Calypso's POV
"AAAAAAHHHHH!!"-sigaw ko at napaupo ng di oras.
Bigla naman ako nakarinig na footsteps na papunta sa kuwarto ko at bigla naman pumasok si Manang Faye.
"Anong nangyari sayo nak?!"-nagpapanic na tanong ni Manang Faye
"Panaginip lang yun?"-pabulong na tanong ko sa sarili ko.
"Ano? Anong sabi mo?"-tanong sakin ni Manang Faye
"Panaginip lang! Thank you lord! Thank you Manang!"-tumalon talon ako sa kama ko at kiniss yung cheek ni Manang Faye.
"Naku kang bata ka akala ko may nangyari na sayo."-sabi ni Manang at nagsigh of relief.
"Uy rebound! Ang ingay mo! Natutulog ako eh!"-sabi ni Jungkook habang nakatayo siya sa doorstep ng kwarto ko at ginulo ang buhok niya.
Nakatayo lang ako sa kama ko. Kinuha ko yung unan ko at binato kay Jungkook ito. "Rebound?! Bullshit ka ha?! May pangalan ako noh!"-sabi ko sakaniya.
Kinuha naman niya yung unan na tumama sa mukha niya at nahulog sa sahig tapos pumunta at tumayo siya sa harapan ko. "Ang aga aga nagmumura ka. Hala you! Tsk tsk tsk."-sabi niya with matching iling iling pa.
"Eh bakit mo naman kasi ako tinawag na rebound?"-tanong ko sakaniya at nagindian seat sa kama ko.
"Malilimutin ka na talaga bes! Mas matalas pa ang memory ni Manang kesa sayo eh!"-sabi niya sakin at tinuro si Manang.
"Luh! Wag niyo ko isali sa mga kalokohan niyo."-sabi samin ni Manang Faye at kumuha ng notebook sa table ko.
"At kayong mga bata kayo," sabi niya at pinag hahampas niya kami ni Jungkook gamit yung notebook. "Wag na wag kayong magmumura! Sinabi ko na yan sainyo diba?!"-sabi ni Manang habang pinaghahampas padin kami
"Eh Manang--o-oow! Di naman ako nagmura ha?!"-sabi ni Jungkook habang tinatry umilag sa mga hampas ni Manang.
"Kahit na! Maraming beses ka na nagmura. Akala mo hindi ko alam yun?! Ang kulit niyong mga bata kayo!"-sabi ni Manang at tumigil na sa paghahampas samin pero piningot naman niya kami sa tenga.
"Wag na wag kong maririnig na magmumura pa kayo! Naiintindihan niyo?"-ma-authoridad niyang sabi samin
"O-opo Manang!"-sabay namin sabi ni Jungkook.
"Mabuti naman" tumigil na siya sa pagpingot at tumayo ng maayos. "May pagkain na sa baba. Nandun nadin sila Nana. Kumain na kayo okay?"-sabi samin ni Manang ng mahinhin
"O-opo manang"-sabi naming dalawa ni Jungkook habang hawak-hawak namin yung tenga na piningot samin ni Manang.
Bumaba na kami kasabay ni Manang at kumain na. Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa sala para manood ng TV.
"Uy bes, rebound mo ba talaga ako?"-hindi makapaniwalang tanong ko kay Jungkook.
"Oo nga bes. Um-oo ka kaya."-sabi niya naman sakin habang nakatingin lang siya sa TV.
Tumingin na lang ako sa TV pero ang utak ko ay iniisip pa din kung paano ako naging rebound ni Jungkook.
Flashback
"Can you be my rebound?"-tanong ni Jungkook sakin.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Jungkook kaya napagisipan ko na palitan ang subject ng pinaguusapan namin.
"A-ahh tapos ka na ba sa homework natin? Di ko kasi maalala kung nagawa ko na ba o hindi eh. Hehehehe." Sabi ko at kinamot ang batok ko.
"Sagutin mo naman ako bes."-sabi ni Jungkook. Halatang hindi nagbibiro si Jungkook dahil sa tono ng boses niya.
"Okay lang naman kung ayaw mo eh."-sabi ni Jungkook at nagswing na lang habang nakayuko.
Tumayo ako sa harapan ni Jungkook. Napatingin naman si Jungkook sa harapan niya. "Gusto mo ba na maging rebound mo ko?"-tanong ko kay Jungkook.
"Oo. Pero kung aya--"
"Sige."-sabi ko sakaniya na nagpalaki sa mata niya..
"Ano?"-gulat na tanong niya sakin.
"Sabi ko sige. From now on, rebound mo na ko."-sabi ko kay Jungkook at pinatayo siya. Niyaya ko na si Jungkook umuwi at dahil late na at kaylangan pa naming matulog.
End of Flashback
"Oh mah holy--"-Di ko palang natutuloy yung sasabihin ay tumingin na sila Suzy, Kez, Nana, at Jungkook sa akin.
"Try mo lang ituloy, malalagot ka samin."-Sabi naman ni Nana sakin na may pagkacold expression pa.
"Line ko yun eh!"-Pasigaw naman na sabi ni Jungkook. Nagdadabog pa na parang bata.
"Di ko na nga natuloy oh! Paeps kasi kayo eh!"-Pasigaw ko naman na sinabi sakanila.
Nang tumahimik na kaming lahat at nanonood na lang, bigla naman bumulong si Jungkook saakin.
"Naalala mo na ba?"-Bulong niya sakin at nag smirk pa ang gag*
"Hindi naman po ako mapapamura kung hindi ko naalala diba?"-Bulong ko naman sa kanya na may pagkasarcastic pa ang dating.
Buset naman oh! Sa dinami-rami ng tao, bakit tong lalaking toh ang magrerebound sakin?! Si ex crush pa talaga! Buset!
Lumapit naman ako sakaniya "May topak lang ako kahapon kaya nasabi ko sayo na magiging rebound mo ko. Pero di totoo lahat ng sinabi ko kahapon ha? Wag ka maniniwala dun. Di ko nga kilala kung sino yung kausap mo kahapon eh. Baka nasaniban ako ng multo tapos sinabi sayo na magiging rebound mo ko. Pinaprank ka lang nung multo na sumanib sakin kahapon."-bulong ko sakaniya at tumawa naman siya ng sobrang lakas kaya napatingin sila samin ni Jungkook.
"Mukha kang baliw alam mo yun? Anong hindi ikaw ang kausap ko kahapon? Eh halatang halata naman na ikaw ang kausap ko eh!"-Sabi naman ni Jungkook sakin na naging dahilan ng pagbatok ko sakaniya.
"Di kaya! Multo kausap mo kagabi noh!"-sigaw ko sakaniya kaya nakatingin lang sila Nana saamin.
"Wait nga lang! Ang gulo niyo ha! Ano ba kasing nangyari kagabi at sobra kang magreact diyan Cal?"-tanong naman samin ni Kez.
Kinuwento naman namin sakanilang tatlo kung anong nangyari kagabi. Ang reaksyon naman nila:
"HAHAHAHAHAHA! Buset! Hahahaha!!"-tawa naman nilang tatlo
"Mga bastos! Wala namang nakakatawa dun ha!"-pagmamaktol ko sakanila.
"Ehh katawa ka kaya! Ikaw na nga mismo nagsabi kay Wangko na "Sige, from now on, rebound mo na ko" tapos ikaw pa tong nagsasabi na multo kausap niya kahapon. Ano yun? May third eye si Jungkook?"-sabi naman ni Suzy habang tawang tawa pa din silang tatlo pati si Jungkook.
"Eh kasi..."-sabi ko naman na wala na kong maisip na sabihin sakanila
"Yan kasi. Pa-sige sige ka pa diyan. Yan tuloy. Tsk tsk tsk"-pa-iling iling pa na sabi ni Nana sakin.
"Panindigan mo yan! Diba sabi mo na you're a woman of your word?"-sabi naman sakin ni Kez
"Oo na! Paninindigan ko na yung sinabi ko!"-sigaw ko sakanila. Wala eh. Talo na ko ㅠ.ㅠ
So, I'm officially stating that I, Calypso Jade Hernandez, is a rebound of Jeon Jungkook.
ㅠ.ㅠ

BINABASA MO ANG
Just A Rebound [BTS FanFic]
RomanceKaya mo bang maging rebound ng taong mahal mo para lang matanggal na yung sakit na ipinaramdam sakaniya ng taong mahal na mahal niya? Kasi ako, kaya ko kahit na sobra sobra akong nasasaktan. Hi, i'm Calypso Jade Hernandez. And you're about to read a...