Stephanie's POV
Kakatapos lang ng klase namin. Madami kaming assignments kaya sobrang pagod na talaga ako. Napag-isipan ko na manuod na lang ng bagong season ng Kuroko. Kakalabas lang kasi nung season 3 last week kaso wala akong oras para panuorin yun.
Si Kuroko nga pala yung crush ko. Yes, fictional crush lang kasi sila hindi ako sasaktan. Palagi nila akong pinapasaya, hanggang sa panaginip. Tapos nakaka-
"Stephy! Male-late na tayo! Tapos ka na ba o natulala ka na diyan kakaisip sa Kuroko mo?"
Tinatawag na pala ako ng bestfriend kong si Rosemarie Sy. Bata pa lang kami palagi na kaming magkasama. Half-chinese at half-filipina si Rose. Sa tagal naming magkakilala, kahit siguro ginagawa ko sa banyo, napapanaginipan ko at iba pa ay alam niya palagi-
"Stephy!" pagtawag muli sakin ni Rose.
"Pababa na!"
***
Pagdating namin dito sa mall kaagad akong dumiretso sa stall ng mga magazines imbes na tulungan si Rose sa pamimili ng gamit niya.
"Woaaah! Ang cool ng cover! Ang ganda!"
"Uhmm, miss bibilhin mo ba yung otakuzine?" biglang nagsalita yung lalaki sa tabi ko.
Tsaka ko lang napansin na kanina pa pala siya nakatitig dun sa otakuzine na hawak ko. Mukhang sobrang interesado siyang bilhin yun. Pero... Pero...
"Miss?" muling nagsalita yung lalake sa tabi ko.
"Ahh... Hehe... Kasi..."
Hindi ko alam yung isasagot ko kasi gusto ko ding bilhin yung otakuzine.
"Bibilhin mo ba o hindi?" muling nagtanong si kuyang gusto ding bilhin yung otakuzine.
Hindi na ko nakasagot. Bigla na lang akong tumakbo palayo kay kuya dala-dala yung otakuzine.
"Miss! Miss! Kailangan ko yan!"
Sumigaw ng sumigaw si kuya pero wala akong pake. Waaaah! Akin 'tong otakuzine.
"Stephy, bakit ka tumatakbo? Bibilhin mo yang otakuzine?" tanong ni Rose nang makita niya akong hinihingal.
Tiningnan ko na lang si Rose. Alam niyang hindi ko kayang iiwan 'to pero...
"Sige na nga bilhin na natin yan. Tumakbo ka pa talaga ha?" sabi niya habang kinukuha yung otakuzine.
Pumunta na kami sa may counter para bayaran yung mga pinamili namin.
Pagkatapos namin magbayad may narinig akong pamilyar na boses ang sumisigaw.
"Miss! Miss!"
Napalingon at nang makita ko kung sino yun...
"ROSE TAKBO!"
"Teka! Teka! Bakit yun Stephy?"
Wala ng magawa si Rose kung hindi ang sumunod. Waaah! Sorry talaga.
Tyron's POV
"Kuya! Kuya! Bili mo po ako ng magazine ng Princess? Please?" pagmamakaawa ni Lauren sa akin.
Si Lauren yung nakakabatang kapatid ko. Sobrang cute niya kaya ayun, ang hirap tanggihan.
"Saan ba yun mabibili baby Lauren?"
"Sa mall po. Sa stall ng magazines." malambing na sagot nito.
Malamang dun ko nga makita. Ang tanga ko naman. Hahaha. Hahanapin ko na nga lang.
**
BINABASA MO ANG
It Started With A TRUTH OR DARE?
RomanceMeet Sapphire Heather isang babae na in-CRUSH kay Ashton Travis :) M.U is their status and yeah it's COMPLICATED!!! Kasi pano kung inlove ka sa isang gwapo tapos malaman laman mo na lang M.U kayo tapos bigla siyang mawawala at sa future isa na siyan...