Continuation...
"Rich! Rich!!"
Nagulat si Rachel at Richard ng may biglang sumulpot na isang lalaki at may hostage na babae.
"Roxy!!"
"Well, well, well, tamang-tama naman pala ang dating ko. May pulis, may hostage, nandito ang may-ari, at ako. Naks! Kumpleto tayo!"
"Bitawan mo siya... wag mong sasaktan si Roxy!"
Pinipilit ni Richard na kumalma.
"Rich..."
Umiiyak na si Roxy habang nakatutok sa kanya ang baril ng hostage taker.
Nakikita naman ni Rachel kung paano mag-alala si Rich sa babaeng nasa harapan nila ngayon.
(Rachel ano ba! Hindi ito ang tamang panahon sa selos mo! Wala kang karapatan!!)
"Boss... madadaan naman to sa maayos na usapan. Wag mong sayangin ang buhay mo."
Marahang pakiusap ni Rachel sa hostage taker at dahan-dahang nilapitan.
"Pwede ba! Lumang style na yan! Usapan-usapan ka dyan! Kayong mga Gomez ang may kasalanan nito! *tutok ng baril kay Richard* Kayo ang dapat kinukulong at binubulok sa kulungan! Mga sakim!"
Nanggigil na ang hostage taker at pinapapalit-palit ang baril niyang hawak kay Roxy, Richard at Rachel.
"A-ano bang atraso namin sa'yo? Sa inyo?" Richard
"Namatay ang mga magulang ko dahil sa inyo! Pinatay niyo sila!"
Umiiyak na ang suspek at unti-unting nagkwento.
Nakatyempo naman si Rachel kaya sinunggaban niya ang suspek at nabitawan nito si Roxy.
Tumakbo agad si Roxy kay Richard na umiiyak.
"Rich! Rich... *iyak*"
Higpit ng yakap ni Roxy kay Richard at eto namang si Richard nakayakap din kay Roxy.
Nang maposasan na ni Rachel ang suspek, nakita niya ang dalawa sa magkayakap na position.
(Shet, Rachel! Di ka na dapat nasasaktan sa kanya!)
"Uhhh..."
Di alam ni Rachel ang sasabihin niya.
(Mga mahaharot! Parang walang tao dito kung maglampungan!)
"Uhhh... ilalabas ko na to!"
Di makatingin si Rachel sa dalawa kaya agad na siyang lumabas ng building habang hawak-hawak niya ang suspek.
Kasunod nilang lumabas si Richard at Roxy na hanggang ngayon ay magkayakap pa rin. Sinalubong sila ng mga empleyado sa labas. At diniretso na si Roxy sa ospital. Naiwan naman si Richard.
"Good job, SPO4 Rachel! Good job!"
Bati naman ng chief nila Rachel.
Nakita ito ni Richard at balak niya sanang puntahan si Rachel para sana magpasalamat... yun lang ba talaga?
Pupunta na sana siya ng makita niya ang isang lalaki na niyakap si Rachel. Naka-uniform din itong pampulis.
Automatic na nagclose ang fists niya at nagngangalit.
"Rach!"
"Ian!"
Niyakap agad nito si Rachel.
"Okay ka lang? Di ka ba nasaktan?"
"*natawa* OA! Di noh. Ako pa?"
They both laughed.
"Alalang-alala tong si Ian sa'yo Rachel! Alam mo bang halos mamatay na sa sobrang kaba to kanina? Tsk. Bakit di mo pa kasi sagutin?"
Tukso naman ng isa pa nilang kasamahan...
Natawa na lang si Rachel.
"Oh pano ba yan? This calls for a celebration?"
"Call!"
Nakatitig lang si Richard sa dalawa habang nagpipigil ng selos.
Mas lalo pa nang akbayan nito si Rachel paalis at sumakay na sa police mobile nito. Gustung-gusto niyang sundan. Pero ano nga bang karapatan niya?
