Unang Tibok

404 5 0
                                    

CHAPTER 1

NATHAN'S POV

"Kurt, laro na tayo ng basketball."

"Osige."

"Ang daming tao, Kurt. Laruin nalang kaya natin sila?"

"Sige. Masaya 'yan para may challenge naman satin."

Siya si Kurt Parica. Siya yung palagi kong nakakalaro sa basketball, DOTA at LOL. Lagi ko yan kasama lalo na pag Friday. Pag tapos namin maglaro, pumunta kami sa tindahan para bumili ng softdrinks. Napatigil ako nung may nakita akong isang babae. Ang ganda niya. :')

"Kurt, kilala mo ba yung babaeng yun?" tanong ko kay Kurt.

"Ahh, Oo. Si Pauline." sabi ni Kurt.

"Pakilala mo naman ako!" pabiro kong sinabi sakanya. Hahaha.

"Sige sige." agad naman pumayag si Kurt. x)

"Ahh, Pauline, si Nathan nga pala. Kaibigan ko."

"Hi, Nathan! Nice to meet you." sabi sakin ni Pauline. :")

"Hello, Pauline." sabi ko. Tae ang ganda talaga niya. Nakakatunaw yung tingin niya sakin ahh. XD

"Taga dito ka ba samin?" tanong ni Pauline sakin.

"Ahh, ehh. Hindi sa Santa Rosa ako." sagot ko.

"Ang layo mo naman." dagdag ni Pauline. Ang layo ko daw? So, gusto niya, malapit ako sakanya? Hahaha. Ayoko mag assume. XD

"Oo, malayo nga. Pero, masarap kasi mag basketball dito eh." Sabi ko.

"Uy, Kurt, Nathan. Uwi na ako ha. Baka hinahanap na ako samin ee." Halaaa, uuwi na si Pauline. :'( Ang bilis bilis naman. Kailan ko kaya ulit siya makikita? :(

Habang pauwi na ako, agad ko inisip kung paano ko magiging kaibigan si Pauline. Walang pumapasok sa isip kooo! >< Ayy, alam ko na! Si Jairus! Tama. Si Jairus nga. >:)

"Jairuuuuus!" sigaw ko sa tapat ng bahay nila.

"Ohh?" sagot ni Jairus.

"Pre! Kailangan kita! Kailangan ko ng katulong!" Okay, masyado kong nalakasan boses ko. x))

"Ha?! Saan?!" sagot niya. Nagulat ata. Hahaha!

"Ehh, kasi. Pre, may nagpatibok na ng puso ko!"

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Jairus. Ayaw niya maniwala? Hindi na ba kapanipaniwala yung mga sinasabi ko? x)

"Oo, Pre! Sigurado ako!"

"Kakakilala mo palang tumibok na agad yang puso mo? Hahaha!"

"Pre, iba pakiramdam ko sakanya. Para akong nasa ibang lugar."

"Baka naman paglaruan mo lang yan?"

"Hindi, Pre. Mahal ko siya! Mahal ko na siya kahit kanina ko lang nakilala. Uwi na nga ako. Akala ko naman matutulungan mo ako."

"Sigeeee."

Okay. Akala ko may mapapala ako sa pag punta ko kay Jairus. -.- Wala naman pala. Puro lang siya pang aasar. Onga pala. Siya si Jairus Santos. Madami kasi alam yan tungkol sa "LOVE" kaya siya agad yung nilapitan ko. Pero, ano napala ko? Hahaha! Wala. XD

Makauwi na nga lang. Pag dating na pagdating ko sa bahay, kumain ako at nag laro muna ng LOL. Tapos, nung patulog na ako, nag pray ako kay God na sana maging close kami ni Pauline. 

Next day....

Pupunta ako kila Pauline ngayon. Sana maging close na kami. Hahaha. Sana wag siyang snob. Pero, mukha namang hindi ee. Mukha naman siyang mabait. She looks like an Angel. :")

Isang oras na ako nakatambay dito sa tindahan malapit kila Pauline. Buti nalang, dumating siya. Whoooo! Eto na! Eto na! XD

"Ikaw si Nathan, right? Yung pinakilala ni Kurt?" Tanong niya. Kilala niya padin ako! *o*

"Ahh, Opo. Ako yun." sagot ko. Magalang ba masyado? x)

"Ahh, Pauline. Labas tayo, pwede ba?" tanong ko. Diba parang masyadong mabilis? Kakakilala lang namin kahapon tapos yayayain ko na agad lumabas? Sana pumayag! :<

"Uhmm, sige. Wait lang bihis lang ako ha?" sabi niya sakin. Kahit wag ka na mag bihis! Okay na yan! Maganda ka padin! :">

After 10 minutes....

"Nathan."

Face reaction ko? Ganito. (*o*) Ang ganda niyaaaaa. :'> Bat ganun siya kaganda? Parang may anghel na papalapit saakin.

"Huy, Nathan. Okay ka lang?" tanong niya.

"Ahh, Oo. Sorry sorry."

"Okay lang. Tara na?"

"Tara. Buti pinayagan ka ni Mommy mo." 

"Oo nga eh. Wag lang daw ako uuwi ng late." sabi niya.

Nung nasa ATC na kami. Kumain muna kami sa Pancake House. Pag tapos, nanuod kami ng sine. Para akong may girlfriend aa? Yun nga lang, hindi Holding Hands. :( Hahaha!

Pauwi na kami, hinatid ko si Pauline sa bahay nila. Walang tao. Take note, WALANG TAO. Hahahaha! XD 

"Pauline, dito nalang muna ako. Hintayin ko Mommy mo para makapag pasalamat ako sakanya tsaka para may kasama ka na din."

"Ahh, sige. Thank you, Nathan."

Nung dumating na Mommy niya, nag pasalamat ako. Tapos, kaunting kwentuhan. Tapos, umwi na ako. Grabe, ang saya ko ngayon.

Unang TibokWhere stories live. Discover now