𝚝𝚠𝚎𝚗𝚝𝚢 - 𝚘𝚗𝚎

230 8 0
                                    

┗━━━━━━━ dee ━━━━━━━┓

𝚊𝚞𝚐𝚞𝚜𝚝 𝟸𝟼, 𝚜𝚞𝚗𝚍𝚊𝚢, 𝟷:𝟹𝟶 𝚊.𝚖.

I felt like a cornered stupid character in a horror movie who was about to die, and Zach looked like the killer who was ready to cut my head open with an axe.

I did not move an inch. Parang na-estatwa na ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maisip kung paano niya ako nahanap dito. But then I realized na if palabas ka ng subdivision from our area, madadaanan mo talaga 'to. I did not think of that sooner.

Nakatitig lang siya sa akin. Gusto ko siyang itulak pero pagod na rin ako. Ang bigat ng mga dala ko. Ang sakit ng sugat ko. All I wanted to do was crawl into my bed and fall asleep.

"Why don't you just leave me alone?" I asked him but he did not answer. Napaiyak na naman ako. "Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?"

His face was blank if not for the very dark look his eyes had. Parang sobrang ubos na ang pasensya niya at hindi niya na ako pagtitiisan pa. Na kung ayaw kong sumunod, pasusunurin niya na lang ako sa paraan niya.

Pinahid ko ang mga luha ko and let all my bags fall to the ground. Napaupo ako sa isang springer at dito umiyak. Pinahid ko yung bibig ko and I saw the blood kaya lalo akong natakot. Nakakita na naman ako ng dugo. Lagi na lang ba akong makakakita ng dugo?

Ang gusto ko lang naman, maging masaya pagkatapos ng ginawa niya sa akin noon. Ang gusto ko lang naman, makalimutan na ang lahat ng nangyari noon. Pero binabalik niya ang lahat na parang napakadaling ibalik din ang lahat sa dati sa isang iglap.

He slammed his hand against the head of the springer and it shook. "Ano bang problema mo?"

"Nagtanong ka pa." I wiped my tears harshly with the back of my hands. "Ikaw! Ikaw ang problema ko, nakakainis ka na! Sinabi nang tigilan mo na 'ko, eh! Nananakit ka! Why are you so desperate?"

"Because I love you! I came back here because of you!"

"Then why did you leave?"

"Because of you!"

"Ako? Why didn't you fucking tell me you would leave dahil sa'kin? Why didn't you answer my calls? Why did you leave me?"

"Because—"

"Save it." Pinahid ko ulit ang mga luha kong tumulo. "Hindi na ako maniniwala sa'yo kahit kailan. Tingnan mo ginawa mo sa'kin."

Bigla siyang lumuhod sa harap ko. Galit siya at mukhang desperado na nga siya, but I could see that he was pleading as well.

"Dee, just listen to me. Stop with these immaturities," madiing sabi niya at sinubukang hawakan ang mga kamay ko.

"Ayoko. Ayoko." Pilit kong binawi ang mga kamay kong hawak niya. But he refused to let go.

"Tama na, Dee. Tigilan mo na 'to, bumalik ka na sa'kin. Hindi ko naman magagawa yun kung hindi ka ganyan, eh. Pakinggan mo naman ako. Please."

Nakayuko ako habang sinasabi niya 'yon. At nakayuko pa rin ako noong nagsalita naman ako.

"When I begged you dati na mag-usap tayo, pinakinggan mo ba 'ko? Hinayaan mo lang ako. Parang wala kang naririnig. So tell me, dapat ba kitang pakinggan ngayon? Hindi ba 'yon unfair sakin?"

"Kaya nga 'ko nandito, eh." Hinalikan niya ang mga kamay kong hawak niya. His fingers smudged the little amount of blood that stained them. "Para magpaliwanag sa lahat ng nangyari noon. Listen to me, please. Para hindi na tayo umabot sa ganito ulit, okay?"

Dominika (Pale As Dead I) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon