Chapter 13
//
Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa niya sa sinigang ko.
“ Ugh! Umuwi ka na nga lang. Wala na tayong kakainin. “ sabi ko.
“ Edi tara sa labas. My treat. “ yaya niya. Wala naman akong choice kaya pumayag na ako.
Pumunta kami sa seven eleven para dun bumili ng pagkain. Nag-hotdog bun na lang kaming dalawa at kumain sa table sa labas.
“ Tignan mo. Mas masarap sana kung ‘yung sinigang ang kinakain natin ngayon. “ sabi ko sa kaniya.
“ Sorry na nga kase. “ sabi niya.
Tapos kumagat ulit ako sa hotdog bun ko. Magkaharapan kaming dalawa. May mga tao sa kalsada pero kakaunti na lang. Mga 8pm na din naman kasi.
“ Eunice. “ boses ng isang lalaki. Pareho kaming napatingin ni Adrian sa tumawag sakin.
Pagkaangat na pagkaangat ng ulo ko, si Zen ang nakita ko.
“ He-hello. “ pagkasabi ko nun ay yumuko na lang ako. Hindi padin naaalis sakin lahat ng mga nangyari last week. Yung nag-aminan kami ng feelings sa roof top. Yung mahal niya ako pero dahil sa hindi ko naman daw napapnsin yung nararamdaman niya, pinilit niyang kalimutan ‘toh sa pamamagitan ni Cloe. Lalong hindi ko makakalimutan ‘yung pangyayari sa ospital. Yung ako ang nandun sa tabi niya, pero si Cloe ang hinahanap niya. Masakit padin hanggang ngayon. Kumikirot kirot pa yung puso ko.
“ Ba-bakit kasama mo ‘toh? “ tanong ni Zen.
Hindi ako sumagot. Tumayo ako at hinila si Adrian palayo. I don’t want to talk to him. I don’t want to see him. Gusto ko muna kalimutan lahat lahat ng nararamdaman ko.
“ Akala ko ba kaibigan mo ‘yun? “ tanong ni Adrian.
“ Ihatid mo na lang ako. I don’t want to talk about him. “ sagot ko sa kaniya.
“Hindi kita ihahatid hangga’t di mo sinasagot ‘yung tanong ko. “ banta niya.
“ Haaay! Oo na nga! “ sabay hinatak ko siya para umupo sa bench sa gilid ng daan.
“ Ganto kasi yun... “ kinwento ko lahat lahat. Hindi ko nafeel yung kaba na baka sabihin niya sa iba ‘yung nararamdaman ko. Ewan ko ba, pero nagiging komportable na ko sa kaniya.
“ Tara! Balikan natin! Uupakan ko! “ sabay tayo niya.
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED