CHAPTER 8-MAFIA MASTER

15 3 0
                                    

HENRY POV
Matapos marinig ang mga kwento ni Raffael nagtataka ako paano nya nalusutan kung sobrang daming bantay

Ganon ba sya ka bilis kumilos at pati sandamakmak na bantay nagawa nyang lusutan

Nag buntong hininga si Venice at humarap sa amin

"Kailangan nyong sumama sa akin"Sabi nya sabay lingon sa akin"Hindi biro ang binangga mong grupo"Venice

At naglakad na sya pa alis ,hinila naman ako ng barkada pasunod kay Venice

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanila

"Sa Hideout"Harley

Nagulat ako sa sinabi ni Harley

"Teka gangster kayo?"tanong ko

"Hindi ah"sabay sabay nilang sagot

Eh kung ganon bakit may Hideout

"Eh ano?"tanong ko

"Mafia"Vinly na parang yun ang pinaka ordinaryong salita para sa kanya

Halos mamutla naman ako

"T---teka s..sino ang kasali sa mafia"kinakabahang tanong ko

"si Venice"Sandy

Paglabas namin ng school may sumalubong sa aming men in black ,agad naman akong na alarma kasi nakikita ko ang mga baril na nakasabit sa bewang nila

Nung nakalapit kami agad naman silang nag bow

"Maam , Sir kami po ang pinadala ni Master para sumundo sainyo"sabi nila habang pinag bubuksan kami ng pinto ng kotse

"Teka sinong master?"tnong ko

"Ano ka ba si Venice ang nag hahandel ng Mercado Mafia"Biel

Kung kanina halos mamutla ako sa nalaman kong kasali sya sa Mafia ngayon halos takasan ako ng ulirat malaman mong sya ang namumuno sa nakakatakot na grupong ito

Bumaba kami sa isang mansion,hindi ganito ang ine-expect ko
Ang akala ko ibababa kami sa isang abandonadong gusali,warehouse o di kaya malaki at nakakatakot na gate at bahay ang sasalubong sa akin

Pero ito mukhang homey,pag pasok namin para lang syang bahay pero napakaraming kwarto

Kada kwarto may label,may hacking,tracking,invention,interogation,etc. Rooms

Pumasok kami sa isang office ,ang una mo agad mapapansin maraming librong tungkol sa bussines

Pero ang naka agaw ng pansin ko ang nag iisang frame doon para syang pamily picture pero wala ang tatay

Nakaupo sa gitna ang isang maganda na babae na walang bakas ng katandaan dito pero sa tingin ko sya ang nanay ,ang isa sa tingin ko ay 13 years old ang babaeng naka pulang bestida medyo pamilyar ang mukha nya,at ang huli ay ang dalawang bata na isang lalaki at babae siguro limang taon palang sila.

"Ah picture yan ng pamilya ni Venice ,mama nya yung naka upo sa gitna,Sya naman ang nakapulang bestida at yung kambal naman ay si Veronica at Vince"Sabat ni Troy

"Troy?"nagtatakang tanong ko paano sya makakapunta dito eh dinaman namin sya kasama kanina

"Ah kung nag tataka ka kung bakit ako nandito, ako ang right hand nya"sabi ni Troy

So! Sa mafia pala sya nila Venice nagtatrabaho

"Asan mga pala ang Daddy ni Venice?"tanong ko

"Ah yon ba naku nandoon na naman yon sa pam---"Troy

Naputol ang sasabihin ni Troy dahil isang sigaw ang umalingawngaw.

THE GIRL HAS A LOT OF PERSONALITIESWhere stories live. Discover now