#Fear 39: VEMUS

3.6K 95 17
                                    

#Fear 39: VEMUS


(  ̄ー ̄)φ__

Hindi maipinta ang mukha niya nang mapansin niya ang paglapit ng kanyang ama. Nakaupo siya sa gilid ng kama sa kwarto niya. Ilang araw na siyang hindi lumalabas doon.


"Masama pa rin ang loob mo?" Huminto ang kanyang ama sa harap niya.

Hindi siya umimik at sa halip ay ipinako na lang niya ang tingin niya sa cellphone niya. Naglalaro siya ng isang sniper game.

"Hindi mo pa rin natatanggap?" Tanong pa nito.

"Tanggap." Maikli at malamig niyang tugon habang hindi pa rin tumitingin sa ama niya.

"Oh, bakit ganyan ka pa rin?"

"Iwan niyo na'ko." Huminto siya sa pagkalikot ng phone niya at tinitigan niya nang matalim ang ama niya.

Nagsalubong ang mga kilay nito sa nakita.

"Don't stare at me like that, Kel." Sumeryoso rin ang mukha nito.

"Susundin niyo rin ba ako kapag sinabi kong wag niyong ituloy yung kontrata?" Napakuyom siya habang nilalakasan ang loob niya. Anumang oras ay pwedeng-pwede siyang sampalin o suntukin ng kanyang ama dahil sa pagsagot niya dito.

"For God's sake, Kel! Ilang beses pa ba nating dapat pagtalunan 'to?" Nagsalubong ang mga kilay nito at humalukipkip ito sa harap niya.

"Hanggang sa maintindihan niyo ako, dad." Pagmamatigas niya. "Bakit mo siya ipapakasal kay JX? Bakit hindi sa'kin? Bakit, dad?" Nagtagis ang bagang niya.

"Dahil si Xevian ang mahal niya, naiintindihan mo ba?!" Bulyaw nito sabay hilamos ng sariling palad sa sariling mukha. "Si Xevian ang gusto niya at hindi ikaw! Ayokong maging unfair sa kanya!"

"Pero unfair ka sa'kin! Unfair ka kay JX at unfair ka kay Devika—"

"Don't you fcking dare mention that girl's name in front of me!" Pinandilatan siya nito at dinuro. "She's dead and she has nothing to do with us anymore! At alam mo ring siya ang rason kung bakit ko ipapakasal si Xenzel kay Xevian! Para makapagmove on na ang kapatid mo!"

"Okay." Nagtimpi na lang siya't yumuko. Ayaw niyang magkasigawan pa sila.

"Please, Kel. Hayaan mo na lang sila. Maghanap ka na lang ng iba."


Tila pinukpok ni Thor ng hammer yung dibdib niya sa narinig niya. Hindi niya alam kung paano niya gagawin yun.


Hindi niya alam kung paano niya papalitan si Xenzel.


"Okay."










Xenzel's POV

"Kung ayaw mong makitang nakatingin sila sa'yo, edi ipikit mo mga mata mo." Malamig na pambabara ni Zypher sa'kin.

Naglalakad kami ngayon palabas sa Seriun. Kanina pa'ko naiilang kasi lahat talaga ng schoolmates naming nadadaanan namin ay nakalingon at nakatitig sa'min. Yung iba mukhang masaya habang yung iba naman halatang bitter.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon