Alam mo yung feeling na,alam mong mali pero ginagawa mo parin.Yung kaya mong gawin lahat ng mali para sayo,para lang mapatunayan ang salitang LOYALTY.Kahit sobrang labag sa loob mo,tinatanggap mo nalang para sa ikabubuti ng lahat.Yan ang feeling ng isang Ayanna Chlea Maraquez.Ang maging ako ay sobrang hirap,super!Imagine,a kind-hearted person like me haunts and kill innocent people,just for loyalty.
Yes,I work for a dark organization.Sa organization namin,if you have the money,you have the power to kill.It is what it is.To further explain it to you,ang organization namin ay nag ha-hunt at pumapatay ng tao,inosente man o hinde.May apat na pangunahing sections ang dark organization namin.Seekers,Disposers,Hunters,at Settlers.
Seekers, sila ang naghahanap ng full data about sa Prey.Settlers,they are the ones who kill,but how they kill the Prey depends on the client,pwedeng request or random.Disposers,sila ang naglilinis ng trabaho,kailangan nilang masiguradong walang makikitang bakas na ang organization namin ang may gawa ng pagpatay.Hunters,thats where i belong, we do the heavy job,we pick up the Prey.Mabigat ang trabaho depende sa status ng Prey mas makapanyarihan ang Prey mas mahirap kunin.Sumabak kami sa heavy training bago maging isang ganap na Hunter.
"A?" Napaayos naman ako ng upo at nagpahid ng luha,yes,umiiyak ako.Nakaupo ako sa sofa ng Quarters naming mga hunter.Di ko siya nilingon.
"Ayanna,pasensya na nga pala kay Micah kanina,di ko inaasahang gagawin niya yun"Umupo siya sa tabi ko.Bakas sa boses niya ang sincerity.Tumingin ako sa kanya at tinitigan siya sa mata.Agad naman siyang nag iwas ng tingin.
"Okay na ako.Nangyari na ang mga nangyari"Tumayo ako at akmang aalis na ng hawakan niya ang pulso ko.
"I know how much you hated me for not stopping Micah,pero kailangan mo nang magising sa realidad Ayanna,hindi pwedeng lagi mo nalang itong tinitignan.Balang araw,magiging parte ka rin nito,sa ayaw at sa gusto mo"Napabunting hininga nalang ako.I know Celestine,I know.Kinuha ko ang kamay ko at tuluyan ng umalis sa Quarters.
Naglalakad lang ako ngayon sa hallway,balak ko sanang pumunta sa gym kaso biglang umayaw ang katawan ko.Kaya eto ako ngayon,di alam kung saan papunta.Napahinto ako ng may marinig akong mabilis sa tapak ng paa,may tumatakbo at papunta yung sa direksyon ko.
Lumingon ako para makita kung sino yon at isang Middle class na lalake ang tumamambad sa akin.Paano ko nalaman?Sa Bracelet niya,kulay blue eh.May tatlong class kasi dito,First class,mga age 7-12 sila ay mga batang tine-train para paglaki nila,magiging katulad rin namin sila.Kung iisipin niyo na masyado pa silang bata,nagkakamali kayo.Marunong at magaling na sila sa hand to hand combat.Middle class,ages 13-17,teenagers kung baga.Lahat sila ay nagtra-training para sa iisang layunin,ang pumatay.
Ang Huli naman ay High Class.Kung iniisip niyo na nasa High class ako,Oo.Pero seventeen palang ako.Paano ako napunta sa High class?Its a long story.Ang High class ay ang pinakamataas dahil sila na ang gumagawa ng mismong operation.Kung tutuosin,20-30 years old ang mga nasa High class.Ako lang ang pinakabata.Bago ka maging isang high class,bibigyan ka nila ng 3 Taon para mag train sa ibang bansa.At ang pagbabalik mo dito sa Pinas ay hudyat ng pagsisimula ng iyong trabaho.
"A-Ahhh Miss.A-Ayanna pinapatawag p-po kayo n-ni M-master" Nagbalik sa earth ang utak ko ng biglang nagsalita ang lalake sa harap ko.Tinitigan ko siya at biglang nag tama ang aming mga mata.Naramdaman ko sa kanya ang takot.Bakit siya natatakot sakin?.
"Sige.Salamat"Sabi ko sabay ngiti na dahilan para magkasalubong ang mga kilay niya.Teka?Bat ba siya nagugulat sa ngiti ko?!
Di ko nalang siya pinansin at umalis na.
Hayss...Eto nanaman kami.Ano nanaman ba ang ipapagawa ng Demonyong yon saken.Matagal tagal narin kasi mula nang huli kami mag kausap.Malamang importante tong paguusapan namin.
After 5 mins. Nandito na ako sa harap ng malaking double doors ng office ni 'Master'.Huminga muna ako ng malalalim bago ako pumasok.
Here we go...
YOU ARE READING
Enemies
Science FictionWe started as enemies and ended as lovers. I am Ayanna Chlea Maraquez....................Your worst enemy.