Patrick malapit na ang prelims nila kaya mas kailangan nilang mag aral~
nasa library si Yssah at seryosong nag aaral ngbiglang dumating si Gino..
"wui!"
"aii ano ba?!"
"init agad ng ulo mo"
"hindi mainit ang ulo ko nag aaral kasi ako.. malapit na ang prelims.. mag aral ka din kaya"
"nag aaral din ako noh.." then ipinakita niya kay Yssah ang mga librong hawak niya..
"ilayo mo nga sakin ang mga librong yan.. sumasakit ulo ko jan" puro kasi math books ang hawak ni Gino
"ito naman.. tara kain tayo"
"ayaw ko.."
"diet? ang payat payat mo na mag da-diet ka pa"
"tigilan mo ako hindi nakakatawa"
"well i'm not making you laugh.. i'm asking you if you want to grab something to eat.. with.. me?"
"busy pa ko" binalik ni Yssah ang atensyon niya sa binabasa niyang libro.
Kinuha ni Gino ang librong binabasa ni Yssah.. "Gino ano ba.. akin na nga yan!" kinukuha ni Yssah ang libro pero inilalayo ito ni Gino
"Gino!!" sigaw ni Yssah
"samahan mo muna ako mag snack"
"maghanap ka ng pwede mong guluhin wag ako.."
"ikaw nga ang gusto ko"
natigilan si Yssah..
"Ikaw ang gusto kong guluhin.."
"a-ahh.. tss. akin na nga sabi eh!"
"excuse me but both of you are disturbing the students in here.. if you want to talk you better go out" sita ng librarian
Inis na kinuha ni Yssah ang libro niya kay Gino at nag lakad palabas ng Library sumunod naman sakanya si Gino..
"hoi Yssah wait lang"
"ano ba Gino? sabi ko naman sayo busy ako.. sumasakit na ulo ko dadagdagan mo pa" iritang sabi ni Yssah
Yumuko si Gino
"Sorry sa pagiging makulit ko. Sige next time na lang" tumalikod na si Gino para umalis na
"G-Gino!" lumingon sakanya si Gino "A-ahh ano.. sorry, tara samahan na kita mag snack"
Lumapad ang ngiti ni Gino at nag lakad palapit kay Yssah kinuha niya ang mga libro na dala ni Yssah at sabay na silang pumunta sa canteen at dahil si Gino ang nag ayang kumain siya ang nanlibre kay Yssah..
"thanks" sabi ni Yssah ng binigyan siya ni Gino ng milktea at cupcake
"Kainin mo yan ha, sabihin mo sakin pag kulang pa yan bibili na lang ako ulit"
"okay na to"
"sabi ko sayo ngumiti ka diba? di bagay sayo ang ganyang mukha hahaha"
"eh kasi nahihirapan ako mag aral"
"wow! si Yssah Velasco? ang valedictorian ng school nila noong highschool nahihirapan sa studies niya?"
"iba naman kasi pag highschool at college noh tsaka math to, kahit kelan hindi kami nag kasundo ng mathematics na yan.. bakit ba kasi may math pa ang course ko? anong gagawin ko sa math na yan? anong kinalaman niyan sa tourism course?" yumuko si Yssah at umubob sa mesa
BINABASA MO ANG
I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)
Teen FictionContinuation po ito ng gawa ni ms. iloveyouforyouu :)